~Royal 02 (Voice)

7.8K 231 4
                                    

Nandito na ako ngayon sa kusina kumakain ng breakfast

"Mama diba sabi mo lilipat ako ng school pero okay lang naman po ako dito kaya wag na lang po"

"Baby parati ka na nalang binubully"

"Sige po payag na ako wala rin naman po akong magagawa lalo na kapag kayo na ang nag desisyon"

"Wahhh....thank you baby pumayag ka rin" eto naman sinumpong nanaman si mama ng pagiging childish niya pero ayus lang sakin nakakatuwa rin kase

Ayos lang naman ako sa school na pinapasokan ko ngayon sanay na rin naman ako sa pambubully sakin ng kambal at isa pa mahina ako wala akong kakayahang lumaban

Tumayo na ako pagkatapos kong kumain at nag paalam na para pumasok

Pagkarating ko sa parking lot ng mansyon nakita ko na si ate Marie kasama ang driver/personal butler ko na si Jhonny

"Good morning young lady 😊😊"ate Marie

"Si ate Marie naman sabi ko nang Aya na lang eh tumatanda ka na! *pout*"

"Huh? Ah eh sorry lady Aya hahahaha at isa pa bata pa ko😊😃" ate Marie

Oo nga naman ang totoo eh halos nasa twenties palang si ate Marie maganda siya, matangkad at mabait mukha nga siyang model eh

"Young lady pumasok na po kayo dahil baka po mahuli pa kayo sa classe niyo" sambit ni butler Jhonny habang hawak ang pinto ng kotse para buksan pagkabukas ng pinto ay agad na akong pumasok sa loob

Pag karating namin sa school ay bumaba na ako at pag baba ko naabutan ko nanaman ang mga studyanteng nag bubulungan pero di ko na lang sila pinansin pa at nagpatuloy na lang sa pag lalakad

Nang nasa tapat na ako ng room ay di parin ako pumapasok dahil parang may mali at walang niisa man lang sa kambal ang nakasalubong ko .... first time

Nang akmang papasok na ako ay bigla na lamang itong bumukas kasabay ng pag buhos sakin ng hindi ko alam kung ano yon basta ang baho niya at ang lagkit na kulay brown pa na parang putik

"Hahahahahahahahahahaha" yun yung huli kong narinig sakanila bago ako tumakbo

Hindi ko alam kung nasaan na ako o kung saan ba ako pupunta dahil hindi ko na makita yung dinadaanan ko dahil sa mga luhang tuloy tuloy na umaagos galing sa mga mata ko grabe ang cry baby ko talaga kahit kelan

Hindi ko namalayan na nasa may mini garden na pala ako ng school kung saan hindi masyadong pinupuntahan ng mga studyante kaya umupo ako sa ilalim ng isang puno malapit sa gitna

Bakit ba nila parati ng ginagawa yon wala naman akong masamang ginawa sakanila ah simula na lang nung pumasok ako sa skuwelahan na ito ako na lang parati ang nabubully ganon ba ako kasamang tao para araw arawin nila tong gawin sakin

"Walang mali sayo at hindi ka masama"

Sabi ng isang tinig ng lalaki

"Umuwi kana satin"

"Miss na kita Shan"

Shan? Hindi naman iyon ang pangalan ko ahh

Hindi ko na namalayang unti unti na pala akong bumabagsak dahil naka upo ako ngayon sa may puno dito sa mini garden pero bago paman ako mahulog ay may dalawang braso na ang umalalay sakin

"Bumalik ka na sa mundo natin prinsesa hindi ka nababagay sa lugar naito dahil ang mga katulad mo ay dapat na nirerespeto at minamahal ng lahat" isang boses ng lalaki ang aking narinig pero hindi ko na ito naintindihan dahil unti unti na akong nawawalan ng malay...

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now