Nasaktan ka, OO. Pero may dahilan naman ang lahat hindi ba?
______
"Katukayo! Tara na sa court! Basketball na tayo!"
"Oo na! Susunod na lang ako d'un!"
Nakaharap ako sa salamin. Nakasuot ng jersey, pantalong kupas na medyo maluwag sa akin, ang mahaba kong buhok ay nakatago sa sumbrerong suot ko. One of the boys kung ako ay ituring. Samahan mo pa ng salamin ko na makapal na ang lens dahil sa taas ng grado. Ayos, 'di ba?!
Papunta ako ngayon sa court kung saan ang tambayan namin lagi ni Mikee, ang tumawag sa 'kin kanina. Kababata ko nga pala siya, parehas kami ng initials na MAC.
"MAC!"
Napalingon ako sa tumatawag. 'Yun pala si Mikee ang tinatawag ng tropa. Nasa court na rin kasi ako at nandito na rin si katukayo.
"Ooops. Sorry. Dalawa na naman kayong napatingin. Alex at Airene na nga lang maitawag sa inyo." Kulit talaga ni Brent. Hindi na natuto.
"Tara magbasketball!" aya ni Alex sa kanya.
"Sino ba kalaban niyo?" Tanong nito sa kanya.
"Ang BARAKO BOYS."
Ang BARAKO BOYS ang sikat sa amin.
Sikat sa kadugaan at nakakainis pa dun, andun yung bwiset na lapit ng lapit sa akin, si Brix. Feeling macho at magaling sa basketball. Sayang may itsura pa man din. Mayabang nga lang. Edi parang wala lang din. What is pogi if your attitude is dirty. Lol. Ano bang sinasabi ko.
"Hi! Sweetheart Myhkie!"
Yuckness. Speaking of the Devil. Ang balasubas ng bibig.
Akmang lalapit pa sana siya sa akin pero pinagsalitaan ko na siya."Sige, lumapit ka pa, sasabog 'yang nguso mo." Seryoso talaga ako. With matching flying kick pa para masaya.
"Oppppppsssss. Relax lang beybe. Namiss lang kita." Ngumiti pa. Akala niya kinagwapo niya ang pagngiti niya na 'yun? Mukha siyang manyak. At hindi na rin ako magtataka kung isang araw, matokhang ito.
"Miss? Gusto mo 'yang mukha mo ang ma-miss mo?"
"Chillax.. Nagbibiro lang eh. Pasalamat ka pa nga't minahal kita kahit ganyan ka."
"Sinabi ko ba kasing mahalin mo ko?!" umamba na ako ng suntok. Bwiset talaga!
"Oops! Tama na 'yan Airene." Awat sa akin ni Alex. "Tol. Mag-umpisa na tayo ng basketball." Pag-aaya naman niya sa mayabang na Brix na 'yun.
"Tara na nga." Sabi ni Brix sa mga kasama niyang mga mukhang JejeLords. "Bye Sweetheart. Mas naiinlove ako sa'yo pag ganyan ka. Okay lang kahit ganyan itsura mo!"
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" BV talaga oo! Panira ng araw!
Nag-umpisa na ang laban. Ayun, hindi na nila ako pinasali sa laro at siyempre, ang team nila Parekoy ang nangunguna. Hah! Magaling yata ang kababata ko. Bawat shoot niya, chinecheer ko naman siya.
"Go Parekoy!" Lumalamang na sina Alex. Napipikon na yata ang Barako Boys. Uh-oh.
"Ayoko na! Talo na kami!" sabay talbog ng bola ni Brixx.
Natamaan sa ilong si Alex.
Sht. Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ako at dinaluhan si Alex.
"Parekoy! Okay ka lang?!"
BINABASA MO ANG
Compilation of One-Shot Stories
General FictionA mixture of ka-kornihan and a bittersweet side of love. Here's my one-shot stories. Enjoy. © AianneCasey