"Ganoon na ba talaga kasama ang tingin mo sa akin, Danica?”
Natigilan ako sa matinding tingin sa akin ni Em. Gusto kong iiwas ang aking tingin mula sa parchment paper na ginuguhitan niya nang huminto siyang gumuhit dito. Ramdam ko mula sa sulok ng aking mga mata na nakatitig siya sa akin. Parang hinuhubaran ako ng mga tingin ng taong bumasag ng aking puso. Naghihintay ng sagot sa tanong na lampas dalawang buwan ko nang iniiwasan.
Alam ni Em ang tema ng plate namin sa araw na ito. Nalaman niya sa kadahilang kasali siya sa mga dapat gumawa kapalit ng pagiging saling pusa niya sa klase ngayon. Bakit hindi siya pumasok dito noong shading lang ang plate namin at walang subjective aspect dito? O kaya nama’y pumasok na lang siya sa ibang klase? Dahil ngayon, naririnig ko ang echo ng bawat katagang sinambit ni Ma'am Perfecta noong araw na nagdeclare siya ng isang creative plate.
"Draw your definition of evil. It might be a thing, a person, or something of the abstract form. Your call. We don't have a format. I think you know enough of drawing. Now I want you to put your emotions to it. Let us start with anger, show me how deep your hatred is to this evil think that you consider.”
Ibinalik ko ang aking tingin sa sarili kong plate. At nang mga sandaling iyon ay naunawaan ko na ang ibig sabihin ni Em.
Isang lalaki ang nakaguhit sa aking plate, isang lalaking nagtataglay ng lahat ng pisikal na aspetong mayroon si Em. Isang larawang sinasalamin ang lahat ng mayroon siya at ang lahat ng ibig sabihin kung bakit siya ang laman ng papel na ito ngayon. A weird pair of eyes, hindi mo kasi masabing black ang kulay ng mga ito ngunit hindi mo rin masabing gray. Siguro somewhere in between para maidescribe ko ng matino. Mabilog at makinang. Nangungusap na tila may sinasabing hindi mo naririnig, ngunit malinaw mong nakikita. Very good stance matched with his towering height, a perfect match for a perfect guy. He has hair that is perfectly set in wax that made him more dashing like a celebrity debonaire. He also wears his fair complexion together with his full lashes that will surely catch your attention once he activates his manerism - blinking his eyes. A charming dimple on his right cheek na siguradong magpapakilig sayo sa bawat ngiti niya. At higit sa lahat, ang titig na nakakatunaw.
Pero how goodlooking might this person on my plate be, ito pa rin ang definition ko ng evil. Salungat sa kasabihang money is the root of all evil, para sa akin ang saktan ang mga taong totoong nagmamahal sa’yo ang depinisyon ng tunay na kasamaan. Hindi ko lubos maisip kung paano naaatim ng mga tao na maging dahilan ng pag-iyak ng mga taong ni minsan ay hindi inisip na paiyakin sila. I don’t like the idea that I am about to expose that he is evil for me, pero wala namang ibang masamang nangyari sa akin na nagpaiyak sa akin tulad ng pagpapaiyak sa akin ni Em. Iginuhit ko siya.
Para sa akin, hindi masama si Em. In fact, isa rin siya sa mga taong maituturing kong naging dahilan kaya nagagawa kong ngumiti kahit marami akong dinadala. Siya ang minsa’y nagbigay ng positivity sa pessimist kong outlook sa mundo. Hindi siya, ngunit ang mga bagay na nagawa niya ang masama para sa akin. Hindi ako namumuhi sa kanya. Sa palagay ko'y hindi ko kayang kamuhian ang lalaking minahal ko ng buo, buo sa aspetong halos wala nang matira para sa akin. Namumuhi ako sa mga pangyayaring hindi ko inaasahan. At dahil hindi ko naman kayang iguhit ang isang bagay na hindi naman makikita ng mga tao, ang taong naging instrumento ng tadhana para saktan ako ng husto ang naiguhit ko. Hindi naman maiintindihan ng mga mata ng titingin kung ano ang subject ko kung ang mismong nangyari ang iginuhit ko. Mastadong abstract ang pain para sa isang artwork na mayroong tema at mensahe.
Di ako makasagot kay Em. Tumingin na lang ako sa kanyang may nangingilid na luha mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang mga ito. Tumingin ako sa bintana at pumikit, pilit pinapapasok pabalik ang mga luhang nagbabadyang umagos. Huminga ng malalim at pilit inaalis ang ala-alang nagbibigay sa akin ng bangungot noong mga unang araw ng pagiging single ko.
Nasa kalaliman ako ng konsentrasyon laban sa aking mga luha ng biglang magsalita si Em.
“Alam mo Danica, para sa akin ito ang ugat ng lahat ng kasamaan.” Tumingin ako sa iginuhit ni Em. Detalyado at makukuha mo agad ang mensaheng nais iparating ng kanyang ginawang obra.
Utak.
“Ang isip ng tao ang tunay na nagdadala ng kasamaan sa kanilang mga sarili. Sabi nga nila, kalaban mo ang sarili mo sa pag-iisip sa lahat ng oras. Ang mga negatibong laman ng utak natin ang maglalabas ng kasamaang taglay natin. Walang taong walang tinatagong kasamaan, pero ‘yung iba mas itinutulak pa ng utak nila papunta sa kasamaang ‘yun.”
Utak na napapaligiran ng iba pang simbolo ng kasamaan – money, violence, sex. May naaakmang kulay in every aspect. Magaling ang atake ni Em sa plate na nakikita ‘ko ngayon. Magaling dahil sigurado akong makukuha kaagad ng mga tao ng mensahe ng gawang sining na ito. Makamasa ang iginuhit ni Em dahil walang pipiliing mga mata ito – mahirap man o mayaman, nakapagaral man o hindi, ay siguradong maiintindihan ang nais niyang iparating.
“Itinulak ako ng utak ko, Danica. Ginawa ako nitong masama. Ginawa niya akong perfect subject ng plate mo. Binago ako ng utak ko.” Dugtong ni Em sa nauna niyang tugon sa akin.
Binago si Em ng laman ng isip niya, Ginawa siya nitong perfect symbol of evil. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kurot sa puso ko nang sabihin sa akin ni Em ang mga bagay na yun. Parang indirect siyang nagpapaliwanag. Tila itinadhana ang araw na ito para sa malalim at seryosong pag-uusap namin ni Em. Naitaon pang kasamaan rin ang inatake ng Visual Arts namin. Marami pa akong gustong alamin pero hindi ko alam kung saan ‘ko sisimulan. Marami pa akong gustong halungkatin sa nakaraan ngunit di ko mahanap ang ugat na nagdudugtong sa dila ko at sa aking utak para makapagsalita. Hindi maproseso ng utak ‘ko ang bawat bato sa akin ni Em ng mga litanyang nagpapanginig sa akin sa likod ng matatag na ako.
“Oo, Em. Binago ka ng sarili mong isip. Pero hanggang ngayon hindi ko alam ang mga nangyari. Nabuhay tayong nagtatago sa katotohanan. Hindi malinaw sa akin ang lahat. Pero mas pinipili kong maging bulag sa katotohanan gaya ng ibang tao. Dahil kapag mas marami na akong alam, mas marami akong ala-alang masakit na wala nang paglalagyan sa puso ko. Masyado ng masakit ang ugat, paano pa kaya sa mga tangkay at bunga? Hindi ko pinangarap umiyak habang buhay at umpisahan ng kamuhian ang mga lalaki dahil lang sa isang pagkakamaling ginawa mo.” Sabay turo ‘kong muli sa plate ko. Itinutok ang aking hintuturo sa mata ng lalaking nailarawan ko. Bulag ang isang mata ng lalaki, sumimbolo sa pagiging bulag ko sa lahat ng pangyayari. Isa rin ito sa mga itinuturing kong evil, dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nasaktan ng husto. Evil in a good way, dahil muli’t muli, hindi ko na pinangarap na dagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sabi nga nila, do not overload yourself with thoughts that will hurt you.
“Danica, handa akong magpaliwan–“
Hindi na naituloy ni Em ang sasabihin niya nang bumulahaw sa buong paligid ang tunong ng bell. All we knew, tapos na pala ang oras namin para sa Visual Arts. May ibang klase na ang gagamit ng room na ito kaya kailangan na rin naming lumipat ng class room. Nagpasa na lang ang mga kaklase namin ng plate sabay labas na ng classroom. Natapos na naman ang isang oras at kalahati nang pagguhit namin. Nauubos na ang ang estudyante sa loob. Kaya naman ganoon rin ang ginawa ko, ibinigay ko sa aking propesora ang plate kong akala ko’y hindi ko na makikita at inumpisahang tahakin ang landas papalabas ng Arts Building. Wala akong susunod na klase ngunit nagmamadali ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero patuloy lang ang paglakad ko. Naririnig kong tinatawag ni Em ang pangalan ko, ngunit hindi ako lumingon. Habang papalayo ako ng papalayo, nararamdaman kong pahina ng pahina ang boses ng tumatawag sa akin. Pahina ng pahina at patagal ng patagal ang pagitan ng pagtawag niya sa pangalan ‘ko. Hindi ‘ko naramdamang sumusunod siya. Walang yabag sa likuran ‘ko, ngunit ramdam ‘kong may mga matang nagmamasid. Hanggang sa mga sandaling ito, hindi pa rin ako hinahabol ng nag-iisang pasaherong inaabangan ko.
BINABASA MO ANG
Horoscope
Любовные романыKailan ang birthday mo? So your zodiac sign is? Okay! Compatible with... Iaasa mo nga ba sa mga bituin ang iyong buhay pag-ibig? Ihalintulad sa pagkakahanay nila ang bawat pangyayari sa iyong kapalaran? Danica Estrella, isang fine arts student na so...