Royal 52 (Light behind the Darkness)

2K 66 0
                                    

Hindi ako makatulog huhuhu

Gabi na rin kasi at mag aalas onse na hindi pa rin ako makatulog hindi ko alam kung bakit

Tumayo ako at kinuha ang jacket ko sa cabinet at saka lumabas nang kwarto

Madilim dahil patay na lahat nang ilaw at tanging mga floating lights na lang ang bukas siguradong tulog na ang lahat sa ganitong kalalim na gabi

Dumeretso ako sa mini kitchen niyong dorm para kumuha nang isang basong tubig

Pero nang malapit na ako ay biglang dumilim namatay isa isa ang mga floating lights hanggang sa may isang bilog na liwanag ang lumitaw sa harap ko

Ang ganda,

Pinag masdan ko pa ang ball of light sa harap ko at napansing meron itong laman sa loob

Isang hugis ng paro-paro, hahawakan ko na sana

"Wahhh Blight!" Nasambit ko na lang sa sobrang gulat

Si Blight kasi bigla na lang sumulpot sa kubg saan at saka kinain yung ball of light pero dun ko lang napansin na lumiliwanag ang mga kulay asul na scales sa may parte kung saan parang may mga spikes sa likod nila ni Blight

Tapos yung buntot naman niya ay parang umaapoy na kulay asul samantalang asul na parang yelo naman ang mga mata nito

"Blight?" Tanong ko nang hindi ito kumukurap sa pagtingin sakin

Pumikit ito at sa pag pikit nito ay bumalik ang mga floating lights na dahilan para mawala ang liwanag na nang gagaling mismo sa katawan niya

"Rooaarr!" 'Princess?'

Ngumiti lang ako at saka ito kinalong at pi-nat ang ulo

Nag patuloy ako sa pag lalakad nang bigla ulit nag liwanag si Blight saka nawala

Eh?

Hahanapin ko na sana siya nang may maalala ako

Ang mga legendary mythical creature nga pala ay may kakayahang mag disappear at saka mag papakita sayo kung gusto nila o kung tinawag mo sila

Nag kibit balikat na lang ako saka nag patuloy ulit sa lag lalakad nang makarating ako ay kumuha agad ako nang isang basong tubig at ininom yun

Pagkatapos ay lumabas agad ako sa dorm namin at nag lakad sa hallway at nang maabot ko na ang pinakang pinto palabas dito sa pinakang dorm ay lumabas agad ako pero nagulat ako dahil saktong paglabas ko ay ang pag daan ni Shap sa harapan ko

"U-uumm"

"Tss" saka siya nag patuloy sa pag lalakad habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa nang jacket

Hindi ko alam kung bakit pero sinundan ko siya

"Why are you still awake in the middle of the night?" Tanong niya *pout*

"Malay ko" sabi ko nang naka pout pa rin hindi naman kasi siya lumilingon eh!

"Tss stop pouting your not cute" sabi niya nang nakatalikod pa rin

Eh? Pano kaya niya nalaman may third eye ba to? Ah ewan at saka cute naman ako ah! Yun nga yung parati nilang sinasabi sakin siya lang ang nag sabi na hindi ako cute hmp! Kala mo gwapo hindi rin naman!

Pag kasabi ko non sa isip ko bigla siyang tumigil at lumingon sakin

Hala! Nakalimutan ko marunong nga pala siyang magbasa nang isip o di naman kaya ay makinig dito

Hmp! Pake ko!

Nag patuloy ako sa pag lalakad saka siya nilampasan nang bigla niya kong hinikit dahilan para mapa sandal ako sa dib dib niya

Wew bakit ang tigas?

Bumalik ako sa reyalidad nang may dumaang kulay puting arrow sa harap ko

Bakit pakiramdam ko nang yari na to? Iba lang ang kulay nang arrow

"Tss it's pass curfew kaya malamang nag activate na ang mga trap nang academy" sambit niya nang nakayakap pa rin sa beywang ko ang mga braso niya

"U-uumm p-pwede mo na kong bitawan hehe" sabi ko saka nagkamot sa ulo

"Tss" sambit niya saka ako binitawan at namulsang nag patuloy sa pag lalakad

Sumunod na lang ulit ako, ayoko nga mauna ulit baka mamaya sumakto na sakin ang mga trap ng academy eh

"Hmm hmmm hmm hmm hmmm hmm"
Nag hu-humm lang ako nang bigla siyang tumigil at lumingon sakin

And there it is again

Those eyes with so much pain and longing

Malapit lang siya sakin isang hakbang lang yakap ko na siya

Then humakbang nga ako palapit hindi para yakapin siya kundi hawakan ang mukha niyang nasisinagan na ngayon nang liwanag nang buwan

Malapit lang kasi kami sa napakalaking bintana nang hallway eh

Nakaganon lang kami nang ilang minuto hanggang sa tinakpan ng mga ulap ang napakalaki at liwanag nang buwan

Dahilan para kilabutan ako at makaramdam nang takot

Napabitaw agad ako sa pag kakahawak sa mukha niya at mapahakbang patalikod

Hindi ko alam pero bigla akong natakot sa kanya

Nilakasan ko ang loob ko at tiningnan soya sa mga mata niyang kaninang kulay ube ngayon ay parang wala nang buhay

Para siyang naging isang manikin walang buhay at nakatingin lang sayo nang napakalamig

"Haha nagustuhan mo ba ang panaginip mo, prinsesa?"

Narinig ko pero hindi ko alam kung san nang galing

Tiningnan ko ang paligid pero walang ibang tao

Pero unti-unti nang nawawala ang mga bagay na nasa harapan ko

Pero ang huling nawala sa paningin ko ay ang walang buhay na si Shap

At ngayon tanging kadiliman na lang ang nakikita ko

Maya maya lang ay palakas nang palakas ang hangin

Hindi na ko makahinga

Napa upo na lang ako sa sahig habang hawak ang dib dib ko dahil sa pag kirot nito

Pero bago pa ko tuluyang tumumba ay may nakita akong liwanag

At mula don ay nakita kong lumapit sakin si Blight

Hi guys!

Please Read my new story


Mr. President and His Delinquent Girl

Genre: TeenFiction

I hope you'll guys support it

Advance Thank You!

Here's the link------>

https://www.wattpad.com/551621146

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now