Royal 49 (Yuri? And me a strategist?)

2.2K 59 3
                                    

Pag dating namin sa tapat nang HM office

"Red ikaw mag bukas!" Biglang sigaw ni Gale

"Gag* bat di ikaw!"ganti naman nito may natinig rin akong hagikhik sa bandang kaliwa ko pag tingin ko si Gaze

"Gaze open it" biglang sambit ni Sharp kaya napakamot na lang nang ulo si Gaze at saka kumatok muna nang tatlong beses bago buksan ang double door

Nauna na silang lahat at ako ang naguli

Pag pasok ko ay napa tanga na lang ako habang nanlalaki at naka buka ang aking bibig sa bigla

"Close your mouth Mae" sabi nang babaeng naka ngiti at naka tingin sakin habang nakaprenteng naka upo sa long sofa sa harap nang office table at may hawak na tasa nang tsaa

Ang mahaba at kulay na asul niyang buhok ay naka ipit nang pony at ang mga mata niyang kakulay nang nalalantang dahon ay natatakpan nang bangs niya

Wala sa sariling naitikom ko ang binig ko at saka "kyaa! Yuri!" Sambit ko at saka tumatakbong lumapit sa kanya at niyakap nang sobrang higpit

"Girl! I can't breath!" Pag kabanggit niya non ay bigla akong napabitaw at umupo sa katabi niya kaya yung kaninang katabi niya na hindi ko napansin ay biglang napa isod dahil kung hindi siguradong yung taong yun ang mauupuan ko

Habang hawak ko ang dalawang kamay ni Yuri ay may narinig akong mga hagikhikan

Yung mga babae at pati na rin yung mga lalaki kasama na si Headmistress maliban na lang sa mga taong yelo hanggang sa

"Hahahahahaha!!"

"Wengya yan!"-- Gaze

"Laptrip to!" -Gale

Kaya na patingin ako sa kanila at lahat sila ay tumatawa syempre hindi kasama yung dalawa

Napatingin naman ako sa katabi ko at isang malamig na pares nang mata ang sumalubong sakin

"Huh?" Naaambit ko na lang

Di ko sila na gets

Tumingin ulit ako sa kanila habang busy sila sa pagtawa at tiningnan ko ulit si Sharp na nakatingin la rin sakin siya kasi yung katabi ko

Kung siya yung katabi ko? Ibig sabihin siya yung muntikan ko nang maupuan kanina!

Hala! Lagot ang sama niya tumingin

Pero nang mapadako nanaman ang paningin ko sa malalamig niyang mga mata nakita ko nanaman ang pangungulila at kalungkutan kaya natigilan ako at napatitig sa mga kulay ube niyang mga mata

Pero meron pa kong isang napansin sa mga mata niya hindi saya kundi

Inis

Inis? Sakin? Hala siguro nainis siya sakin dahil muntikan ko na siyang maupuan

Nang siguro ay napansin niyang nakatitig ako sa mga mata niya ay bigla na lang itong umiwas nang tingin at saka tumayo na siyang dahilan kung bakit tumahimik ulit ang paligid

Lumingon muna siya sakin bago tuluyang nag laho pero may pahabol

"Tss..."

Eh?

Ano nangyari dun?

"Ehem!" Naagaw ang atensyon namin sa tumikhim si HM

"Kailangan niyong mag handa sa susunod na araw-- sa kaarawan mo mismo Prinsesa Yuri"

"Bakit?" Tanong ko

"Hindi ako sigurado kung sino ang susugod sa kabayanan pero sigurado akong malalakas ang mga ito"

Sa sinabing yon ni HM naging seryoso ang atmosphere

Waaahhhh!!!!

"Ibig sabihin magiging delikado ang mga mamamayan"-- Flare

"Kung ganon bakit hindi natin ipatigil ang pag diriwang?" Sky

"Sa oras na ipaalam o ipatigil natin ang pag diriwang mag kakagulo ang mga mamamayan at siguradong hihingi nanaman sila nang proteksyon mula sa nakatataas"-- Gaze

"Tama si Gaze maraming mag kakagulo hindi lang rin siguro yun ang mangyayari maaaring maging mas malala pa"--Gale

"Ibig bang sabihin lalaban kami nang patago?" Tanong ko

Tumango lang si Headmistress "you guys will eliminate the outsiders silently"

"Kasama rin ba si Aya?"-- Yuno

"Yes she will be the head" sagot naman ni HM

"H-huh?"

"You'll be the strategist girl" sambit naman ni Yuri na nasa tabi ko

"T-teka--"

"Then it's settled, dismissed!"

"Aasahan ka namin Aya kita na lang tayo sa klase bye!" -- sabi ni Aira bago mawala at kasamang tumatawa si Sitely

Don ko lang rin napansi na kami na lang palan ni Yuri ang natira dito sa office ni headmistress

"Don't worry girl kaya mo yan.. and oh by the way mag kasama tayo sa isang dorm" sabi niya bago lumabas nang double door

At ako? ewan ko sa buhay ko!

Aiiissshhh!

Falty/Flare Flairies Dantasia's Point of View

"Sigurado ka captain?"  Naniniguradong tanong ko

Sinabi ko kasi kay cap na si Aya ang magiging strategist akala ko hindi siya sasang-ayon pero

"Do i have to repeat my self?" Iritang tanong niya yumuko at umiling lang ako

Hindi ko inaasahang siya pa ang nag sabi kay mistress Aura na si Aya ang magiging strategist

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero kinakabahan ako hindi para kay Aya kundi para sa magiging kalalabasan nang lahat

Hindi ko naman pinag dududahan ang kakayanan ni Aya pero masyadong mapanganib para sa isang tao na hindi pa kayang gumamit nang mahika

At isa pa hindi ko pa siya nakikitang mamuno

Kadalasan kasi ang strategist nang grupo ay si Nicka

Pang front attacker si captain at vice captain

Pang long range naman ako si Sky at Sitely

Pang short range naman sila Gale, Gaze at Ice

Samantalang si Red naman ang kasama ni Nicka kung sakaling may hindi inaasahang pang yayari siya rin ang gumagawa nang scape rout namin pag hindi na namin kinaya

Kaya nag aalala ko hindi ko rin alam pero masama talaga ang kutob ko lalo na sa plano ni captain

Ano ba talagang nasa isip niya?

Nakakalito talaga siya hayyy...

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now