Part III

346 3 0
                                    

Nagmamadaling pumasok si Dorothy sa pinapasukan nitong coffee shop kaya takbo lakad ang ginawa nito.
Halos gusto na niyang magbihis pagdating sa loob.
Nasa counter na siya nang ipatawag siya ng kanyang boss.
"Pinatawag niyo daw po ako sir?"
Malumanay na sabi niya rito.
Napabuntonghininga pa muna ito bago nagsalita.
"Maupo ka Ms.Dorothy."
Sabi nito.
Nanatiling nakatitig si Dorothy dito habang naupo.
"Masyado na kasing marami ang aming empleyado kaya nagpasya akong magbawas.."
Malungkot na sabi nito.
"Pasensya na Ms.Dorothy pero kayo po ang napiling tanggalin dahil sa palagi kayong late at tulala sa trabaho.pasensiya na ho talaga..makakalis na po kayo".
Sabi ng babae saka nakayuko na ito upang pagtatapos ng usapan.
Natulalang lumabas ng opisinang yun si Dorothy.
Para siyang binagsakan ng langit.
Malungkot siyang naglakad palabas ng coffee shop.
Bagsak ang mga brasong naglalakad si Dorothy sa Manila Bay.
Hindi na niya alam kung uuwi na ba siya sa kanila o maghahanap uli siya ng panibagong trabaho.
Naisip niyang bumalik sa lugar na yun saka naglakad lakad.
Sa isang bar may nakita siyang naghahanap ng waitress agad siyang pumasok roon at nag apply.
Natanggap naman agad siya kaya nagsimula agad siya.
Nung una ay parang nhihirapan si Dorothy ngunit tumagal siya hanggang tatlong araw.

Araw ng linggo ay may trabaho parin siya.
Pwede naman silang mag day off pero nagtrabaho parin siya dahil nasasayangan siya sa kanyang kita.
Isang abalang gabi ay matiyaga paring nag seserve ng mga inumin si Dorothy.
Habang naglalapag ng mga inumin sa isang grupo ng mga lalaki ay hinawakan ng isang lalaki ang kanyang kamay.
"Miss pwede ba kitang matable?".
Panananching nito.
Agad naman niyang hinila ang kanyang kamay.
"Pasensiya na po waitress po ako hindi ako talent dito."
Sabi niya saka ito tinalikuran.
Ngunit di pa man siya nakalayo ay nahawakan na ng lalaking yun ang braso niya.
"Ba't di ka nalang mag talent maganda ka naman tsaka magpapakilala lang naman ako eh."
Pilit nitong sabi sa kanya.
Agad naman niyang hinila ang braso niya.
Ngunit mahogpit itong hinawakan ng lalaki.
Nagkantyawan naman ang mga kasama nito na mahina raw ito sa babae kaya pinilit niya itong umupo roo sa tabi niya at uminom ng alak.
"Sabing hindi nga po pwedi eh"
Mahinahon paring sabi ni Dorothy.
"Miss!tang ina!kanina pa ako tawag ng tawag sa counter nandito ka lang pala nakipaglandian!sa oras ng trabaho!trabaho!"
Sigaw ng matabang babae saka siya hinablot at hinila papunta sa counter.
Agad na hinablot ni Dorothy ang braso.
"Teka naman po nasasaktan na ako".
Mahinahon niyang sabi rito.
"Aba!sumasagot ka pa"!
Sabi nito at akmang papaluin siya ng tray ngunit may isang makapangyarihang kamay na pumigil dito.
Si kevin.
"Hindi po dapat ninyo tinatrato ang empleyado ninyo ng ganito manang..tao rin po sila".
Seryosong sabi nito saka kinuha ang tray at inihagis sa lamesa.
Tiningnan naman siya ng masama ng ale.
"Aba!at sino ka namang machete kung saang lupalop nanggaling?!magsama kayo ng basahan na yan!"
Asik nito saka padabog na pumasok sa  kusina.
Inirapan pa nito si Dorothy saka tuluyang pumasok.
Napayuko nalang si Dorothy.
"Okay ka lang miss?ako pala si.."
Pakilala niya sana ngunit biglang tumakbo papasok si Dorothy sa kusina.
Naiwang nakatingin si Kevin doon.
Natigilan siya nang biglang tinapik ni Alvin ang balikat niya.
"Bro,sino tinitingnan mo dyan?hali ka na..kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala."
Sabi nito.
Tahimik namang sumunod dito si Kevin.
"Teka sandali Alvin dito nalang muna tayo."
Malumanay na sabi ni Kevin dito.
"Bakit?haisstt hinihintay na tayo nila Ashley doon sa taas."
Pagrereklamo nito.
"Mauna ka na lang doon bro,susunod nalang ako".
Sabi niya dito na parang may hinahanap.
Pailing iling nalang si Alvin bago ito umakyat sa taas.
Naiwan naman si Kevin na nakatayo malapit sa kusina na nagbabakasakaling makita ulit niya ang babae kanina.

Darkness into LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon