Part I

2K 11 0
                                    

Natutulalang naglalakad noon si Dorothy.Halos lulutang na siya sa kaiisip kung saan siya hahanap ng kanyang mapapasukan.
Sa hirap ng kanilang buhay ay halos mabaliw siya sa kahahanap ng hanapbuhay para lang mapakain ang kanyang limang maliliit na kapatid.
Samantalang ang kanyang ina ay panay ang pagbebenta ng gulay.
Simula kasi nong nawala na ang kanyang ama ay siya na ang tumutulong sa ina para maghanapbuhay.
Nakatuntong lang siya ng unang taon sa kolehiyo ngunit nagpasya na siyang maghanapbuhay para makatulong sa kanyang ina.

Napadpad si Dorothy sa isang coffee shop at nangangailangan ito ng waitress kaya dali siyang pumasok at nakipag usap sa manager.
Nagbigay siya ng kanyang bio data saka nagpasalamat at nagbabakasakaling matanggap.

Hapon na ng makauwi si Dorothy sa kanila.
Tahimik ang buong bahay.
Nasaan naman kaya sila?
Agad na pumasok siya sa bahay at umupo sa upuan sa may sala.
Maya maya ay napapikit siya.

"Ate!ate!gising!"
Tawag ni Lilit sa kanya.
Ang kaniyang kasunod na babae.
"Ano ba?"
Naalimpungatan niyang sabi sabay hagod sa mata.
"Si nanay..nasa ospital"
Mangingiyak na nitong sabi.
Agad na nagulat si Dorothy.
"Ano?!bakit?anong nangyari?!"
Pagkakuwan ay agad siyang tumayo at kinuha ang maliit niyang sling bag.
Agad silang nagtungo sa ospital.
Doon niya nakita si Aling Elsa na mahimbing ang tulog sa kanyang kama.
Agad na lumapit dito si Dorothy at niyakap ang kanyang ina.
"Ano ba kasi ang nangyari?"
Maluluha na niyang sabi.
"Nahimatay kasi si nanay nung naglako kami ng gulay sa may kabilang bayan tapos nung una sabi niya okay lang daw siya eh lumuwa na siya ng dugo kaya dinala nalang namin siya rito ate".
Sabi pa ni Lilit sa kanya.
"Eh nasaan sila Otep?"
Paghahanap niya sa iba pa niyang mga kapatid.
"Pinagbilin ko muna kina Aling Dina ate, kasi kagagaling lang nila sa paaralan."
Dugtong pa nito.

Masyado siyang nag alala para sa kanyang ina.
Sa taong dalawamput isa ay baka magiging ina at ama siya ng wala sa oras.
Kinausap niya ang doktor at ang sabi ay bawal na raw itong magbilad sa init at maglako ng gulay.
Mahina na raw kasi ang baga ng kanyang ina.
Binigyan din ito ng gamot na iinomin ng kanyang ina araw araw.
Agad niya naman itong binili at pinainom nito ang ina.
Nang magkamalay ang kanyang ina ay agad niya itong kinumusta.
Kinabukasan ay nakahiram siya ng pera kay Aling Dina at agad na binayaran ang bayarin sa ospital.
Matapos nun ay nakalabas na si Aling Elsa.
Hanggang sa bahay ay patuloy parin ang pag ubo nito ngunit wala ng dugo.
Pinagpahinga nalang ito ni Dorothy.
Pinaalam niya rito na natanggap siya sa isang coffee shop sa malate,manila.
Natuwa naman ang kaniyang ina ngunit nag aalala ito para sa kanyang anak na panganay.
"Anak..hindi ka ba mahihirapan?ikaw nalang ang magtataguyod ngayong mahina na ako..uho!uho!"
Mahinang sabi ni Aling Elsa.
"Nay..kaya ko'to .Wag kayong mag alala kaya ko ang sarili ko,dito nalang kayo at magpagaling..makakaraos din tayo nay.."
Pilit niyang pinipigilang maiyak habang sinasabi ito sa kanyang ina.
Nagpaalam na siya rito para pumasok.
Sa gabi ang kanyang trabaho kaya sa umaga ay siya ang naghahanda ng almusal sa kanyang mga kapatid at nag aalaga ng kanyang ina.
"Ate,ako nalng po ang mag aasikaso kina Anna at Lisa kasi malaki nadin namn kami ni Otep eh".
Ang malasakit ng bente anyos na si Lilit.
Oo nga te,kami na po bahala ni ate Lilit dito,magpahinga po muna kayo".
Malumanay na sabi ni Otep.
Ayaw pa sana niya ngunit pinilit siya ng kanyang ina na magpahinga muna kahit ilang oras.
Dahil sa talo siya sa mga ito kaya pumasok nalang siya sa kwarto nila at doon natulog.

Darkness into LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon