Royal 41 (Dungeon, The Beginning of the End)

3K 91 3
                                    

HeadMistress Aura's Pov

"HM,"tawag niya sakin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya at nakita siyang nakatingin sa salamin ni Hannah kung saan nakikita namin kung ano ang nangyayari sa mga royalties maliban na lang kay Aya

"She will be fine, I know that"sabi pa niya "But this time she's a priestess of that empire"

"Pero pano kung hindi magising sa loob niya ang pinaka importanteng tao" tanong ko

"Don't worry magigising siya tutal kahati ko ang pag katao niya kaya alam kong magigising ang taong yun,"at saka siya tumingin ng diretso sa mga mata ko "mama"

Natigil ako sa kinaiupuan ko dahil sa binanggit niyang huling salita

Naiiyak ako

"I'm sorry" naluluhang sabi ko

"You don't have to be sorry marami ang nadamay sa ritwal na yon and me? I'm just a freakin survivor mama " natatawa ngunit lumuluhang sabi niya

Umiling ako

Ilan beses na rin ba akong nag kamali dahil sa kagustuhan kong makuha rin ang kapangyarihang yon dinamay ko pa ang nag iisa kong anak

Pinatapon ko pa siya para lang hindi siya mag salita ng tungkol sa walang kwentang ritwal na yon

"I'm so sorry my daughter, Yuno "

Sharp Hunter/Ace Hunter Venom's POV

Nasa isang pamilihan ako sa isang bayan maraming tao at mukhang may salo salo o fiesta

May mga nag sabit na banderitas at iba pang maaaring idisenyo sa isang piesta

Nakasuot lang ako ng isang pang karaniwang damit sa isang bayan

At sa bayan na to pa hindi ako pwedeng gumamit ng kapangyarihan maliban na lang kung isa akong priest na nag eexorcist ng mga demon na sumusugod sa lugar na to

At sa kasamaang palad hindi ako nag eexorcist ng mga demon dahil pinapatay ko sila maliban na lang kung kasama sila sa breed nila James

Habang nag lalakad ako may naramdaman akong kumakalabit sa laylayan ng damit ko kaya napa tingin ako kung sino yon

Isang batang lalaki lang pala

"Kuya" sabi nito at saka tumakbo palayo...weird

Iba rin ang kulay ng buhok at mga mata ko kung dati kulay blonde ang buhok ko ngayon ay itim at ang dati kong violet na mata ay naging grey

Kinailangan ko rin mg ibahin ang aura at pakikitungo ko sa mga tao para lang hindi sila mag hinala sakin

At kung bakit ako nandito?

Dahil alam ko nandito ang hinahanap ko, nandito sa bayan na to hindi ko lang alam kung saang parte

Pero sa gitna nito ay may isang higanteng dungeon

"Ahhmmm miss?" Tawag ko sa isang babae na malapit lang sa kinatatayuan ko

"Hmm?" Lingon niya ako pabalik

Ngumiti ako at saka nag salita

"Anong meron sa dungeon na to?" Agad na tanong ko habang nakaturo sa dungeon

Meron itong itim na buhok na may highlight na grey na umaabot sa kanyang beywang ang medyo kulot na buhok at silver na mata

Ngumiti muna siya sakin at saka tumingin sa itaas kung nasaan ang dungeon at saka nag salita

"Ayon sa Ina ko noon daw nong nag simula ang digmaan sa iba't ibang parte ng mundo o kahit sa ibang dimensyon walang naka ligtas ni isa sa amin pero may isang meteōron ang bumagsak mula sa ibang dimensyon at tumama sa lugar kung saan nakatayo ang dungeon

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now