CHAPTER 19 (Again)

52 5 6
                                    

(Please click the video for background music)

Early in the morning, humugot ako ng lakas to go to the office of GL. May isang linggo na lang ako at matatapos na ako rito.

Nakita ko ang kotse ni Dylan sa entrance ng hotel. Nagbakasakali akong andito pa siya kaya dumiretso ako sa front desk.

"Good morning, you saw Sir Dylan?"

"Good morning Ma'am, nasa VIP room po siya with Sir Albert & Ms. Sofia."

"Ahh okay sige. Thank you. 🙂"

Knowing that, baka mas importante yung pinaguusapan nila kesa magkita kaming dalawa.

Right after umakyat na ako sa opisina. Halos wala pang tao. And I saw the pepsi in can na isa sa mga binigay ni Dylan sa akin.

Simula ngayon, magbabago na ang lahat. Simula ngayon, mag-iisa na lang ako uli... 😔

Inuna ko nang inayos ang desk ko, may mga nakatambak na trabaho, so ginawa ko na. Maya-maya ay isa-isang nagsisidatingan ang mga employees. At napadaan si Dylan at Sofia sa harap ng table ko ng nakaakbay at nakangiti na parang walang nangyari hindi maganda kagabi.

😦 Seriously?

Mas nasaktan ako lalo sa nakita ko. Hindi naman kasi talaga totoong ginamit ko siya or ano. To fix my broken heart? No?! Hindi ba pwedeng nahulog lang ako ng tuluyan kahit di naman sinasadya? 

Gustong-gusto ko siyang kausapin pero pano? Naduduwag ako pagkatapos ng mga binitiwan kong mga salita sa kanya kagabi.

"Cheynee?"

"Yes po?" - sagot ko sa secretary ni Ms. Elizabeth.

"Pinapatawag ka ni Ms. Elizabeth sa office ni Sir McAllister."

"What?!"

"Ha? Anong what? Bakit?"

"Ah este opo pupunta na po."

Nagtataka lang ako na bakit doon pa? Ano na naman kaya ito.

Kinakabahan ako , di mapakali ang puso at utak ko nung nasa pinto na ako. But the secretary did open the door for me saka ako iniwan.

"Good morning Ma'am, Sir." Payuko kong sabi habang lumalapit kay Ma'am Elizabeth.

"Hi Cheynee, may good news ako sa'yo." She said.

Pero hindi ako makapag concentrate sa sinasabi ni Maam dahil nakikita kong naghaharutan sina Dylan at Sofia. Nanggigigil ako. Ano to? Sinasadya?!

"Cheynee?"

"Yes maam ano ho uli?"

"Well, here's your certificate that you accomplished your OJT here. Congratulations."

I frowned, "pero hindi pa po ako tapos?"

"No, Mr. McAllister made this for you."

"Sir?" - biglang tawag ko kay Dylan. But he didn't move, instead nakipagharutan pa lalo kay Sofia. Okay? So ano to?

Ayaw kong tanggapin, if may issue siya sa akin out dapat ito sa OJT ko.

"I have to go Dylan. Ingat ka sa byahe." - She kissed Dylan to his cheek. Nanlamig ako, at uminit ang batok ko sa nakita ko. Seriously? Agad-agad? Ano to, parang isang page ng notebook na pag naging scratch pwede punitin at itapon na lang?!

TANGLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon