Royal 60 (The FireFly Forest)

1.8K 34 1
                                    

Magpapanick na sana ako kung hindi lang nag hagikhikan ang mga kasama ko pati na rin yung ibang mga King and Queens kaya nag tataka ko silang tiningnan

"The King is a Necromancer, stupid" sabi ng katabi ko sa kanan kaya na palingon ako

Grabe naman siya maka stupid, Shappy *pout*

"H-hindi ko alam *pout* pangalan at mga litratong nasa library lang ang alam ko sa kanila wala naman kasi akong nabasa kung ano ang kakayahan nila" bulong ko kay Sharp

"Tss.. That's why your stupid" huling sabi niya bago nag lakad pa unahan

Hindi ko alam kung bakiy niya yon ginawa pero bigla na lang ikinumpas ni Reyna Mitchy ang kanyang kanang kamay

Pag katapos ay may mga vines na ang pumulupot sa mga paa ng mga hari at reyna hanggang sa lamunin na sila nito at bigla na lang naging buhangin na sumama sa hangin

"Okay, what was that?" Tanong ng isa sa mga kasama namin

Nag kibit na lang ng balikat ang iba saka nag lakad sa iba ibang direksyon

"Anong gagawin natin?" Tanong ko sa katabi ko pero pag lingon ko

"Teka asan na yon?" Takang tanong ko habang palinga linga sa paligid

"Aya tara dali!!" Tawag sakin mula sa likudan ko kung nasan ang pinto na pinasukan namin kanina

Pag lingon ko ay agad akong tumakbo palapit sa kanila

"Si Sharp at yung mga lalaki?" Bungad ko sa kanila pag kalapit ko

"Yaan mo na sila bigla bigla na nga lang nag lalaho eh saka malaki na sila kaya na nila sarili nila" sagot ni Aira

"Eh bakit mo ba sila hinahanap I mean siya?"'tanong naman ni Sitely na may nakakalokong ngiti

"Wala" sagot ko "san tayo?" Tanong ko pa

"Sa fire fly forest tayo" sagot naman ni Flare

"Fire fly forest?" Tanong ko dahil hindi ko pa naririnig o nababasa ang tungkol sa fire fly forest

"Yep! It is the most mythical forest na meron ang Infinity!" Sagot ni Flare at tumango lang ang iba

"Pero bakit wala sa mga librong nasa library ng academy?"

"Dahil masyadong forbidden and forest na yon at tanging sa royal library lang ng infinity palace makikita ang libro" sagot ni Aira "but it's not literally forbidden kumbaga tago lang ang forest na yon"

"In other word, konti lang talaga ang nakaka alam" dag dag ni Nicka kaya napa tango na lang ako

****

Pag katapos ng mahaba habang oras ng paglalakad ay huminto rin kami sa harapan ng isang kweba?

Pero hindi siya basta kweba dahil para lang siyang isang makapal na wall na may mga punong parang naka dikit

Sa entrance naman ng kweba ay parang isang portal

Tanghaling tapat pero wala akong makitang kahit na ano mang liwanag sa loob

Para tuloy nakakatakot pumasok

May dalawa ring puno sa tig gilid ng entrance ng kweba na parang naka porma ng isang arch

Ang mga dahon ng puno ay parang mga dyamanteng nag kikinangan na sumasayaw sa tugtugin na dala ng hangin

Buhay na buhay rin ang paligid dito pero wala akong makitang kahit na ano mang klase ng bulaklak puro mga kulay berdeng mga dahon lang

Lumapit pa kami sa entrance ng kweba at papasok na sana ako ng may maamoy akong kakaiba

Masyadong mabango

"Mukhang inaasahan na nila ang pag dating natin" narinig kong wika ni Flare

Nag sipasokan na silang lahat kaya naman sumunod na ko

Walang hanggang dilim ang sumalubong agad sa mga mata ko pero nakikita ko pa rin sila ng malinaw

Na para bang sadyang kulay itim lang ang paligid kahit na may liwanag naman

Ilang minuto pa kaming nag lakad hanggang sa may makita akong kahoy na pinto na may mga nakapulupot pang mga vines na may mga makukulay na bulaklak

Binuksan na agad yon ni Nicka at agad na sumalubong samin ang sobrang nakakasilaw na liwanag kaya napapikit ako

Sa pag mulat ko ng mga mata ko ay sumalubong sakin ang isang nilalang na sobrang lapit ng mukha sakin

Isang tao may mahahaba at matutulis na mga tenga kulay berdeng mata at buhok... Isang elf!

Sa sobrang gulat ko ay napa atras agad ako at hindi napansin ang isang ugat na medyo naka angat kaya naman natumba ako at napasapo na lang sa aking pang upo

Don ko lang rin napansin ang iba pang mga nilalang na nakatingin sa kin

May mga naka ngiti, may mga matang galit at yung iba naman ay parang ngayon lang nakakita ng ibang tao kagaya na lang ng lalaking nasa harapan ko na sumalubong sa paningin ko kanina lang

May isang matandang elf ang nag abot sakin ng tungkod na para bang sinasabi na hawakan ko iyon

Kasing laki lang ito ng pitong taong gulang na bata,puti na ang mahaba nitong buhok na nakasayad na sa lupa pati na rin ang balbas at bigote nito

May hawak rin itong tungkod na mukhang kinuha lang sa isang puno pero ang hawakan nito ay may parang bolang crystal na kulay green at sakto lang ang laki nito para maging hawakan

Hinawakan ko ang tungkod at saka niya ko hinila

Ang lakas naman niya...

"S-salamat" sabi ko at medyo yumuko pa pag katayo ko


************************

Yieee

Credit po sa  ng cover ko!

Ang cute ng new cover ko from MINWYNHOPE'S GRAPHIC!

Thank you MINWYNHOPE'S GRAPHIC!

Here oh👇👇👇 ang cute diba?  Yiee

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now