Kinabukasan..
Maagang nagising si Dorothy at pumunta sa maliit nilang kusina sa may maids room.
Agad namang gumosing si Dona at magkasabay na silang nag kape.
Maya maya ay dumiretso na si Dorothy sa kusina ng malaking bahay matapos makapagbihis.
Isinasama siya ni Aling Susan sa pamamalenke dahil ang dating katulong ay ang alalay ni Aling Susan sa kusina.
Tinuturuan din siya minsan nito ng paraan ng pagluluto.
Isang hapon habang naghuhigas si Dorothy ng pinggan ay masayang pinupuri niya si Aling Susan sa mga luto niya,sa amoy palang ay mlalasap mo na ang sarap.
Laking bulacan si Aling Susan at ang kanyang ina ay isang kapampangan kaya namana niya ang pagluluto rito.
Matapos ang hapunan ay nagbabad muna si Dorothy sa may labahan.
Masaya siya sa trabaho niya sa bahay.
Minsan lang niya makikitang tumatambay ang amo niyang babae sa bahay.
"Dona,may itatanong ako".
Panimula ni Dorothy.
"Ano ba yun?".
Taka naman nitong sabi.
"Curious lang kasi ako,yung babae lang ba amo natin dito?nasaan yung asawa niya't mga anak?".
Bigla ay naitanong niya.
Agad namang natigilan ang kaibigan niya.
"Hindi ba naikwento ni Aling Susan sayo?".
Tanong nito sa kanya.
Umiling lang siya dito habang nakatingin sa kaibigan.
"May pamilya din si ma'am,wala lang dito kasi yung mga anak niyang babae ay nasa amerika at ang kaisa isang lalaki ay nakatira sa isang condominium,tapos yung asawa niya ay nasa heaven na."
Paliwanag ni Dona sa kanya.
Napayuko naman si Dorothy.
"Kawawa naman pala siya,mag isa lang siya sa buhay.Ganun ba talaga ang mga mayayaman?"
Malungkot niyang sabi.
Napabuntonghininga pa muna si Dona bago nagsalita.
"Alam mo kahit ganyan si ma'am mabait yan hindi mo yan makikitang nanlilisik ang mata,tahimik lang siya tsaka mukhang seryoso pero mabait yan."
Pagmamalaki ni Dona.
"Ganun ba,mabuti naman.Pero nakakaawa parin siya."
Sabi parin ni Dorothy na hindi parin ngumingiti.
"Hay naku Dorothy,nandito naman tayo eh kasama niya tayo tsaka wag kang mag alala malusog naman siya noh.Mahilig siyang mag yoga tsaka magswimming dyan sa malaking pool sa likod."
Masaya paring kwento ni Dona.
Maya maya ay nagyaya na itong matulog.
Sumang ayon naman agad siya rito.Kinabukasan ay ganun ulit ang trabaho niya paulit ulit lang araw araw ang trabaho niya at sanay na sanay naman siya rito.
Dumaan ang mga araw at isang buwan na.
Matapos nilang matanggap ang kanilang sahod ay agad na nagtungo si Dona sa LBC branch doon upang ipadala sa ina niya at sa pamilya ni Dorothy ang kani-kanilang sahod.
Dahil sa hindi pweding umalis din si Dorothy kaya si Dona nalang ang naghulog.
Sa tatlong libo ay limang daan nalang ang natira sa kanya.
Habang nagpapaikot sa washing machine ay malalim ang iniisip niya.
Nang makauwi na si Dona ay agad niya itong kinausap.
Agad siyang tumawag sa kanila at masaya siyang malaman na natanggap na nito ang padala.
Si Lilit ang kangyang pinagbilinan saga kapatid niya samantalang si Otep ay tumutulong sa pag aalaga ng kanilang ina.
Nagpapasalamat si Dorothy na mabubuti ang kanyang mga kapatid lalo na si Otep na kaisa isang lalaki nilang kapatid.
Bente anyos na si Lilit,Dise nwebe naman si Otep si Ana at Lisa naman ay ang kambal nilang kapatid na nasa elementarya pa lamang.
Gusto ni Dorothy na pag aralin si Otep upang makatulung niya sa pagtataguyod ng kanilang pamilya ngunit dahilan sa gamot ng kanilang ina ay kulang pa ang sinasahod ni Dorothy para matustusan ito.
Kaya nag prisenta si Otep na maghanap nalang muna ng mapapasuka sa kanila.
Sa awa ng Diyos ay natanggap bilang kargador ng mga pagkainan ng manok.
Nakabili narin ito ng sariling cellphone kaya mas madali na rin niya itong makausap pati na ang kanyang nanay Elsa.
Hindi na namalayan ni Dorothy ang paglipas ng mga araw.
BINABASA MO ANG
Darkness into Light
Short StoryAng pagiging seryoso ni kevin sa buhay ay kabaliktaran sa pag ibig. Sapagkat siya ay nakaranas na ng sakit at hanggang ngayon ay nakatatak parin ito sa kanyang puso. Samantalang may isang babaeng nagngangalang Dorothy ang magbibigay ng liwanag sa ka...