Maagang pinatawag ni Mrs.Johnson ang mga tauhan ng bahay araw ng lunes.
"Kaya ko kayo pinatawag ay dahil dito na uli titira ang aking anak na si Kevin,gusto kong mangyari ay magkaroon siya ng sariling alalay.
At ikaw yun Dorothy."
Seryosong anunsyo niya.
Hindi naman makapniwalang tumango si Dorothy sa anunsyo.
Samantalang namilog ang bibig ni Dona sa narinig mula sa amo.
Marami panginanunsyo si Mrs.Johnson sa mga tauhan.
Matapos yun ay kanya kanya silang nagsibalikan sa kani kanilang trabaho.
Hapon ding yun ay ipina ayos na ni Kevin ang kanyang mga gamit sa kwarto at ang maliit niyang opisina malapit sa kanyang kwarto.
Ipinaliwanag ni Kevin kay Dorothy na paglilinis lang ng kwarto at opisina niya ang trabaho nito at hindi na siya sasama kay Aling Susan sa pengke.
Agad namang nakahanap ng bagong katulong si Mrs.Johnson at ipinalit niya ito sa trabho ni Dona na tagalinis ng kanilang bakuran.
Samantalang si Dona naman ang naging alalay ni Aling Susan at tagalaba ng mga damit.
Nabawasa man ang trabaho ni Dorothy ngunit mas pakiramdam niya ay mahihirapan siya lalo na kay Kevin.
Habang naliligo si Kevin sa swimming pool ay pinahanda niya ng towel si Dorothy.
Matapos ilapag ni Dorothy ang tuwalya sa may pahingahan malapit sa swimming pool ay paalis na siya subalit tinawag siya ulit ni Kevin.
"Ahm,ano po yun sir?".
Tanong niya rito.
"Hindi ko sinabing umalis ka kaagad pagkabigay mo ng tuwalya sa akin,di ba wala ka ng gagawin?".
Seryosong sabi nito na nakatingin sa kanya.
Naiinis man ay pinipigilan ni Dorothy ang sarili.
Boysit talaga tong hayop na to!
Bakit ba kasi dito pa siya nakatira!haissst!
Tsss!!!!!
Sa isip niya.
"Ayaw mo ba sa akin?".
Biglang naitanong ni Kevin.
Namilog naman ang mata ni Dorothy.
"Ah,hindi po!ah,,kasi..".
Napapahiyang hindi makatingin sa titig sa kanya ni Kevin.
"Ok,mabuti kung ganun".
Sabi naman ni Kevin.
Habang dinadampi dampi ni Kevin ang tuwalya sa mukha niya ay inutusan niya si Dorothy na bigyan siya ng juice kaya nagmadali siyang kuhanan ito.
Pagkarating niya ay dala na niy ang tray.
Nakatitig pa si Kevin sa baso bago nagsalita.
"Sino nagtimpla nito?".
Seryoso niyang tanong.
"Si Aling Susan po sir".
Sagot naman ni Dorothy.
Agad na itinabi ni Kevin ang baso.
"Hindi ba ikaw dapat ang mag timpla?".
Seryoso nitong sabi saka inilapit sa kanya ang tray.
"Ipagtimpla mo ako ng juice,yun ang sabi ko."
Inilapit pa nito ang mukha sa kanya pagkasabi nun.
Napalunok naman si Dorothy saka dahan dahang kinuha ang tray.
Siya na rin ang kusang nagbaba ng tingin.
"Pasensya na po sir..gagawin ko na po".
Magalang pa ring sabi niya rito.
Napangisi naman si Kevin pagkaalis ni Dorothy.
Halos tumalon siya sa tuwa nang makita ang pamumula ng pisngi ni Dorothy.
Maya maya ay dumating si Dorothy na dala ang tinin
Mpla niyang juice.
Mahilig daw si Kevin sa orange kaya orange juice ang ibinigay niya.
Agad naman niya itong inilapag sa lamesa na nasa tabi ni Kevin.
Naabutang nakadapa si Kevin ni Dorothy.
"Marunong ka ba mag masahe?".
Matipuno nitong tanong habang nakapikit.
Napabuntonghininga naman si Dorothy.
"Pasensiya na po pero hindi ko po alam mag masahe."
Malumanay na sabi ni Dorothy.
Agad na bumangon si Kevin at naupo malapit kay Dorothy .Napaatras ng bahagya si Dorothy at napaupo siya sa kabilang upuan.
Tatayo na sana siya ngunit bigla siyang hinawakan ni Kevin sa kanang kamay dahila upang mapaupo uli siya.
"Mag usap tayo".
Seryoso paring sabi ni Kevin.
"Ano po ba y-yun sir?".
Pigil parin ang galit na naupo narin.
"Wala ka ba talagang naalala?".
Agad ay nagbago ang emosyon ng mukha ni Kevin.
Agad na hinila ni Dorothy ang kamay niya na nooy hawak ni Kevin.
"Ano ho bang pinagsasabi ninyo sir?ano ba ang dapat kong maalala?".
Kunot ang nooy tanong niya rito.
"Ako ang pinangakoan mo ng pag asang umibig,nung hindi pa ako pumunta ng amerika.Ikaw ang girlfriend kong akala ko ay wala na.Nakalimutan mo na ba yung dati!?"
Bigla ay naging emosyunal na si Kevin.
Gulat parin ang namutawi kay Dorothy.
"Anong..i-ibig ninyong sabihin?wala akong maalala".
Sabi ni Dorothy habang nasapo ang noo niya.
"Pinilit kong kalimutan ka Dorothy,pero hindi ko nagawa..hanggang natapos ko ang aking kurso ay nagpasya akong bumalik dito para hanapin ka..masakit sa akin na pilit kang inilalayo ng iyong pamilya noon.
At ganito nalang ang aking lungkot nang pagbalik koy hindi mo na ako kilala."
Malungkot na sabi ni Kevin habang hinawakan niya ang mga kamay ni Dorothy.
Dahan dahang tumingin sa kanya si Dorothy.
Tumayo ito habang tumutulo ang luha.
"Tama na..ayaw ko ng pag usapan to!wala akong alam sa mga sinasabi niyo sa akin!".
Sabi niya at nagsimula na siya tumalikod kay Kevin.
Ngunit sa di inaasahang agad na tumayo si Kevin at niyakap siya mula sa likod.
Parehi silang napapikit at lumuha.
"Kahit hindi mo na ako kilalanin....mahal pa rin kita Dorothia...".
Pabulong na sabi ni Kevin malapit sa tainga ni Dorothy.
Dahan dahang inalis ni Dorothy ang mga braso ni Kevin at mabilis na tumakbo papasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
Darkness into Light
Short StoryAng pagiging seryoso ni kevin sa buhay ay kabaliktaran sa pag ibig. Sapagkat siya ay nakaranas na ng sakit at hanggang ngayon ay nakatatak parin ito sa kanyang puso. Samantalang may isang babaeng nagngangalang Dorothy ang magbibigay ng liwanag sa ka...