Royal 61

2.1K 37 9
                                    

Kakalabas ko lang ng kubo kung saan kami pinatuloy ni lolo Elicio

Sa gitna pala ng kagubatang iyon ay may maliit na village kung saan doon sila naninirahan

Gawa lang sa mga kahoy at baging ang mga bahay, pangkaraniwang kubo pero ang pinag kaiba nito sa pangkaraniwang kubo ay meron itong mga palamuting hiyas na dito lamang makikita, mga perlas na sabing galing paraw sa dulong bahagi ng kagubatan kung saan walang hangganang karagatan ang sasalubong samin

Naglalakad lakad ako at hindi ko na napansin na medyo napalayo na pala ako

Babalik na sana ko kung hindi lang nakahagip ng kumikinang na bagay ang mga mata ko, nasa likod ng mga halaman kaya naman nag lakad ako papalapit roon at hinawi ang mga halamang nakahara

Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sakin kaya naman napatakip ako ng isang kamay sa mata at maya maya lang rin ay ibinabako na ang kamay ko at ini adjust ang paningin ko

Nang maayos na ang paningin ko ay halos mapanganga ako sa ganda

May isang mini fountain sa gitna na napapaligiran ng mga kulay pula at puting mga rosas

Sa paligid ay may mga nakahilera ring mga rosas

May mga nag liliparan ring mga alitaptap na kahit umaga ay nangingislap

Lumapit pa ako at tiningnan ang repleksyon ko sa kumikinang na tubig na may mga kakaunting mga dahong nalaglag mula sa mga rosas

Sa tuktok ng fountain ay may kulay asul na crystal na hugis ulan

Hahawakan ko na sana yon ng mapatigil ako dahil sa isang boses

"Prinsesa"

Pag kalingon ko may tumambad agad na tao sa likudan ko pero hindi ko siya kilala dahil na rin sa puting maskara na suot niya na may ulo ng uwak sa parteng kaliwa sa noo nito

isang pamilyar na maskara

Nakasuot rin ito ng itim na balabal o cloak

Napahakbang ako patalikod ng itaas nito ang kanang kamay papunta sakin at kulay abong liwanag na lang ang huli kong nakita bago ko mapag masdan ang iba't ibang klase ng ala-ala na alam kong sakin...

Ngayon napaltan na ang mga ala-alang akala ko noon ay totoo yun naman pala ay isa lang ring ilusyon ng nakaraan

Ace/Sharp Hunter POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa secret garden na noon ay ginawa ko para kay Iya dito mismo sa loob ng FireFly Forest

Nang mapatigil ako sa paglalakad ng may mapansin akong babae nakatalikod siya at nakatungo...nasa mismong harapan pa siya entrance ng secret garden ko...tss sino naman kaya to?

naglakad pa ko papalapit but i doesn't let my guard down lalo na't mukhang alam niya na isang ilusyon lamang ang nasa harapan niya

wala talagang makakapasok dito sa secret garden ko dahil kung noon na may nakakaalam pa nito ay dinoble ko ang proteksyon nito at mas pinalakas ang ilusyong ipapakita nito

but this girl

naka uniporme siya kagaya ng uniporme sa Hydra kaya naman alam kong school mate ko to

naglakad pa ko papalapit nang bigla siyang lumingon dahilan para matigilan ako,hindi ako natigilan dahil sa paglingon niya kundi dahil sa maskarang suot niya, isang maskarang dahilan kung bakit muntik na akong makapatay noon ng maraming tao, ang maskarang huli kong nakita bago mawala si Iya, and worst dito pa mismo sa harapan ng lugar kung saan ko siya huling nakasama

isang itim na maskara na may silver lining galing sa silver clan *smirk*

mag sasalita na sana ako ng mapansin ko ang isa pang maskara na hawak niya , isang maskarang kulay ginto na kalahati lang nang mukha ang makikita

unti-unti pa akong lumapit at napatigil nanaman ng may makita akong isang lalaking nakasuot rin ng unipormeng gaya ko, nakahandusay at naliligo sa sariling dugo, siguradong wala na siyang buhay tss

Pero Anong ginagawa ng isang taga Glondier Clan dito? Oh! Right -__- the HeadMistress tss kung ang prinsipe nga ng Silver Clan ay hinayaan niyang mag aral sa Academy hindi malabong pumayag rin siya sa isa pang myembro ng ibang clan

muli akong tumingin sa babaeng may hawak ng kulay gintong maskara at nakitang hindi pa rin siya gumagalaw mula kanina ng bigla na lang siya magsuka ng dugo at bumagsak sa lupa

mas lalo ko pang pinakiramdaman ang paligid dahil siguradong may iba pa akong kasama,tss magaling magtago at mukhang sanay sa ganito

hindi ako kumibo mula sa kinatatayuan ko mula pa kanina at napatalon na lang patalikod ng may maramdaman akong tatama sakin

Pagtingin ko sa kinatatayuan ko kanina ay unti unti na itong nagiging kulay asul na medyo umuusok pa

Tss witches how I hate them *smirk*

Unti unti kong pinakawalan ang kapangyarihan ko, isang dark magic at isang black fire

Kung ang black fire ay kayang gawing abo ang kahit ano ang dark magic naman ay kayang i-cease sa pag exist ang anumang bagay na madapuan nito

That is why I am a destroyer that even time can't win against me

Dahil kahit oras kaya kong burahin pero hindi ko kayang kontrolin...

Nakapalibot na sakin ang kapangyarihan ko ng may kung ano ang bumagsak sa harapan ko tingnan ko itong maigi ay don ko napagtanto na isa itong tao, isang lalaki ulit at nakasuot ng unipormeng katulad sakin hindi siya yung lalaki kanina

Pinagmasdan ko pa itong maigi at napansin ko ang hawak nito sa kaliwang kamay, isa ring maskara pero bakit kulay asul?

Nagulat na lang ako ng may isang patalim na ang dumaan mula sa gilid ng pisngi ko dahilan para magkaroon ako doon ng isang maliit na hiwa, mula pa ito sa likudan ko

Damn! Bakit hindi ko naramdaman?

Naka tingin lang ako sa patalim na humiwa sa pisngi ko na ngayon ay nakatarak na sa punong nasa harapan ko

Bumalik lang ako sa reyalidad dahil sa pamilyar na tawa ang aking narinig dahilan para mapaharap ako sa direksyon kung saan nagmula ang patalim

At nanlalaki ang matang napatitig na lang ako sa kanya

Damn!

******************************************

Sorry for the long time no Update hehehehe

Minsan kasi eh wala sa hulog ang mood ko kaya hindi ako nakakapag update

Minsan eh may naiisip akong scene pero tinatamad akong magsulat kung minsan naman ay sinisipag ako magsulat pero wala namang maisulat

Kaya ayun! Ang tagal ng update hehehe

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now