CHIN's POV
7:30am na ako nakarating sa opisina. Hingal na hingal ako sapagkat ayaw kong nahuhuli ako't lalo na kung marami pang tatapusin.
Breathe Cheynee. Breathe.
"Ooh? Hingal na hingal ka?" –biglang sulpot ni Sofia.
"Oo eh. Marami akong dapat tapusin 'cause I am going to Cebu with..."
"Dylan? Yeah right. With him." –Sofia said.
Napaisip ako. I really wanted to ask something to her, kaso tama ba? Ang hirap naman kasi, trabaho ang punta ko rito, iba naman ang tingin ng ibang tao. Paalis na sana si Sofia nang pinigilan ko siya saglit.
"Sofi, I am sorry but... do you like Dylan?"
Tinignan niya lang ako... Di siya umiimik. Yes, I am asking this dahil ayaw ko na may iniisip siyang iba? Gusto kong malaman para sabihin sa kanyang mali ang iniisip niya.
"Hahahahaha! Come on Cheynee!" –she chuckled after.
"You... back to work."
"Sofi, walang something okay? Wag kang..."
"Cheynee, I said you should go back to work."
Wala akong magawa, baka ayaw niya akong kausapin tungkol rito. Napaupo na lamang ako't napatitig sa Pepsi in can na nasa ibabaw na mesa ko.
Last night, I don't know how to react. Nagkukwento si Dylan sa akin, habang nakatangin ako sa mga mata niya – there is something about him na gusto ko pang kilalanin. Tinititigan ko ang mga mapungay nyang mga mata.. then I saw Brix. No... no... no! He can't be Brix. Magkamukha lang sila Cheynee. Ano ba?!
May mabuting side naman pala ang mokong na yon kaya napangiti na lang ako't bumalik sa trabaho.
.
.
.
Hapon na nang matapos ako mga trabaho ko sa opisina. Hinanap ko ang phone ko at nakita kong may messages.
From Katsumi:
"Hey pretty! Busy?"
"Psssst hooooy! Anong oras out mo?"
Haha itong si Kats talaga oo!
"Out ko na. Bakit ba?!" –message sent
Nagaayos na ako ng gamit ko ng may tumapik sakin.
"Dylan? Ahhh este, Sir!"
"Ms. Lopez, para ka namang nakakita ng multo?"
"I'm sorry Sir, bakit ho?"
"Wala naman. Dinner later?"
Ha? Dinner? Again? Tumunog naman ang phone ko kaya naman nag excuse ako sa kanya saglit to answer Katsumi's call.
"Kats?"
"I'm on my way to GL. Dyan na tayo dinner. Namiss kita eh?"
"Oh! Okay? Who's with you?"
"Tsss! Ako lang! Ano asahan mo don sa mga engot? Puro trabaho lang ang alam."
"Haha yeah right! Oh sige na't nag da-drive ka pa."
"Alright, see you there."
"Okay. Ingat."
Napangiti na lang ako kay Kats. Bigla-bigla na lang kung tatawag.
BINABASA MO ANG
TANGLED
AléatoireThe sequel story from SHE'S UNBELIEVINGLY MINE. "My mind says I shouldn't love you but my heart is TANGLED with you." - #Tangledwp @Miss_Blueprint
