Royal 55 (Red Leaf)

1.8K 63 5
                                    

Aya's POV

Tatlong araw na simula nung mag bago ang kulay nang mga mata at buhok ko

*sigh*

Hindi ko alam kung bakit namin to hinagawa pero

"Oii ano ba kayo ang bagal niyo!!" Sigaw ni Flare habang nauuna na saming umakyat

"Shut up Flare!" Sagot naman ni Aira habang kasabayan ko sa pag akyat

Ang pagod kaya

Hindi ko alam kung anong trip ni Flare at gusto niya kaming isama dito

Ang pagod!

Ang ginagawa lang naman kasi namin ay umaakyat nang bundok dalawang put limang metro ang layo mula sa bayan nang Lena

Ang bayan kasi ay napapalibutan nang mga nag tataasang bundok

May napaka laking lawa at medyo malayo sa tabing dagat

At ngayo nilalakbay namin ang White Mount

Ang bundok na iyon ay napapalibutan nang mga yelo hindi nga lang ganon kadami

At isa pa kakaiba rin ang bundok na ito

Dahil ang kulay nang mga dahon nang mga puno o kahit anong halaman ay kulay puti samantalang asul naman ang kulay nang mga sanga

At hindi rin naman masyadong malamig dito kahit pa may kaunting yelo na hindi natutunaw sa lugar na toh

"Ano ba Flare saan ba tayo pupunta?!" Iritang tanong ni Aira

"Konti na lang malapit na tayo" sabi niya habang nauuna paring nag lalakad

Habang nag lalakad ako ay may napansin akong kakaiba

May nakita kasi akong kulay pulang dahon na ang shape ay maple leaf

Yumuko ako para damputin yon pero pag tunghay ko

"Aira?" Tawag ko

Bigla na lang kasi silang nawala

"Flare?" Nasan na silang dalawa

Waaahhh don't tell me iniwan nila ko dito

Huhuhu

Habang nag papalinhon lingon ay biglang humangin na malakas dahilan para mapa pikit ako nang mata at naramdaman ko na lang rin na nawala na sa kamay ko ang dahon

At pag mulat nang mata ko ay isang puno ang tumambad sakin

Isang puno sa gitna nang mga yelo

Isang puno na kulay pula ang dahon, ang lakas rin nang hangin dahilan kung bakit nag sasayaw ang mga dahon nito

May napansin pa ako, isang babae

Isang babae na naka kimono na kulay puti (a long robe with wide sleeves traditionally worn with a broad sash as an outer garment by the Japanese)

Naka tayo siya sa ilalim nang puno habang pinag mamasdan rin ang kakaibang kulay nang dahon nito

At dahil naka talikod siya sakin ay hindi ko kita ang mukha niya

Pero yung buhok niya ang ganda

A charcoal black hair na umaabot sa beywang nito

Na sumasabay rin sa pag sayaw sa hangin

Ang ganda

Tumungo siya nang konti na para bang may tinitingnan sa mga kamay niya

"Sinong nandyan?" Ang boses niya na sobrang hinhin na parang sa anghel

"Tinatanong kita, sino ka?" Tanong niya ulit nang hindi pa rin lumilingon

"Ah....uummm" hindi ko nanaman na ituloy ang sasabihin ko nang lumingon siya sakin nang bahagya at dun ko nakita ang mga mata niya na mas makinang at mas mala crystal ang kulay asul niyang mga mata

Kalahati pa lang nang mukha niya ang nakikita ko pero alam kong sobrang ganda niya

Hindi ako maka kurap sa pag kaka titig sa mga mata niya

At siguro na pansin niya yon dahil iniiwas niya ang mukha niya bago tuluyang humarap sakin

At dun ko siya lalo napag masdan

May hawak siya na isang pendant

Isang pendant na kagaya nung sakin

Isang blue crystal pendant

Nakatingin rin siya sakin

Malamlam ang mga crystal niyang mata

Sobrang lungkot

Pero maya maya lang ay ngumiti rin siya dahilan kung bakit naging asul ang kaninang mga pulang dahon

At may isa pa akong napansin sa kanya

Ang pinakang itsura niya

Na lalong nag patigil sakin

Yung mukha niya na kagayang kagaya nang akin

Bakit?

Bakit kami mag kamukha?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gulat

Yan ang naging reaksyon nila nang makita nila ang babaeng kasama ko ngayon pag pasok namin sa office ni HM

Gabi na rin

Kanina pa pala nila ako hinahanap kaya lahat sila ay nandito sa office ni HM at nang pumasok ako kasam yung babae kanina na nag pakilalang Inna

Nandito ang lahat nang Royalties kasama na si HM

At iisa lang talaga ang naging reaksyon nila maliban na lang kay Vice Captain na naka poker face pa rin

Lahat sila Gulat nang makita si Inna

"Iya?!" Sabay sabay nilang sabi

"Yna?" Mahinang bulong ni Captain

Kaya napatingin ako kay Inna na nakangiti pa rin habang hawak ang crystal pendant

Pero habang nakangiti ay umiling siya nang dahan dahan at saka nag salita

"Hindi ako si Iya,"

"I'm Inna

And I'm not real

I'm just a doll

From an experiment

And the one named Iya is long gone" dag dag niya

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now