CHAPTER 11 - (I moved on)

58 5 0
                                    

          

I woke up 4am to set all my things for 1 week sa Cebu. 6am na nang sinulyapan ko ang orasan. Kaya naman taimtim akong nagdasal bago lumabas ng unit ko.

"Jusme!"

Paglabas ko ng pinto, laking gulat ko naman na may lalaking naka leather jacket na itim at me hawak-hawak na kape at rosas.

"My goodness Dylan! Ginulat mo naman ako?! Para kang kabute!"

"Good morning." –maiksi niyang sagot.

"Pssssh, he! Good morning din. Akala ko ba sa airport na tayo magkita?"

"Why won't you stop asking so many questions to answer? Pwede ba, kunin mo na tong kape mo at nangangawit na ako?"

"Wow naman. So utang na loob ko pa ngayon dahil sa kapeng ito?"

"Oo! Daming tanoooong!"

"Eh sagot ka din naman ng sagot. So yang rosas para kay Sofia?"

He smirked.

"Para sayo sana kaso ke Sofia na nga lang."

Ha? Para sa akin?

"Edi ipadala mo sa office? Me oras ka pa ba?"

"Haaay nako Cheynee! Kukunin mo ba tong rosas o itatapon ko na?!"

"Teka! Ba't ka ba sumisigaw? Galit ka?"

"Maitapon na nga lang!"

"Wait! Akin na nga?! Salamat ha?"

I don't understand. Para san tong rosas?

He never gave me a chance to talk again. Pagkatapos kong inabot ang rosas dali-dali niya namang hinila ang bagahe namin.

Tignan mo to? Sobra pa talaga sa ugali ng mga babae eh? Nagdududa na talaga ako.

From airport, hanggang sa loob ng eroplano, siya yung tipikal na lalake na kakausapin ka lang kung gusto niya. Buong byahe, nakasaksak lang ang plugs niya at natulog. Ako naman, busy looking at mom and dad's photos sa phone ko. I missed them so much.

"Parents mo?" –he said nang nakapikit kaya naman nagulat ako at niwiwave ko yung palad ko sa mukha niya.

"Seriously? Tulog ka ba or what?"

"Mas nauna akong nagtanong, so you should answer me first." –nakapikit niya pa ding sabi.

"Yup."

"Where are they?"

"London."

"Okay."

After few minutes lumapag na rin ang eroplano.

Welcome to Cebu Cheynee! – pabulong kong sabi.

"First time?" –he asked.

"Ikaw ha? Kanina akala ko tulog ka, tapos ngayon ang lakas naman ng pandinig mo? May hearing aid ka bang suot?!"

"First time?" –inulit niya. I sighed.

"Nope. Marami lang akong gustong puntahan dito kaso di ko nagagawa sa t'wing nagagawi ako rito."

"Okay."

"Sir, may problema ka ho ba sa akin?"

Nilingon niya lang ako saglit saka ito naglakad palayo sa kinakatayuan ko. Pagkarating namin sa hotel, inasikaso na ng mga staff ang mga gamit at room namin. Syempre magkahiwalay yun. Trabaho, yun ang unang ginawa namin dito.

TANGLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon