Ten

60 0 0
                                    

Nagising ako kinabukasang bakas pa rin sa mga labi ang kasiyahan mula sa pangyayari kagabi. Hindi pinapansin ang lungkot na maaaring dalhin ng araw na ito. Gusto ‘ko na munang samantalahin ang sandaling wala pa sa isip ‘ko ang lahat ng sakit, nang maumpisahan ang araw ‘ko ng masaya at nang magkaroon ako ng dahilan upang tapusin itong kasing ganda ng naging simula.

Ilang minutong muni-muni at pagtingin sa kisame. Bumubuo ng imahe mula sa puting kawalan. Sinusubukang planuhin ang lahat ng magaganap sa araw na ito. Tinitignan ang dadating na maghapon sa pinakapositibong paraan.

Matapos ang pagmumuni muni ay tumayo na ako at ihinanda ang sarili ‘ko sa pagbibigay katuparan sa plano ‘ko para sa maghapon. Ihinanda ang unipormeng susuotin ko para sa pagpasok sa eskwelahan. At matapos ay mabagal na naglakad upang magshower.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pakikipaglaban sa ragasa ng tubig mula sa shower ay tinanong ‘kong muli ang aking sarili. Hanggang kailan ka ba babalik sa day zero, Danica? Hanggang kailan mo yayakapin ang sakit na dulot ng pabalik balik na ala-ala ng relasyon niyong matagal mo ng dapat ibinaon sa limot?

Sabi nila, people has a better thinking when taking a bath. Mas nakakapag-isip isip tayo at nagkakaroon ng mas mabuting pagtingin sa mundo. Mas nakakakita tayo ng mas mabuting paraan at mga mas matalinong hakbang para sa mga pagsubok na ating kinakaharap. We get to build our dreams, weave our aspirations together, and look forward to the future that we plan. Hindi lang dahil nalilinis ng paliligo ang pisikal nating pangangatawan, ngunit nagbibigay linaw rin sa ating isipan.

Sobrang lamig ng tubig, ramdam na ramdam ‘ko ang pag-agos ng bawat patak sa aking balat mula umpisa hanggang sa matapos ako. Aking binasang mabuti ang hanggang baywang ‘kong buhok at saka naglagay ng napakaraming shampoo sa palad ‘ko. It is indeed hard to maintain hair this long. Hindi ‘ko rin alam kung bakit mahaba na ang buhok ‘kong dati namang hanggang balikat lamang. Then there goes the conditioner, isa na namang mahabang pila ng buhok ang kailangan ‘kong bigyan ng masahe. I grew accustomed to it dahil ito ang gusto ni Em noon. At kahit wala na kami, may kurot ng panghihinayang sa tuwing iisipin ‘ko ang pagpapagupit ang ibalik ang dati ‘kong maikling buhok.

Oh my G!

Nalimutan ‘kong tanggalin ang contact lenses ‘ko bago maligo! Hindi naman ako nagmamadali pero bakit dumulas sa isip ‘kong tanggalin ‘to? Pinaikot ikot ‘ko muna ang aking buhok at inipon ito sa tuktok ng aking ulo at saka nagtapis ng katawan upang kuhanin ang lalagyan ng contact lenses na huhubarin ‘ko. Dali-dali ‘ko ring hinugasan ang mga kamay ‘ko upang tanggalin ang natitirang shampoo at conditioner.  Lumabas muna ako ng banyo at tumakbo papunta sa maliit na lamisita kung saan naroroon ang bag ‘ko. Mabilisang kinuha ang pakay ‘ko at pagkatapos ay nagmadali ring bumalik sa loob ng nililiguan ‘ko. Una ‘yung kanan, tapos ‘yung kaliwa. Bakit ba kasi nagpapakastress ako para sa contact lenses na ito araw araw? Oo nga, si Em rin ang nagsabing mas maganda sa akin kung hindi nahaharangan ng salamin ang mukha ‘ko para makita ng mga tao ang mga mata ‘ko. Napansin rin naman ito ng iba pang kaklase ‘ko kaya hinayaan ‘ko na ring masanay ang sarili ‘ko rito.

Minadali ‘ko na lang ang pagsasabon ng kabuuan ng katawan ‘ko para makapag-ayos pa ako bago pumasok sa school. Noong mga panahong kakahiwalay lang namin ni Em at laging extended version ang pagiging tulala ‘ko kaharap ang kisame, kahit pagsusuklay ng buhok hindi ‘ko magawa o kaya naman kahit pagpupulbos lang. Ito yata ang unang araw na buo ang ritwal ‘ko bilang isang babae.

Wala na rin ang mga malulungkot na tugtuging nauulinigan dati ng katabi ‘kong unit kapag naliligo ako. Isang tahimik na banyo at tanging ang tunog lang ng shower ang naririnig ‘ko sa mga sandaling ito. Mas mapayapa, nagkaroon ako ng pagkakataong mas makapag-isip ng matino. At inisip ‘ko lahat ng positibo kaya gagawin ‘kong positibo ang araw na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HoroscopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon