A/N: Dedicate to my Idol author, Marcelo Santos III. Na-inspire niya ako sa on-going story niya sa wattpad na "CHUBBY: WEIGHT DOESN'T MATTER" kaya nagawa ko itong one shot na ito. :)
--------------------------
"Triple chocolate cake for Ms. Ayesza.."
Napangiti ako. Sa wakas! Makakakain na rin ako ng chocolate cake. Heaven!
Tumayo ako pero hinawakan ako sa braso ni Ace.
"Umupo ka na d'yan, ako na lang kukuha ng order mo."
Ngumiti na lang ako sa kanya at naupo. Tumayo naman siya para kunin yung order ko. Tiningnan ko lang siya.
Si Chase Mio Yu..
Boyfriend ko. Schoolmates kami, BS BIOLOGY course niya. Ako naman, MASS COMMUNICATION. Ilang buwan na nga ba siyang nanligaw? Hindi ko alam.
*flashback*
Crush ko na yan since nasa high school kami. Yes, parehas kami ng school nung high school. At sinuswerte nga naman.. Parehas ulit kami ng school ngayong college. At... Classmate ko pa siya sa isa kong subject. BIO100. One person apart lang ang pagitan namin sa seating arrangement sa subject na iyon. Mga pasimpleng sulyap sa kanya hanggang sa nagtama yung mga mata namin at.. Nagngitian.
Pag-uwi ko nun sa bahay, habang nagfe-facebook ako biglang may lumabas na notification.
Chase Mio Yu send you a friend request.
Accept Not now
Bigla na lang akong kinabahan. Tiningnan ko pa yung profile. Baka naman kasi poser niya. Siyempre, sikat at gwapo yun tapos ia-add ako? Imposible.
Iniscan ko yung profile, wala masyadong pictures. Baka nga hindi siya ito. Walang mga status pero maraming babaeng nag-write sa wall niya.
Kyaaaah! Salamat sa pag-accept ng friend request Mio! Iloveyou. :*
Gwapo mo talaga crush! Hihihi.
Hi Mio! Pansinin mo naman ako crush!
BINABASA MO ANG
Compilation of One-Shot Stories
Fiction généraleA mixture of ka-kornihan and a bittersweet side of love. Here's my one-shot stories. Enjoy. © AianneCasey