Royal 48 (Their Abilities)

2.2K 68 3
                                    

Aya Clarissa Maely Mae Mizukita's PoV

*2 weeks later*

Inimulat ko na ang mga mata ko at saka umupo sa kama at nag unat unat

Dalawang linggo na simula nang nung pag dating namin dito mula sa ibang dimension

Back to normal na ulit

Tumayo na ako at nag handa na para pumasok sa klase

Ang dami namin na missed na mga topic kaya sa loob nang dalawang linggo kinailangan namin aralin lahat nang yon aiisshh!

Pero yung dalawang taong yelo hindi na kinailangan mag-aral dahil dinaig pa nila ang mga professors sa dami nang nalalaman nila (yung iba lang)

Palabas na sana ako nang dorm ko at hanggang ngayon ay mag isa pa rin ako sa malaking kwartong to meron pang dalawang bakanteng bed room hay ang tahimik dito miss ko na rin ang best friend ko

"Rissa!" Pag tingin ko sa likod ko

"Flare!" Masayang wika ko at saka kumaway

Tumakbo naman siya palapit sakin

"Good morning!"

"Good morning too!"

"Nasan nga pala sila Aira hindi mo ata kasama?" Takang tanong ko

"Nasa Grand Hall pinapatawag kasi ang lahat nang estudyante eh" sagot niya

"Hmm bakit naman?"

"Dunno" sabay kinit balikat niya "siguro sa darating na kaarawan nang Prinsesa nang Hydria"

"Prinsesa nang Hydria?"

Tumango siya "hindi ka pa nga pala nakapag uli dito sa labas ng Academia diba?" Tumango na lang ako sa tanong niya "sigurado naman akong may nakita kang palasyo sa taas nitong Academy bago ka pumasok dito at yun ang palasyo nang Hydria" sagot niya

"So yun ang dahilan kung bakit mag kakaroon nang pag diriwang sa bayan" dag dag pa niya

Pag dating namin sa Grand Hall ay halos lahat nang estudyante ay nandito na buti na lang talaga at malaki itong Grand Hall

Hindi rin naman ganon kadami ang nag aaral dito dahil bawat kaharian ay may mga paaralan pa tungkol sa mahika

"Good Morning Students! Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa at mag kakaroon tayo nang parada sa susunod na araw dahil na rin sa pag dating nang ating mahal na Prinssesa at sa nalalapit nitong kaarawan"

"Magkakaroon tayo nang isang paligsahan, paligsahan sa talino sa pakikipag laban--- walang maaaring gumamit nang kahit na anong abilidad-- physical combat lang ang maaaring gamitin at ang mananalo ay mag kakaroon nang gantimpala mula sa ating mga kamahalan" pag katapos yon sambitin ni Professor Stomps (Royal 15) ay nag hiyawan ang mga estudyante

"Kung ganon may sarili rin palang mga hari't reyna dito?" Tanong ko

"Haha oo naman ang alam ko nga ay nasa HM office na siya ngayon eh" sagot ni Flare

"Guys! Aya! Flare!" Napakingon kami sa likod nang may tumawag samin

"Good Morning!" Bati ko sa kanila pag kalapit nila samin

"Morning" bati rin nila maliban dun sa dalawang taong yelo

"Tara na sa HeadMistress office" sabi ni Sitely at saka niyakap ang braso ko

"Wag mo nga siyang yakapin!" Suway naman ni Aira kay Sitely

"Tss"

"Lets go!" Sabi naman ni Ice at saka nauna nang mag lakad pero mas nauuna nanpala yung dalawang taong yelo

"Taong yelo! Hahaha" biglang sambit ni Gaze na hawak abg kamay nang namumulang si Yuno

Bigla na lang naman umapoy ang ulo ni Gaze na dahilan kung bakit siya napabitaw kay Yuno at saka natatarantang pinapatay ang apoy sa buhok hahaha lakas ng trip ni Red

"Gag* ka Red!" Sigaw ni Gaze at saka itinapat ang kamay kay Red na dahilan kung bakit ito napahinto sa pag lalakad

"Tang*na hindi ako yon Gaze si Gale yun!" Sabi niya

Si Gale naman ay kumaripas na lang nang takbo habang tumatawa

Medyo nalilito ba kayo sa kapangyarihan nila? Sisihin niyo ang author! Hehe

Si Gale light ang kapangyarihan niya kagaya nang healing, at kaya niya rin manggaya nang kapangyarihan yun nga lang 50% lang ang lakas nang kapanyarihan niya kesa sa original version

Si Gaze naman ay Gravity at strength

Si Red ay Fire and Air

Si Nicka ay Earth element at taming

Si Aira naman ay air, water and fire dahil kayang kontrolin nang hangin ang fire and water at syempre kaya ka rin niyang patayin sa pamamagitan nang pag suffocate sayo

Si Flare naman ay Sounds and Water, Earth dahil sa vibration nang tunog ay nagagawa niyang kontrolin ang dalawa pang elemento

Si Yuno naman ay water and summoning kaya rin niya kontrolin ang dugo mo

Si Sitely naman ay Mirrors or broken glass

Si Ice naman ay syempre Ice and water

Si Shido naman ay Shadow, body control, summoning , strength and even illusions

Si Sharp naman ay ang destroyer hindi ko nga lang masyadong alam kung ano ang ibig sabihin non basta kahit anong bagay kaya niyang sirain kahit ang mundong ginagalawan ko ngayon

Si Iya naman ang Creation

Bukod pa don ang ability nila halimbawa ang teleportation

Mind reading

Spell casting

At iba pa

Grabe talaga sobrang lalakas rin nila hindi ko pa man sila nakikitang lumaban alam ko na kung gaano sila kagaling

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now