Tagu-taguan

121 3 0
                                    


_____

"Ayanne! Ano tara? Tagu-taguan tayo!" Sigaw ng Niko. Kapapasok niya lang dito sa bahay.

"Ano ka ba naman Niko. Tagu-taguan? Eh ang tatanda na natin para d'yan." Sinulyapan ko siya saka ibinalik ang tingin ko sa TV. Nanunuod ako ng Tom and Jerry.

"Minsan na nga lang ako mag-aya ng ganito. Hindi mo pa ako mapagbigyan. Oo nga matatanda na tayo. Pero gusto ko namang balikan yung mga ginagawa natin n'ung bata pa tayo." Napalingon ulit ako sa kanya. Biglang lumungkot ang mukha ni Niko.

Napabuntong-hininga ako. Matitiis ko ba naman kasi siya? Eh siya lang naman 'yung lalaking minamahal ko nang palihim?

"Sige na. 'Wag ka lang magmaktol. 'Di bagay sa'yo. Ang laki-laki mo na."

"Yes!" Tumawa siya at niyakap niya ko.

"H-hoy.. L-layuan mo nga ako!" Masyado siyang malapit sa akin. Natatakot ako na baka marinig niya ang malakas na pagtibok ng puso ko. Mahirap na.

"Eh sino ba 'yung mga kalaro natin? Alangan namang tayong dalawa lang 'yung maglaro." tanong ko. Hinila niya ako palabas ng bahay.

"Ayun sila, oh."

Lumabas sina Clifford, Ashtrid, Akhea at Shye. Mga kababata rin namin. Oo, mga magkababata kami. Madalas kami-kami ang magkakasamang naglalaro. Paborito ko noon ang tagu-taguan. Kasi sa tuwing ako ang taya, nagpapataya si Niko para hindi ako ma-BURO. Hahaha.

Sa tuwing iniisip ko 'yun, kinikilig ako. Crush ko siya since bata pa kami. Hanggang sa na-develop... Pero hindi naman na ako umaasang may gusto siya sa akin. Gentleman lang talaga si Niko.

Kaya mas mabuting itago ko na lang ito. Walang namang nakakaalam at wala na dapat pang makaalam nito.

"Oh ano, umpisahan na natin?" -Clifford.

"Oo nga, namiss ko 'to." -Akhea.

"Kuuuuu! Baka si Clifford lang yung namimiss mo." Pang-aasar ni Shye kay Akhea.

"U-uy. H-hindi ah." namumula na si Akhea.

"Hindi raw sa lagay na 'yan ha!" Tumawa pa nang malakas si Ashtrid.

"Teka lang Ayanne ha?" hinila ni Niko sila Ashtrid. Parang mga nagpupulong. Nako! Pagtutulungan yata ako ng mga ito ah!

"Hoy! Baka naman dudugain niyo ko niyan ah!" sigaw ko.

"Hindi! Wait lang kasi.." sigaw rin ni Niko.

Maya-maya..

"Okay! Game na! Konti alis ha?" -Akhea.

K O N T I A L I S!


Puro PUTI kami.


K O N T I A L I S!


Puro ITIM naman! Ano ba 'yan!


Siniko ni Niko sina Ashtrid.


"Hoy! Baka naman mga nag-uusap naman kayo!" sabi ko.

"Hindi 'yan. Tiwala ka lang." ngumiti sa akin si Niko. Ngiti pa lang niya nakalulusaw na sa puso.

"Maiba taya na nga lang!" - Shye.


M A I B A T A Y A!


Ako nag-itim.


Tapos puti silang lahat.

Ako ang TAYA! Kadaya ng mga ito ah!


"Paano ba 'yan? Ikaw ang taya, Ayanne. Game na?" pang-aasar ni Clifford sa akin.

Compilation of One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon