Royal 04 (Academy)

7K 200 9
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha mula sa labas ng bintana.....

Kaya napatingin ako sa labas ng bintana at doon ko narealize na nasa gubat kami dahil puro nagtataasang mga puno lang ang makikita mo...nabalin sa orasan ang tingin ko at mag aalas 2 na pala ng hapon ibig sabihin kanina pa nga talaga kami bumabyahe..

"Lady Aya gising ka na pala"nabaling sa kaliwa ang aking tingin para malaman kung sino ang nagsalita

" ah...opo ate Marie"malamang si Ate Marie ang nasa kaliwa KO dahil si mama ang nag mamaneho ng sasakyan at tatatlo lang naman kami dito..

Isang oras pa ang nakalipas ay nakarating kami sa isang open field na may sobrang laking puno sa gitna...

"Ah mama saan ba tayo pupunta akala ko po ba ay school ang pupuntahan natin? Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay mama

"Baby your right school nga ang pupuntahan natin at dito ang daan..."

"Huh?"

Pero nasaan ang school dito isa lang naman tong open field na may malaking puno sa gitna at nasa gitna lang ito ng gubat kaya nasaan ang school dito *pout*

Kinuha ko na lang ulit sa bulsa ko ang blue crystal pendant

Hindi ko talaga alam kung bakit sobrang halaga nito parasaakin...siguro dahil ito na lang yung huling bagay ang meron ako at ang tanging ala ala meron ako sa kung sino ba ako...

Sino nga ba ako?

'Wow' yan lang ang masasabi ko sa lugar kung nasaan man ako ngayon dahil sa pagkalampas na pagkalampas namin sa malaking puno doon sa open field ay nag bago ang lugar sa kung nasaan ako at pakiramdam ko ay umaga palang ngayon dahil Sa mataas pa ang araw

"Mama nasaan po tayo?" Di pa rin ako nakakaget over sa lugar na to ang ganda ang dami ko rin nakikitang mga kulay dilaw na ilaw na lumilipad sa buong lugar na siyang nagdadagdag ng liwanag sa paligid

Wow talaga as in para akong nasa fantasy land kakaiba kasi eh malalaki ang mga puno at halaman, parang alice in wonderland lang at may pakiramdam din akong hindi ko maintindihan yung pakiramdam na

Parang bumabalik ako sa lugar na napaka importante sa buhay ko?

Yung ganun

Nang nakalabas na kami sa gubat ata yon? Ay bumungad saakin ang parang isang bayan at sa dulong bahagi ay may isang kastilyo? at sa likod naman non ay may mataas na daan kaya sinundan ko ito ng tingin kaya pag tingin ko sa taas ay 'wow nanaman kelan ba ako titigil sa kaka 'wow siguro kapag nakaget over na ako sa lahat ng nakikita ko

At sino ba naman ang hindi mapapa 'wow kung may nakikita lang kastilyo na nakalutang sa ere di ba wala hays...

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakanganga habang nakatingin sa bintana sa sobrang pagkamangha ko sa paligid dahil sa may nakikita akong mga goblin,elf,fairy,pixies, at etc...

Sa sobrang mangha ko hindi ko na namalayan na nasatapat na pala kami ng napakalaking gate isang kulay ginto namay mga design na mga jewelry ang ganda talaga ito yung isang kastilyo na nasa baba nang lumulutang na kastilyo

Inilabas ni mama ang kanyang kaliwang kamay at may binulong na mga salitang hindi ko maintindihan kasabay non ang pagliwanag ng kamay ni mama

Automatic na nag bukas ung gate kasabay ng pagkawala ng liwanag na nanggagaling sa kamay ni mama

*OoO* Yan nanaman ako wow thingy ang ganda nanaman eh kainis hindi talaga ako makaget over kainis huhuhu

Eh pano ba naman pag bukas ng gate ang dami kong nakitang mga fairies at pixies na nag aalaga sa mga bulaklak sa gilid ng daan pag karating naman namin sa gitna may mga trolls,goblins at elf na naglalaro sa may fountain dahil sa gitna ng daan ay may malaking fountain na may mga bulaklak na naka paligid doon kulay puti at pulang rosas ang karamihan...

Nakarating kami sa tapat ng isang double wooden door at sa gitna ay may nakita akong isang lalaki hindi lang basta lalaki dahil siya ang personal butler ko si butler Jhonny yung sinasabi kong driver ko...

Pero anong ginagawa niya dito??

bumaba ako agad pagkatigil ng sasakyan at tumakbo papalapit kay butler Jhonny

"Teka ano pong ginagawa niyo dito?"

"Isa ako sa mga mag guguide sa inyo young lady" natatawang sambit nito

"Kayo po ba ang M ?" Tanong nung babae na may kulay puti at itim na buhok at ang mga Mata nito ay kulay itim na itim...

"Oo" ma awtoridad at seryosong naman na wika ni mama dun sa babae

"Kung ganoon sumunod ho kayo saakin" sabay ng pag talikod niya at pagpasok sa double door

"Tayo na lady Aya" sambit saakin ni ate Marie ako na lang pala ang hindi nakakapasok sa loob

Pagpasok ko sa loob may red carpet kaming dinadaanan hanggang sa hagdan nito

Nasa gitna ang hagdan at mga ilang step pa pataas ay nahati na ito sa dalawa ang isa ay pakanan at ang isa naman ay pakaliwa

Wala masyadong tao dito siguro dahil oras ng klase sabi kasi ni mama eh ito ang school na papasokan ko at ngayon naman ay papunta kami sa headmistress office babae kasi ang headmaster kaya headmistress...

**************
Un-Edited

Hydra AcademiaWhere stories live. Discover now