CHEYNEE'S POV
(Please click the video for background music)
.
.
.
Walang ni isa sa amin ay hinding gulat na gulat. Nong umpisa pa lang, never nabanggit sakin ng pamilyang to na may kakambal si Brix at namatay ito. Pero hindi yun totoo. Dahil ngayon, lahat kami gulong-gulo sa nangyayari.
Kitang-kita ko ang sakit at galit sa mga mata ni Dylan. Hindi ko siya masisi.
"Karla, yung kakambal ni Brix na akala mong patay na..."
"AKO YUN!" –mabilis na dugtong ni Dylan sa sinabi ni Tito Rommel.
Napaluha ako ng makita ko ang malalaking luha sa mga mata ni Mama Karla.
"Rommel? Ba't mo ginawa sakin... SAMIN TO!!!" –nagulat ang lahat sa pagwawala ni Mama Karla. Tinapunan niya si Tito ng throw pillow. Napigilan naman agad ni Katsumi ng pinulot ni Mama ang picture frame para itapon dito.
Tahimik at nakakunot parin ang noo ni Dylan habang nakatingin sa totoo niyang mga magulang.
Sinubukan kong hawakan ang kamay niya... pero tinanggal niya ito. At dahil don, unti-unting bumubuo ng luha ang mga mata ko.
"Nong panahong yon, down ang kumpanya." –biglang nagsalita si Tito Rommel pagkatapos kumalma si Mama Karla kakaiyak.
"Kaibigan ko si Theodore McAllister high school pa lang. Humiram ako ng dalawang milyong piso sa kanya para mai-ahon ang kumpanya. Halos isang taon na, half million pa lang ang nababayad ko. At isang gabi nga, panahon ng kapanganakan mo, sinabayan niya ito ng paniningil." –nanginginig na si Tito at umiiyak. Si Dylan naman hindi ring napigilang umiyak.
"Sabi ko... bigyan nya pa ako ng panahon, dahil sabi ko – manganganak na ang misis ko. Kelangan ko ng pera pang bayad sa hospital. Pero binantaan niya ako. Kailangang-kailangan niya na raw'ng maningil."
He squeezed his jeans. Same as Dylan. Mag-ama nga sila.
"Binantaan niya ako, kung hindi ako makakapagbayad ng utang, papatayin niya kayong mag-iina ko."
"f*ck! Naniwala ka naman?! " – rinig na rinig ko ang pag gigil sa mga ngipin ni Dylan.
"Sana hinayaan mo na lang na ganon!" –Mama Karla
"Syempre hinding-hindi ko gagawin yon?!"
"Kaya ako ang pinambayad mo sa mga McAllister?"
"Anak." –nagulat ako ng lumuhod si Tito Rommel sa harap niya habang humahagulgol
"Patawarin mo ako. Hindi kita ipinambayad, maniwala ka. Wala akong ibang choice. Ayaw kong patayin niya kayo, mas gugustuhin ko pang ako ang patayin niya kesa kayo. Huhu. Patawarin mo ako. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa inyo ng Mama mo. Hindi ko kaya!"
"Pero kinaya mong ipambayad ako sa utang?! For God sake!"
"Binantaan niya ako, hindi ko alam pano niya nalaman na kambal kayo. Caesarean ang mama mo, habang tulog ito at binabantayan ko, akala ko nasa loob ka pa ng nursery at inaalagaan ng mga nurses doon. Binisita ko kayo doon. Nagulat ako nang isang Manansala na lang ang naroon. At si Brix yun.
.
.
Nagwala ako roon. Iyak ako ng iyak. Hindi ako sinasagot ng mga nurses. Dumating ang Daddy mo, hawak-hawak ka niya. Wala ng tao nong mga panahong yon. Hinawakan ka niya sa paa at naka patiwarik ka na. Binantaan niya akong bibitawan ka nya at hahayaang mahulog sa sahig na una ang ulo. Gantong-ganto ang posisyon ko noong panahong yon anak... huhuhu

BINABASA MO ANG
TANGLED
DiversosThe sequel story from SHE'S UNBELIEVINGLY MINE. "My mind says I shouldn't love you but my heart is TANGLED with you." - #Tangledwp @Miss_Blueprint