"Umalis ka na rito!!"
Matapang na sabi ng matandang babae na hinagis pa ang sling bag ni Dorothy.
Naiiyak si Dorothy sa pagmamakaawa na pagbigyan siya ng isa pang pagkakataon ngunit matigas parin ang babae.
Wala siyang magawa kundi ang lumabas at umalis nalang.
Pagkalabas niya ay nabangga niya ang isang matipunong lalaki.
Dahan dahan siyang nag angat ng paningin rito.
Makikitang pag aalala sa mukha ng lalaki.
Samantalang nakasimangot naman si Dorothy na nakatingin dito.
Aalis na sana siya ngunit bigla siyang niyakap ng lalaki.
"Pwede ba?!bitawan mo ako!ikaw ang may kasalanan kung bakit ako napaalis dito!".
Matapang na sabi ni Dorothy.
"Wait Dorothy mag usap tayo."
Pagmamakaawa ng lalaki.
Biglang natigilan si Dorothy.
Agad na humarap si Kevin sa kanya.
Tiningnan siya nito sa mata.
Palinga linga naman si Dorothy sa paligid.
"Sino ka ba?"
Tanong ni Dorothy kay Kevin.
Laking gulat ni Kevin kung bakit hindi siya kilala ni Dorothy.
Nagtataka naman siyang tiningnan ni Dorothy.
Nasa ganun silang posisyon nang tawagin si Kevin ni Alvin.
Mabilis na hinablot ni Dorothy ang mga braso saka mabilis na naglakad paalis.
Gusto pang sundan ni Kevin si Dorothy ngunit pinigilan siya ni Alvin.
Naiwang naghinagpis si Kevin.Kinabukasan sa opisina hindi mapalagay si Kevin gusto niyang puntahan si Dorothy kung saan ito nakatira.
Ni isa sa mga kaibigan niya ay hindi alam kung saan ito.
Paulit ulit niyang sinusulyapan ang buong malate mula sa bintanang salamin.
Pagsapit ng gabi ay binalikan niya ang bar kung saan niya natagpuan si Dorothy ngunit hindi na raw ito nagtatrabaho roon.
Bagsak ang kanyang balikat na bumalik sa kanyang kotse.
Tinawagan niya si Alvin ngunit hindi siya sinasagot nito.
Sumakay nalang siya sa kotse at mabilis na umalis roon.
Habang nagmamaneho ay may nakita siyang tatlong lalaki na parang may sinasaktang babae kaya dali niyang hininto ang sasakyan saka lumabas dito.
"Tigilan niyo yan!".
Saway niya sa mga ito.
Agad na natigilan ang mga ito at hinarap siya.
Naglabas ng patalim ang isa.
Agad na sumugod ang may patalim.
Dali naman siyang nakalayo rito saka hinawakan ang kamay nito at binale kaya nabitawan ang patalim at pabato niya itong hinagis sa mga kasama nito.
Kinuha niya ang patalim saka itinutok sa mga ito.
Agad na nagsipagtakbuhan ang mga ito palayo.
Samantalang itinapon niya ang patalim sa may damuhan saka pinuntahan ang babae ngunit wala na ito.
Paikot ikot niyang hinahanap ang babae.
Sa hindi niya makita dali dalin siyang sumakay ng sasakyan niya saka mabilis na nagmaneho.
Sa di kalayuan habang nagmamaneho siya ay may nakita siyang babaeng tumatakbo sinundan niya ang babae hanggang sa makarating ito sa parang isang maliit na kubo.
Huminto siya sa di kalayuan.
Tiningnan niyang maigi kung sino ang babae.
Dorothy!
Sa isip niya.
Bakit di mo na ako kilala?
Malungkot na tanong sa isipan ni Kevin.
Matagal pa muna bago siya nagpasyang umuwi na.
Habang nasa byahe ay tinawagan siya ng kanyang ina.
Agad naman niyang sinabing pauwi na siya.Kinabukasan sa trabaho ay magiliw siyang pumasok.
Mas lalong maraming humihiyaw pagnakita siya.
Nagtawag ng malaking meeting bosses ng kompanya.
Darating raw ang mga malalking investors para sa itatayo nilang building sa makati.
Nasa meeting room na ang lahat.
Matapos ang meeting ay nagkamayan sila.
Lumapit kay Kevin ang isang napakagandang babe.
"Hi,ako pala ang makakasama mo sa proyektong ito.ako si archetic Athena Sanchez."
Pagpapakilala nito.
"I'm engineer Kevin Johnson".
Pagpapakilala naman niya.
Nagngitian sila at nagpaalam sa isa't isa.
"See you later".
Sabi ni Athena sabay kindat dito.
Napalunok nalang si Kevin dito at patay maling umalis.
Inirapan naman ng mga babaeng may gusto sa kanya si Athena habang nakatalikod.
Maraming naririnig na bulung bulongan si Athenaa sa mga ito ngunit hindi na niya ito pinansin.
Sa halip ay umalis nalang siya at nagtungo sa kanyang opisina.
BINABASA MO ANG
Darkness into Light
Cerita PendekAng pagiging seryoso ni kevin sa buhay ay kabaliktaran sa pag ibig. Sapagkat siya ay nakaranas na ng sakit at hanggang ngayon ay nakatatak parin ito sa kanyang puso. Samantalang may isang babaeng nagngangalang Dorothy ang magbibigay ng liwanag sa ka...