Part 13

255 1 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Dorothy sa mga narinig na katotohanan mula sa kanyang ina.
Nasa malaking bahay na sila ni Kevin nang magkasalubong sila nina Mrs.Johnson.
Masama parin ang tingin ni Kevin rito.
Sa halip ay umiwas nalang si Dorothy at hinayaang si Kevin ang makipag usap dito.
"Ma'am gusto kong makausap kayo tungkol sa relasyon namin noon ni Dorothy."
Seryosong sabi ni Kevin sa ina habang naka upo sila sa sopa.
Napabuntonghinga pa muna ito bago nagsalita.
"Anong tungkol doon anak?".
Mahinahon nitong sabi.
"Bakit niyo inilayo sa akin si Dorothy mom?alam niyo kung gaano ako nagdamdam at umasa noon..pero pinalabas ninyong wala na siya?".
Nagsimulang maging emosyunal ni kevin.
Natulala namang najaawang ang bibig ng ina niya.
"Kagustuhan iyon ng ama mo.Gusto niyang walang sagabal sa mga pangarap mo at ganun din ang ama ni Dorothy para sa kanya.Nang makita ko siya nung nag apply siya,tinanggap ko siya rito dahil alam kong mali na ipinaglayo kayo.Anak..hindi ko iyon ginusto..pero tama din naman ang ama mo anak..para iyon sa kapakanan ninyo."
Mahabang sabi ni Mrs Johnson na nooy nangingilid ang luha niya.
Lumapit siya sa anak at hinwakan ang kamay.
"Para sa kapakanan niyo lang..labis na nasaktan si Dorothy mom!akala niya iniwan ko siya!akala niya kinalimutan ko na siya pero hindi ganun yon!mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at hindi magbabago yun!".
Galit na asik ni Kevin saka agad na iniwan ang kanyang ina tsaka siya dumiretso sa kwarto niya.

Sa isang banda habang nag aayos ng mga gamit si Dorothy.
Biglang pumasok si Mrs.Johnson sa kanilang silid.
Agad niyang pinaalis muna sina Dona at iba pang mga kasama nito.
"Dorothy..pwede ba kitang makausap?".
Mahinang sabi nito.
Agad na natigilan si Dorothy sa mga ginagawa at hinarap ang amo.
"Ahm..magpapaalam sana ako kaso..nag uusap pa kayo ni Kevin..".
Naiilang na sabi ni Dorothy.
Napatingin naman si Mrs.Johnson sa mga gamit nito.
"Kailangan mo ba talagang umalis?..Dorothy..hindi ko naman sinasabing tutol ako sa pag iibigan ninyo ng anak ko..pero bakit kailangan mong gawin to?".
Parang nagmamakaawang sabi nito.
"Masyado na po akong nahihiya sa mga nangyari..wala man akong maalala pero..ayaw ko pong ipagsiksikan ang sarili ko dito..pasensya na po Mrs.Johnson."
Halos maiyak na sabi ni Dorothy.
"Hindi ka lang ba magpapaalam kay Kevin?".
Suhestyon nito sa kanya.
Napatigil naman si Dorothy sa pag aayos ng gamit at tumingin dito.
"Ayaw kong maging hadlang ulit ng mga pangarap niya mrs.johnson..kaya mas mabuting ilayo ko muna ang sarili ko sa kanya..gusto kong maalala ulit ang mga panahong una kami nagkita at kung paano ko siya minahal.Gusto munang ayusin ang buhay ko.."
Hindi na napigilang lumuha ni Dorothy kaya madali niyang pinahiran ito saka kinuha ang mga bag niya.
Mas malakas naman ang pag iyak ni Dona na nooy pahikbihikbi pa.
"Dorothy..hindi ka na ba talaga mapipigilan?".
Naiiyak na sabi ni Dona.
Inilapag pa muna ni Dorothy ang mga bag bago kinausap si Dona.
"Patawarin mo ako Dona kailangan ko lang talagang gawin to..salamat nalang sa tulong mo sa akin at sa pagiging mabuting kaibigan.Mamimiss kita".
Sabi nito na tuluyan na siyang umiyak.
"Bakit kailangan mo tong gawin hindi ka naman pinaalis di ba?tsaka..ahhh!!mamimiss kita!!!"
Hiyaw nito habang umiiyak.
Nagpaalam na rin si Dorothy ka Manang Susan at sa iba pa nitong mga kasama..
Nakalabas na ng gate si Dorothy at naghihintay nalang ng masasakyan.
Laking gulat niyang paglingon niya ay naroon na si Kevin.
Hawak nito ang mga kamay niya.
Isang katahimikan pa bago ito nagsalita.
"Dorothy...ayaw kong gawin mo to..please..wag ka nang umalis.."
Maluluha na rin nitong sabi.
Hindi na naitago ni Dorothy ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Pasensya ka na Kevin..pero..parang hindi talaga tayo para sa isa't isa..napaka unfair ng panahon sa akin..kinuha niya ang lahat pati alaala ko sayo..kahit alam kong minsan na kitang minahal...kailangan ko munang ayusin ang buhay ko Kevin.."
Paliwanag niya rito.
"Bakit kailangan mong gawin to Dorothy..matagal kitang hinanap,ipinaglaban kita..kung..kung antas ng buhay ang iniisip mo wala akong pakialam doon.Kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa..Dorothy..hindi ko magagawa yun kung mawawala ka ulit sa akin..hindi na ako papayag pa Dorothy..".
Paninindigan nito saka siya siniil ng halik.
Hindi nila pinansin ang paghinto ng taxi kaya umalis nalang ito.
Agad namang bumukas ang malaking gate at nagsilabasan sina Dona at ina ni Kevin.Ganun nalang ang hiyawan nila nang buhatin ni Kevin si Dorothy papasok ng bahay.

Darkness into LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon