Mag lilimang buwan na noon si Dorothy nang biglang nagpahanda ng malaking salu-salo ang kanyang amo.
Nagtataka man ay abala parin siyang tumutong sa pag aayos ng malaking lamesa sa malaking bahay.
Hindi niya makausap si Dona ay abala ito sa labas na ayusin ang hardin.
Samantalang ang dalawa pang mga katulong ay naglilinis ng mga muwebles doon at si Aling Susan ay abala pa sa ibangga putahe.
Matapos ang kanilang pagkaabala ay dumating na ang mga bisita ng kanilang amo.
Nasa kusina si Dorothy ng utusan siya ni Aling Susan na lagyan ng tubig ang mga baso ng mga bisita.
Agad siyang sumunod at nilagyan isa isa ang mga baso nila.
Hindi niya namalayang sa isang upuan ay may mga matang nakamasid sa kanya.
Mabilis niyang nalagyang ng tubig ang mga baso at pumunta sa kusina.
Naisip niyang parang pamilyar ang isa sa mga bisita nun ng kanyang amo.
Binalewala nalang niya iyon at nagtungo sa kanyang iba pang mga gawain.
Pumunta si Dona sa likod ng bahay upang kuhanin doon ang iniutos ni Aling Susan.
Dahan dahan namang naglakad si Dorothy sa gilod ng swimming pool.
Ang laki ng swimming pool nila.
Hindi ko yata kakayaning maligo dito.
Ang lalim!
Sa isip niya.
Dahil sa parang hinihila ng kanyang diwa ang swimming pool hindi niya namalayang may tao sa likod niya.
Pabalik na sana siya ng bahay ng bigla siyang nadulas at nahulog sa swimming pool.
"Ahhhh!!!tulong!"
Habang hinahampas hampas ang mga kamay sa tubig.
Agad namang tumalon ang isang lalaki na noo'y papunta sa kanya.
Agad siyang hinila nito at dinala sa tabi ng pool.
Ubo naman ng ubo si Dorothy na nakaligtas na sa tubig.
"Okay na?".
Tanong ng lalaki.
Nakayuko namang nanginginig si Dorothy.
"Ok na po ako,salamat po sa pagsaklolo.
Nahihiya man ay nasabi niya.
Matamis na ngiti ang iginawad ng lalaki.
Agad na nagpaalam si Dorothy dito at mabilis na bumalik sa loob ng bahay.
Nagulat naman si Dona sa sinapit ni Dorothy.
Agad na nagbihis si Dorothy sa kanilag silid.
Matapos ang malaking salu salo noon sa malaking bahay ay nagsialisan na ang mga bisita.
Mabilis na kumilos ang mga katulong sa bahay sa pagliligpit ng mga pinggan.
Nang isang gabi hindi makatulog si Dorothy sa kaiisip sa isang lalaking tumulong sa kanya sa pool.
Sino kaya yun?
Bakit siya napinta doon?
Sinundan ba niya ako?
Pero salamat narin sa kanya baka kung ano nang nagyari sa akin sa pool kung walang sumaklolo sa akin.
Sa isip niya.
"Hoy!anong iniisip mo dyan?".
Gulat sa kanya ni Dona.
Tiningnan lang niya ito saka yumuko.
"Nadulas ako kanina sa may swimming pool tapos nahulog doon.Akala ko katapusan ko kanina pero dumating yung isang bisita ng amo natin.Yung lalaki na naka polo tapos nabasa siya buti nalang may dala siya sigurong damit sa sadakyan niya kaya siya nag iba ng damit.Sobrang nahihiya talaga ako sa nangyari kanina Dona."
Pag aalala ng mukha niya.
Napangisi naman si Dona kaya nagtaka si Dorothy.
"Bakit ka nakangisi ng ganyan?".
Parang naiinis na sabi ni Dorothy.
"Hay naku,nagbablush ka kasi habang kinikwento mo yung knight and shining armor mo".
Nakakaloko nitong sabi na nakangisi parin.
"Matulog ba nga tayo baka kung saan pa mapunta yang imahinasyon mo".
Sabi ni Dorothy saka tunalikuran ang kaibigan upang magsimulang matulog.
"Okay,sana lang hindi mo siya mapaginipan."
Pagkuwan ay pahabol nito.
Hindi na niya ito pinansin at nagsimula na siyang pumikit.Tuluong!tulungan niyo ako!
Wag!bitawan mo ako!!!
Tulong!tulong!
Sigaw ni Dorothy.
Hahaha!!hindi ka na makakatakas!mabuti pa wag kanang maglaban mas lalo ka lang masasaktan!hahahaha!
Sabi ng rapist na lalaki.
Hoy!!!
Bitawan mo siya kung ayaw mong masaktan!!
Sigaw ng isang kakarating na lalaki.
Agad na natigilan ang rapist at sinugod ang lalaki hawak ang isang patalim.
Agad na nakahanap ng tsempo si Dorothy na umalis sa lugar na yun at nagmamadaling tumakbo papunta sa kanilang bahay.
Nasa maliit pa siya ng skinita ng natigilan siya gusto niyang balikan ang lalaki ngunit natatakot siya na baka anong nangyari doon.
Nagpatuloy siya ng pagtakbo hanggang makarating sa high way.
Biglang may humintong sasakyan sa kanyang tabi.
Nagulat man ay natigilan siya.
Agad na lumabas ng sasakyan ang isang lalaki.
Miss,ayos ka lang ba?
Ihahatid na kita baka masundan ka pa nung rapist na lalaki kanina."
Sabi nito sa kanya.
Tiningnan pa muna niya ito.
Dahil sa takot na mahabol siya ng rapist ay pumayag siyang magpahatid.
Hinatid naman siya nito sa bahay nila.
Salamat pala sa pagsaklolo mo sa akin at paghatid dito.
Nahihiya pang sabi ni Dorothy pagkarating ng bahay.
Dahil sa malalim na ang gabi kaya wala na masyadong tao sa panahong yun.
Walang anuman.Anong pangalan mo?
Bigla ay naitanong nito.
Ako si-Naputol ang panaginip ni Dorothy ng bigla siyang ginising ni Dona.
BINABASA MO ANG
Darkness into Light
Short StoryAng pagiging seryoso ni kevin sa buhay ay kabaliktaran sa pag ibig. Sapagkat siya ay nakaranas na ng sakit at hanggang ngayon ay nakatatak parin ito sa kanyang puso. Samantalang may isang babaeng nagngangalang Dorothy ang magbibigay ng liwanag sa ka...