Two

209 1 0
                                    

"Sabi ko na nga ba andito ka eh." Si Em nga. Pusturang pustura pa rin tulad ng dati. Walang pinagbago, isa pa ring artistahing lalaki ang nagpapatulala sa akin ngayon. Tinitignan kami ng mga tao na tila nagtatanong kung bakit kinakausap ako ng lalaking kausap ko ngayon. Anong ginagawa niya dito at paano niya nalamang andito ako?

"Umaano ka dito Em? At sino nagsabi sa ‘yong andito ako?" Napahigpit ang kapit ko sa sketchpad ko. Gusto kong uminom ng tubig kasi feeling ko hihimatayin ako. Di ako makahinga ng matino sa tagpong ito. Naghahabol ako ng hininga dahil tila naka shut down ang baga ko. Gusto ‘kong tumawag ng ambulansya. Parang telenovela. Nakakastress pala!

"Nabasa ko lang sa tweet ni Herns. At since lagi naman kayong package deal I assumed na kadikit ka niya. And voila! You are in front of me now. I was never wrong honey." Sagot ng ex ko sabay ngiti. Nakapamulsa pa ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalong niyang hinuhubog ang mga hita niya. Parang tinahi para sa kanya ang lahat ng isinusuot niya dahil talaga namang bumabagay sa kanya ano man ang suotin niya.

Pero teka, honey ka dyan! Kumag na to. Sino pa ang nagbigay sayo ng karapatan na tawagin akong honey matapos mo akong iwan? At isa pa. Maling mali kang iwan ako! So you are not always right. That's a fact, Em. That's a fact you cannot conceal. "Ah. Sabagay. Makes sense to me." Monotone kong sabi sa kanya. Gusto kong magmukha akong walang gana sa usapang ito.

[ BEEP! ]

"Bakit binago mo na yung message tone mo? Naririndi ka na ba sa boses ko every time somebody texts you?" Tanong sa akin ng lalaking nasa harapan ‘ko habang suot niya ang makinang niyang mga mata tulad ng isang tutang nagpapaaawa sa amo niya na ipasyal ito.

Hindi ko na siya sinagot sa tanong niya kasi hinahanap na ako ng best friend ko. Besides ayoko nalang magsalita kasi most likely hindi ko pa kayang ihold ang emotion ko. Baka mauwi lang sa iyakan ang normal na araw na to. I mean, it is supposed to be normal kung hindi dahil sa kanya. Pero sa isip ko, oo Em naririndi na ako. Naririndi na ako na kailangan ko pang marinig ang boses mo sa tuwing may taong magtetext sa akin. Naririndi na ako na ang ala-ala mo na lang ang laging nakaflash back kapag may kinakatikot ako sa telepono ko. Dati, ikaw lang ang katext ko sa tuwing hindi tayo magkasama. May magtext mang iba, siguradong importante. Kaya ayos lang na boses mo ang hudyat ng mga kaganapan sa teleponong hawak ko ngayon. Sa iyo nabubuhos ang oras ko kakapindot ng keypad, kakatype ng I miss you at I love you. At sa tuwing tutunog ang phone ko sinasampal ako ng katotohanan na matagal na tayong wala. Kaya hindi na lang kita sasagutin. Kinuha ko na lang ang telepono sa loob ng aking bag at binasa ang mensahe ng pinakamatalik ‘kong kaibigan.

Sent 3:07PM. Nasaan ka na naman Chum? Haha. Tinapos ko na yung interview ko and all I knew wala ka na. Anyare? Tapos na ako pwede na kita samahan. Nagdodrawing ka ba? Saan kita hahanapin? Txtbk :)

Parang mapupudpod ang keypad ko sa pagrereply kay Hernan. Ayokong sabihin na naman niya na matagal ako sumagot sa mga text niya o huli ako dumating sa tagpuan. Ayokong magtampo na naman ang best friend ‘ko. Baka makita ‘ko na namang kakaiba ang ekspresyon ng mukha niya. Nakakabahala.

Sent 3:09PM. Uy Chum sorry. Busy ka na kasi kanina eh baka mairita ka sakin kaya naglibot libot na muna ako. Naghahanap sana ako ng subject para sa sketch pad ko. Andito lang ako sa may gazeebo sa 2nd floor. Ang ganda kasi nung gazeebo kaya dinodrawing ko. Nasaan ka na niyan?

And before I noticed the notification na nasend na ang text ko kay Hernan tanaw ko na siya sa may escalator ng mall.

"Chum!" Medyo nakakahiya kasi sinigaw lang naman niya sa buong mall ang tawagan namin. Hindi naman ako inabisuhan ni Hernan nabili na pala niya ang mall at kung makasigaw, parang walang bukas. At tila kilala ako ng lahat ng tao bilang chum dahil lahat sila tumingin sa direksyon ‘ko. Papalapit siya ng papalilapit samin. "Uy Maerc andito ka din? We did some of our requirements sa school eh. What about you? Where to?"

HoroscopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon