Maganda..
Matalino. Hindi lang sa pagsagot sa Q and A kundi pati sa paggalaw mo, dapat mukha kang matalino.
Elegante.
'Yan ang dapat katangian ng mga lumalaban ng Muse, 'di ba? At sa mga nabanggit na 'yan, alam kong wala sa akin ang mga iyan.
Yes. I'm this typical of girl na hindi marunong kahit na mag-suklay ng buhok, walang pakialam kung oily na ba ang mukha, at anak rubber-shoes. Oo! I don't wear heels and skirts. Puro t-shirt na puro maluluwag pa sa akin at 'yung mahabang buhok ko ay laging naka-pusod or 'di kaya nakatago sa sumbrero.
"Jeninah! February na. Mag-jJS na tayo... Wala pa rin bang pagbabago sa itsura mo?" tanong sa akin ng bestfriend kong si Chiza.
"Ano bang problema sa suot ko?" Friday ngayon. Usually, civilian day pag Friday. Poor school, walang P.E. Plain shirt na medyo malaki and pants ang suot ko na tinernuhan ng dirty white na converse. Naka-bull cap din ako..
"Mukha kang baduy."
BADUY.
BADUY.
BADUY.
Okay. Masyado siyang straight to the point.
"Ano naman ngayon? Wala naman akong pakialam sa mga JS na 'yan. Hindi ko kailangang paghandaan lang ang isang ganyang okasyon na wala namang kuwenta sa buhay ko. What matters most is, I am comfortable with this-"
Hindi ko na naituloy 'yung sinasabi ko nang matanaw ko ang crush ko na lumabas ng gymnasium.
Si Khalil.. Ang magaling na dancer ng Dance Troupe namin. Nakita niya rin siguro ako kaya kumaway siya sa akin.
"Uy, Jeninah! May practice tayo mamaya sa gymnasium ha? Sasayaw raw tayo sa darating na foundation day." Ngumiti pa siya sa akin.
"A-ah.. s-sige lang..." Bakit ba ako nauutal pag nakakausap ko siya? Mamaya niyan, mahalata pa ako.
"Sige. Tulungan mo rin akong mag-isip ng steps ha?" Tumango lang ako sa kanya. Kumaway ulit siya bago tumalikod sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya ng room nila.
"A-ah.. s-sige..." Sabay biglang tawa nang malakas ni Chiza.. Ang mahadera, ginagaya pa ako!
"Uhmmmm!" Binatukan ko nga siya.
"Aray! Bakit mo naman ako binatukan?" hinimas-himas niya pa 'yung ulo niya.
"Parang hindi mo naman alam 'yung dahilan."
"Kasi naman.. Mukha kang ewan d'yan! Hoy! Tandaan mo... MAY EUNICE na 'yung pinapantasya mo!"
That hit me. Sabi-sabi sa school na may crush daw itong si Khalil. Si Eunice. Ang MUSE ng school simula nung 1st year pa lang kami. As usual, si Khalil ng escort niya lagi. Pogi naman talaga kasi si Khalil, matalino, talented.. Lahat na.. Pati si Eunice... Nasa kanya na lahat ng nabanggit ko kanina na dapat na katangian ng isang muse. Bagay sila, hindi ba? Like, destiny? Match made in heaven?
"Alam ko naman 'yun... Tara na nga! Baka and'yan na si Ma'am Margo."
"Ay, oo nga! Terror pa man din 'yun."
Alam ko naman na hanggang pantasya na lang ako sa kanya. At sa dami ba naman ng mga babaeng magaganda na naghahabol sa kanya? Alam kong 'di niya ako mapapansin.
BINABASA MO ANG
Compilation of One-Shot Stories
General FictionA mixture of ka-kornihan and a bittersweet side of love. Here's my one-shot stories. Enjoy. © AianneCasey