CHAPTER 16 (Be My Girl)

50 3 0
                                    

CHEYNEE's POV

I leave a note bago ako umalis na kwarto ni Dylan. Kinakabahan ako, I really don't know what to do. Pano ko siya ipapakilala kina Mama Karla? Ano ang magiging reaction nila? Ano ang iisipin nila sa akin?

Kagabi, bothered na bothered siya sa kausap niya. Hindi ko man alam ang buong kwento pero kitang-kita sa mga mata niya ang excitement, ang kaba, na may halong pagdududa. I don't know, maybe instinct ng mga babae?

Mama Karla dialing...

"Hello anak good morning!"

"Hi Ma, good morning."

"Wait, are you okay? Ba't parang matamlay ka?"

"No Ma, uhmm. Magpapaalam lang ho sana ako kung okay lang na mag dinner dyan tonight?"

"Sus! Ano ka ba naman? Sabado naman ngayon eh. Syempre. Anong oras ka ba darating?"

"Talaga po? Kaso Ma, may kasama ako. And kasama din buong tropa. Mga 12 noon ho andyan na ako."

"Wait, sino ba yan?"

"Boss ko ho"

Napapahigpit ako ng kapit sa pants ko. Should I let these things happen?! Tama ba to? Diyos ko.

"Boyfriend mo na ba?"

"No Ma."

"Manliligaw?"

"Ma???"

"Oh siya. Papasundo ba kita?"

"No thanks Ma. I can manage. Diretso na po muna ako sa condo."

"Okay anak. Mag-iingat ka."

"Opo. Salamat."

Agad-agad ko naman tinext ang tropa at nag confirm naman silang lahat. Now? Paano ko to ipapaliwanag sa kanila? Pano ko ieexplain kay Dylan ang mga reaction nila? Pa-ano ko ihahandle ang reactions ng mga kapatid ni Brix, ang parents ni Brix? Ang ibang tropa maliban kay Katsumi? Puzzled na puzzled ako. Parang ayaw ko na tuloy umuwi.

Ba't ka kasi pumayag sa gusto ni Dylan Cheyneeeeee?!

His lips, the way he kissed me, I know he's not Brix. Magkaiba sila. Kilalang-kilala ko ang mga hagod ng labi ni Brix. Ibang-iba sa hagod ng mga labi ni Dylan.

Napapahawak ako sa mga labi ko ngayon, I know... THIS IS NOT RIGHT... I know. Nakokonsensya ako, feeling ko napaka-harot ko. Feeling ko nag-checheat ako kay Brix. I am so depressed at the moment. Gusto kong magpalamon sa lupaaaa!

*Ding Dong*

I opened the door and saw Dylan, holding a white rose and seems like okay na siya.

"Dylan, pwede ba tigil-tigilan mo na yang kakarosas mo?"

"Alam mo ikaw? Imbes magpasalamat ka, papangaralan mo pa ako."

"Pera pa rin kasi yan ano. Sayang naman."

"Di naman masasayang kung tatanggapin mo lang."

Inabot niya uli. I can't imagine na sinusuyo niya ako after ng kamaldituhang pinapakita nya sa akin noon.

"Breakfast?"

Tumango ako saka inabot yung rosas ng nakangiti. Pumasok kami ng elevator, nakikita ko ang reflection naming dalawa. He smiled at me but I can't give it back to him.

"Are you okay Cheynee?"

"Uhmm" –mabilis kong tango.

"Of course you're not. Something's bothering you?"

TANGLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon