"Nay,may itatanong sana ako".
Pagbasag ng katahimikan ni Dorothy.
"Ano yun anak?".
Takang tanong ni Aling Elsa.
"May nawala ba akong alaala?".
Agad naitanong niya.
"B-bakit mo naitanong anak?".
Takang tanong ng kanyang ina.
"Hindi ko po naiintindihan eh,marami pong sinasabi si Kevin na-".
Bago pa man matapos ay biglang naputol ang pagsasalita ni Dorothy nang tumayo ang kanyang ina na nooy naupo sa isang papag.
"Wala kang dapat alalahanin!kalokuhan lamang ang mga naririnig mo sa Kevin na iyan!Hindi siya para sa iyo anak!.
Ang nasabi ni Aling Elsa na ikinagulat naman niya.
"Hindi siya ang para sa akin?anong ibig niyong sabihin nay?sabihin niyo sa akin ang katotohanan..pakiusap!naguguluhan na ako!".
Naiiyak na niyang sabi rito.
Agad namang pumasok sa silid na iyon ang iba niyang mga kapatid kabilang na si Kevin.
"Yang Kevin na yan ang dahilan ng pagkawala ng ama mo!".
Malakas na sabi nito na itinuro pa si Kevin.
Natulala naman si Kevin sa narinig.
"Ikaw!,Oo ikaw! Dahil sa kagagawan mo!nawala ang asawa ko!at sa depression ni Dorothy!nakalimutan niya ang lahat ng nangyari limang taon ang nakalipas!".
Umiiyak na sabi ni Aling Elsa.
Hindi makapaniwala si Dorothy sa mga narinig.
Kaya pala wala siyang maalala kung paano nawala sa kanila ang kanyang ama dahil dumaan siya sa isang depression.
Natulalang nakatingin si Dorothy ka Kevin.
"Hindi ko parin naiitindihan nay...kung paano nasira ang pagmamahalan namin noon ni Kevin."
Pagkuwan ay naitanong niya.
Nangigilid na ang luha ni Dorothy habang kaharap ang ina.
"Dahil sa pag ibig mo sa kanya..nilabanan mo ang iyong ama dahil mas gusto mong sumama sa kanya noon sa amerika upang doon ka rin mag aral kasama ang lalaking yan!sa mura palang ng iyong edad ay mas lalo naming hinigpitan ang iyong kalayaang sumama sa kanya.Inatake sa puso ang iyong ama nang magpasya kayong magtanan ng lalaking yan!
Kinuha ka namin sa kanya nung matagpuan namin kayo at inilayo ka namin sa kanya at ganun din ang pamilya niya sayo.Kaya nagpasya ang mga magulang niya na dalhin na agad si Kevin sa amerika at ipinalabas namin na wala na ang isa sa inyo.Nagka depression ka dahil namatay ang tatay mo at nalaman mo na iniwan ka ni Kevin upang mag arala ito sa US nang hindi nagpaalam sayo.Samantalang ang ama noon ni Kevin ay kasabwat namin kaya napaniwala niya si Kevin na wala ka na..pero bakit?bakit pinagtagpo parin kayo?".
Paliwanag ng kanyang ina.
"Makasarili kayo..niloko niyo ako!".
Malakas na sigaw ni Dorothy sa kanyang ina.
Agad na nilapitan ni Kevin si Dorothy.
"Para ano?ha nay?!sabihin niyo sa akin?bakit itinago niyo to sa akin?!".
Matapang na sigaw nito kay Aling Elsa.
"Ate!tama na!kapapagaling pa lang ni inay!".
Awat ni Lilit sa kanila.
"Pasensya na kayo..lilit..naiinis lang ako..bakit kayo naglihim sa akin ng ganito?all my life kapakanan niyo ang iniisip ko.."
Umiiyak na sabi ni Dorothy.
"Ginawa lang namin ang nararapat anak!para hindi ka madala sa mapusok ninyong pag ibigan.Malaki ang pangarap ng tatay mo sayo,ganun din ang ama ni Kevin sa kanya.Kaya hindi mo kami masisisi kung bakit ganun nalang ang ginawa namin".
Deritsong paliwanag parin ng kanyang ina.
Hindi nakayanan ni Dorothy ang sitwasyong yun kaya siya na ang umalis sa lugar na yun.
Agad naman siyang sinundan ni Kevin.
Napadpad sila sa Manila Bay.
"Malinaw na ngayon sa akin ang lahat..na maraming hadlang sa ting pagmamahalan noon Dorothy.."
Malungkot na sabi ni Kevin habang pinagmamasdan ang dagat at muli ay tumingin sa kanya habang naglalakad.
"Alam kong ginawa lang nila ang nararapat..pero sana..hindi nila itinago sa akin..ang tungkol sayo..binura ka nila sa aking isipan Kevin..".
Malungkot paring sabi ni Dorothy.
Niyakap naman siya ni Kevin ng mahigpit.
"Pangako..simula ngayon..wala ng makapaglalayo sa atin..kahit sino Dorothy..mahal na mahal parin kita hanggang ngayon.".
Sinserong pabulong niya rito.
"Nawala ka man sa alaala ko Kevin...Pero ang pagmamahal ko ay mananatili habang nabubuhay pa ako...mahal na mahal din kita".
Sabi rin niya.
At agad ay hinalikan ni Kevin ang mga labi ni Dorothy na nooy punong puno ng kalungkutan.
BINABASA MO ANG
Darkness into Light
Short StoryAng pagiging seryoso ni kevin sa buhay ay kabaliktaran sa pag ibig. Sapagkat siya ay nakaranas na ng sakit at hanggang ngayon ay nakatatak parin ito sa kanyang puso. Samantalang may isang babaeng nagngangalang Dorothy ang magbibigay ng liwanag sa ka...