JINX

48 2 0
                                    

A/N: Sinulat ko itong story na ito kasi naastigan ko itong nalaman ko about sa JINX na ito. Nalaman ko lang ito sa kaklase ko kasi ayaw magsalita nung katabi niya. Then tinanong ko kung anong nangyari at sabi niya, na-jinx niya ito. In-explain niya sa akin kung ano ba yun then boom! Naisip ko ito. Hi there ANGE at sa lagi naming najijinx na si PAUL! HAHAHAHAHA.

-------

Jinx - A penalty that one person can invoke on another when the two of them say the same thing at same time.

Naniniwala ba kayo d'yan sa Jinx? Meaning niyan, yung kunyari dalawa kayong nagkasabay sa sinabi niyo... Tapos kapag sinabi ng isa sa inyo na "JINX!" kailangan yung nasabihan ng Jinx, hindi magsasalita UNLESS mabanggit yung pangalan niya kasi kapag nagsalita siya ng hindi nababanggit ang pangalan niya, mamalasin siya.

May nabasa ako sa internet na na-jinx at hindi naniwala sa ganun. Pero ayun, namatay. Car accident. Minalas. Kaya ayun! Parang biglang naniwala na ako...

Nakatambay kami ng mga kaibigan ko rito sa bleachers. Intrams kasi ng university namin. At heto, dahil hindi kami nabiyayaan ni Lord na maging sporty, cheerer na lang kami ng mga kaibigan ko.

Katatapos lang namin manuod sa volleyball girls namin. Kaya rito naman kami magchi-cheer sa basketball.

"Go golden fighters! *clap-clap-clapclap*"

Yan ang cheer namin. College of education ay golden fighters. Yep. Education ang course ko. 3rd year na ako. Sa ibang college, Unstoppable Hawks, Mighty Aggies, Raging Dragons, etc. Kami naman, Golden Fighting Lynx kaya golden fighters. Oha?

"Hoy Venice, bakit hindi nakikicheer itong babaitang ito?" Itinuro ni Pau sa tabi niya si Ciara.

"Eh kasi, na-jinx ko siya kanina! Sabay kasi naming nasabi na.. "Ang galing ni Cabiñan!" sa volleyball girls kanina. Naunahan ko siya! Hahahaha! Huwag mong babanggitin pangalan niya. Hayaan mo siyang tumahimik. Minsan lang yan at alam mo na, non-stop ang bibig niyan."

"Buti na lang, na-jinx mo siya. Kasakit ng tenga ko kakasigaw niya kanina pa."

Sumimangot lang sa amin si Ciara pero tumawa lang kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon