Royal 34

3.7K 118 0
                                    

Nicka's Pov  (Neki)

Natapos na ang mga klase namin ngayong araw ng makarinig kami ng malakas na pagsabog malapit sa girls dormitory kaya nag katinginan kaming mga royalties at saka nag teleport sa pinanggalingan ng pagsabog

Pag karating namin don nakita namin si Aya na nakaupo at nakatulala habang may tumutulong luha sa mata niya, nakatulala siya sa isang lugar kaya tiningnan yon nila cap pero kami nila Sitely at Wayne pati na rin si Flare ay lumapit kay Aya at niyakap siya si Yuno naman kasama nila Cap at ng iba pang prinsipe

Inaalo namin siya pero nakatulala lang siya at umiiyak

Ano bang nangyari? sigurado akong yan ang tanonv0g nang karamihan samin

"shh...tahan na Aya...ano bang nangyari?"tanong ni Flare kaya ayun nabatukan ni Wayne tinatanong niya tulala na nga hay

"Ang sakit nun Wayne ha!"sigaw niya at akmang magsasalita na si Wayne nang dumating sila Captain ng may dalang mga maskara hawak niya ngayon ay isang itim na maskara nahalos mata lang ang hindi na tatakpan

"Dalhin niyo siya sa clinic pupunta kami kay HM"sambit ni Cap...nakakatakot sobrang seryoso niya

Pero sinunod na lang namin siya , pag dating don agad siyang inasikaso ng mga healer

"Ano bang nagyari?"tanong ni Sitely

"Nagtatanong ka samin eh magkakasama tayo kaya malamang hindi rin namin alam"pambabara naman ni Wayne

"You know guys walang mangyayari kung mag-aaway away tayo ngayon lets juts wait"kalmadong sabi ni Flare

"Nakakapanibago naman ang babaeng ito ang kalmado"bulong sakin ng Sitely kalapit ko siya eh, nakakapanibago kasi si Flare ang pinaka exaggerated samin kaya ganun

"Pero tama siya walang mangyayari kung mag aaway away tayo ngayon"bulong ko pabalik

Hindi na kami nakapag usap pa dahil lumabas na ang isa sa mga Healer na nag aasikaso kay Aya

"Ano pong kondisyon ni Aya ngayon miss Rio?!"si Flare yan natataranrang tanong niya mukhang bumalik na ang pagiging exaggerated niya, si Miss Rio siya ang assistang ni Miss Gen ang head ng mga healer

"Ayos lang ang lagay niya pero mukhang may nakita siyang nakakatakot na pangyayari kaya nag kaganon siya nakakatuwa rin ang ability niya dahil nagagawa niyang makita ang nakaraan ng isang tao o bagay pati na rin ang hinaharap nito" sagot niya

"Eh nasan na po siya?"tanong ko

"She's resting now sa private room 4"sagot niya "I need to go may gagawin pa ko"dag dag pa niya saka umalis na

"ang cool nga ng ability ni Aya nagagawa niyang makita ang nakaraan o hinaharap ng isang tao o bagay"biglang sabi ni Wayne habang kami ay nakapalibot kay Aya na mahimbing na natutulog

"Oo pero anu naman kaya ang kapangyarihan niya, nacucurios tuloy ako dahil sa lahat ng estudyante ng H.A. siya lang ang may ganong ability *sign* "-Wayne, kung sabagay siya lang naman talaga ang may ganong ability eh pati ako na curios na rin sa kakayahan ni Aya pero sa nakikita ko mukhang mahina ang katawan niya

HeadMistress Aura's Pov

Nakakalito na talaga kung sino ang kalaban parami na nang parami hindi ko na matukoy kung sino ang totoo at kung sino ang hindi nakakalito na

Sa pag kaka alam ko matagal nang wala ang grupong ito ang Shadows mga dating alagad ni Hades ang God of Underword dating alagad ni Hades dahil natalo na ng pamilya ni James Demior ang God of Underworld kaya duon na nakatayo ang kaharuan nila

Shadows isang grupo ng mga hunters na sakim sa kapangyarihan kaya trinaydor rin nila si Hades... sila yung grupo ng mga hunters na kumuha sa itinakdang prinsesa kay Princess Iyalyn

Nawala sila dahil inubos at pinatay na ni prince Hunter ang Shadows nuon

Naging kasapi rin ng Infinity ang Shadows at naging mentor rin ni Prince Hunter si Isaac isang myembro ng Shadows at dahil sa pagkawala ni princess Iya hinanap mg hinanap ni prince Hunter ang may kasalanan hanggang sa nalaman niyang ang Shadows ang may pakana ng lahat at pinamumunuan ito ni Isaac

Galit na galit siya nuon at sa sobrang galit niya lumabas ang kapangyarihan niya sa murang edad ang curse magic, hindi niya ito na control ng tama kaya muntik na niyang mapatay ang lahat ng tao sa kaharian nila pero buti na lang ang napatay niya ay ang mga Shadows pero hindi ko alam na may iba pa palang nakatakas...

Bukas na rin pala mag sisimula ang activity o mission na ipinagagawa ng mga hari at reyna sa royalties kasama na rin si Ms.Aya mission yon na kailangan nilang matuklasan kung ano ba ang pag kukulang nila sa isang tao

Malalaman nila sa mission na yon ang lahat ng kanikanilang kagustuhang malaman lahat lahat...

Mga sikretong nakatago sa nakaraan ay unti unti nang mabubuksan at unti unti nang magpapakita

Sadyang mapaglaro lang ang tadhana

Pero hindi magtatagal malalaman at malalaman nila ang katotohanang nakatago sa likod mg mga kasinungalingan

Kasinungalingang minsan ko nang pinaniwalaan

"Umalis na kayo mga prinsipe"sabi ko kina prince Hunter at James na nag bigay sakin ng isang maskrang itim na nagsisimbolong galing ito sa grupo ng mga Shadows

PaglAbas nila saka ko kinaha ulit ang mytical box at inilagay doon ang maskara

Habang may iniisip ako ay may kumatok sa pinto kaya pinapasok ko at laking gulat ko ng makita ko siya isa pang tao na nakakaalam rin ng mga katotohanan ang bestfriend ko ang aong kumopkop sakanya

"Nalilito na ako ano nang gagawin ko? magagalit silang lahat sa oras na malaman nila ang totoo"sabi ko pag kapasok niya

"Alam mong hindi kita iiwan kahit anong mangyari para saan pa't naging magkaibigan tayo hindi ba?"sabi niya"kaya nga ginawa ko ang bagay nayon kahit alam kong mali pero alam ko naman talagang may parte sa ginawa natin ang tama"

"Itinakas natin siya mula sa kanila pero hindi nag tagal nawala narin siya ng tuluyan at naging iisa sila"sabi ko

"Sa oras na malaman nila ang dahilan pasasalamatan rin nila tayo"sabi niya

"yun nga lang ay hindi ito ang inaasahan natin naging iisa sila "sabi ko

"Pero wala narin naman tayong magagawa nangyari na eh, ang kailangan nalang nating gawin ay pag handaan ang pag labas ng pulang buwan ang kinatatakutan ng lahat ang gabi ng kamatayan"sabi niya



Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now