--------
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Panget! "
She smiled ate me while holding the cake. Ang hilig niya talaga akong surpresahin, and that really made me fall for her even harder. I never thought na mahuhulog ako sa babaeng ito nang ganito kalalim.
Simple.
Mabait.
Caring.
Loving.
She's almost perfect for me. Thank God I found her. It's too early to say but she's the girl I want to spend my life with.
"Thank you Jezsryl"
"Wish ka na! Dali!"
I close my eyes. *Lord, sana pa wag niyo na akong ilayo sa babaeng ito. Mahal na mahal ko po siya. Alam niyo 'yan.*
Hinipan ko ang kandila na nakalagay sa cake. Hinatak ko siya sa akin at hinalikan sa noo.
"Yehey! Tanda mo na Bebe Kyle."
"Di pa kaya! 20? Mukha nga akong 16. Baby-face kasi. Parang John Lloyd lang." Pumose pa ako ng pogi pose at kumindat sa kanya.
Tumawa lang naman siya. "Kaya love kita, e."
"Dapat lang naman!"
Pinahidan ko siya ng icing sa ilong. Gumanti rin siya hanggang sa nagtuloy na 'yun.
Masaya ako sa kanya. Alam kong masaya din siya sa akin.
Nang natigil na kami sa pahidan ng icing, nilapag niya ang cake sa table at lumapit siya sa akin para yakapin ako.
"Labas tayo, bebe. Out of town."
"Wag na. Dito na lang tayo mag-celebrate ng birthday ko."
"Sige na. Birthday mo naman. Gusto kong lumabas tayo."
"Saan naman tayo pupunta?" Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin.
"Sa puso ko." Nag-pose pa talaga siya nang may kasama pang sign ng puso gamit ang daliri. 'Yung nauuso ngayon sa mga babaeng naaadik sa Korean Drama.
Napailing na lang ako sa kacutean niya. "Ikaw talaga. Saan nga?"
"Gusto ko sa beach. Gusto kong makakita ng sunset.. Kasama ka."
"Next time na lang. Gusto ko lang na rito na lang tayo. Manood na lang tayo ng sine o kaya magluluto na lang ako ng favorite mong baked macaroni."
"Paano kung walang next time? Paano kung wala na ako bukas 'di ba?"
"Knock-on-wood, bebe. Wag ka namang ganyan." Kumatok pa talaga ako sa table namin.
"Sige na kasi. PLEASE?"
Tumingin pa siya sa akin na parang isang batang puslit na may hinihiling.
"Pretty please please please? Please po bebe?" Kumawit pa siya sa braso ko at nilagay ang ulo niya rito.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko matiis ang babaeng ito. "Okay. Sige na nga!"
"Yes! Let's go! Mag-ayos na tayo ng mga dadalhin natin!"
Then she kissed my cheek so many times... Natawa na lang ako sa sobrang kakulitan nitong babaeng ito. Boring talaga ang buhay ko kapag wala siya. Siya ang nagbibigay ng kulay sa mundo ko.
BINABASA MO ANG
Compilation of One-Shot Stories
Tiểu Thuyết ChungA mixture of ka-kornihan and a bittersweet side of love. Here's my one-shot stories. Enjoy. © AianneCasey