Part 11

246 2 0
                                    

Mabilis na tinakbo ni Dorothy ang silid nila ni Dona.
Magtataka namang sinundan ng tingin ang kanyang kaibigan.
Ngunit ipinagpatuloy nalang niya ang kanyang ginagawa sa kusina.
Nakaraan ang araw na yun ay nagpasya munang mag restday si Dorothy ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang amo.
"Magpaalam ka kay Kevin iha,siya ang magpapasya kung ikaw ay makakauwi sa inyo."
Sabi ni Mrs.Johnson na nooy nagpapamasahe sa kanyang kwarto.
"Sige po,pasensya na po sa abala."
Magalang niyang sabi saka nagpaalam.
Agad na pinuntahan ni Dorothy si Kevin sa opisina nito malapit sa kwarto niya.
"Pasok".
Sabi nito nang kumatok siya.
Agad naman siyang pumasok at lumapit dito.
Naiilang man ay kailangan niya itong kausapin.
"Anong kailangan mo Dorothy?".
Tanong nito na nasa laptop ang paningin.
"Gu-gusto ko munang umuwi sa amin".
Malumanay niyang sabi.
Agad na natigilan si Kevin sa ginagawa at isinara ang laptop.
Saka pa ito nakatingin sa kanya.
Nagkasubong ang kanilang mga mata at para bang may kong anong enerhiya ang humihila sa paningin ni Dorothy kaya siya na rin ang kusang kumurap at napayuko.
"Gusto ko munang..kunustahin man lang ng dalawang araw ang nanay kong may sakit at mga kapatid ko sir-".
Derideritsong sabi nito ngunit naputol nang tumayo bigla si Kevin.
Agad itong umikot sa kinaruruunan niya.
Nagtama uli ang kanilang paningin at mas lalong kinabahan si Dorothy dahil nakatayo ngayon sa harapan niya si Kevin.
Napalunok nalang siyang nakatingala dito.
"Ganun ba Dorothy?".
Mahinahon nitong sabi.
Mas lalong namula si Dorothy nang bahagya itong lumuhod sa harapan niya.
Nanatili parin itong nakatingin sa kanya.
"Nandito lang po ako upang magpaalam."
Pilit na nilalabanan niya ang kaba ng dibdib.
"Natatakot ka ba sa akin Dorothy?".
Agad ay naitanong ni Kevin sa kanya.
"Hi-hindi po sa ganun..kasi.."
Nauutal na sabi niya.
Napangisi naman si Kevin.
Agad na kumunot ang noo ni Dorothy.
"Oo o hindi lang naman po ang kailangan ko -
Sabi ni Dorothy na biglang naputol.
Bago paman makapagsalita ulit si Dorothy ay hinalikan na siya ni Kevin.
Napapikit nalang siya at napasabay sa pagtayo ni Kevin.
Hindi niya namalayang lumuluha na ang kanyang mga mata.
Agad niyang inihiwalay ang kanyang labi rito.
Nakahawak parin si Kevin sa kanyang pisngi.
"Ayaw ko na ulit mawala ka...pano kung hindi ang sagot ko Dorothy.."
Malumanay ngunit may kirot na nararamdaman aya niya.
Agad niyang pinunasan ang mga luha ni Dorothy gamit ang mga palad niya.
"Pero ayaw kong nahihirapan ka Dorothy...kaya papayagan kitang makita ang pamilya mo..ngunit kasama ako.."
Sabi niya rito.
Pailingiling man ay walang nagawa si Dorothy.
Kung yun lang ang tanging paraan upang makita niya ang kanyang ina at mga kapatid.

Kinabukasan ay nagmamadaling tinapos ni Dorothy ang mga gawain nagpaalam din siya kay Dona.
Malungkot man ay masaya narin siya sa kanyang kaibigan.
"Balik ka kaagad ah..".
Malambing na sabi nito.
Agad silang nagyakapan at nagpaalam sa isa't isa.
Magkasama sila ni Kevin na pumunta sa kanilang bahay.
Doon nadatnan niya ang kanyang ina na parang gulat pa na nakita siya at si Kevin.
"Nay!,kumusta na kayo?".
Masaya niyang niyakap ang ina.
"Ito umaayos na ang pakiramdam anak.."
Mahigpit din ang yakap dito.
"Nay si Sir Kevin anak po ng amo ko".
Pakilala ni Dorothy rito.
Nakipagkamay naman si Kevin dito ngunit hindi ito pinansin ni Aling Elsa.
Sa halip ay niyaya niya ang anak sa loob ng bahay.
Hinanap ni Dorothy ang mga kapatid at nooy kakarating lang ng mga ito sa kanya kanya nilang lakad.
Masyang masaya silang nakita ang kanilang ate.
Ngunit malaki ang ipanagtataka ni Dorothy dahil ilang at parang umiiwas sila kay Kevin.
Habang nasa labas sina Kevin at Otep ay kinausap ni Dorothy ang kanyang ina.

Darkness into LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon