Nine

50 1 0
                                    

Dumiretso ako sa rooftop ng apartment at tumayo sa mismong bahaging tinatayuan namin ni Em nang kaming dalawa lang. Muling ibinalik ang mga lumang pahina ng kalendaryo at inumpisahang bilangin ang mga kilig at ngiting ihinatid sa akin ng mga araw na iyon. Nakatitig lang ako ngayon sa nakahanay na mga bintana sa harap ‘ko. Lahat madilim, walang liwanag. May mga puno sa pagitan ng bintanang sinisilip ‘ko at ng kalawakang tinatanaw ‘ko sa kabilang dako ng mundo. Bigla ‘kong naramdaman ang distansyang namamagitan sa aming dalawa.

Wala akong nakikitang liwanag sa malapit ngunit sa di kalayuan ay nagpapansin sa akin ang ningning ng mga bituin. Nakita ‘ko ang nakapilang mga bituin sa akin at tila bumubulong na walang dahilan upang maging malungkot ako. At kung mayroon mang dahlan, nararamdaman ‘kong pinapagaan nila ang lahat ng ‘yon. Sobrang dami nila, hindi tulad ‘ko na iniwan na ng nag-iisang bituin na nagbibigay liwanag sa madilim ‘kong mundo.

Unti-unti akong bumuo ng imahe mula sa mga linyang galling sa pinagdugtong na mga bituin. Ang daming naglalaro sa isip ‘ko, ang daming larawan ang naipipinta ng naluluha ‘kong mga mata. Nakita ‘ko ang tatlong pinakamaningning na bituing nakahanay ng sunud-sunod at agad ‘ko namang nakita si Orion, ang kauna-unahang constellation na nakilala ‘ko. May mga iba pang *insert constellations here*

Nagpasya akong ibaba muna ang aking bag sa study area ng rooftop ng apartment at gumuhit muli ng bituin sa nalalabing pahina ng aking sketch pad. Karamihan sa mga naiguhit ko na sa sketch pad ‘ko ay puro mga bituin. Bago’ko pa man makilala si Em na siyang naging bituin ‘ko, bituin na rin ang nagpaikot ng mundo ‘ko mula ng mag-aral ako dito sa Maynila. Iniisip ‘kong tinatanaw din ng aking pamilya ang parehong langit, ito ang nagdudugtong sa akin mula sa kanila. Sa ganitong paraan, nababawasan ang lungkot na nararamdaman ‘ko sa pagkakawalay ‘ko sa kanila.

Habang isa-isa ‘kong binubuklat ang bawat pahina ng sketch pad ‘ko, nakita ‘ko ang mumunting pangarap na sabay naming iginuhit ni Em. Pangarap na mananatili na lamang na isang pangarap dahil malabo nang magkaroon ito ng katuparan. Malayo na sa katotohanan ang larawang nakikita ‘ko ngayon sa papel. Walang kulay, tanging puti at itim lang ang makikita mo rito. Hindi natapos ang nasabing larawan; at tulad ng pangarap na hindi na matutupad, ang larawang ito’y hindi na matatapos pa.

Isang pares ng wedding dress at groom’s suit.

Pinangarap namin ni Em noon na bumuo ng isang pamilya. Dito ‘ko mismo iginuhit sa rooftop na ito ang pangarap na ‘yun, na ikakasal kami at magkakaroon ng masayang mag-anak. Magkaroon ng kambal na anak na siyang magiging dahilan ng ngiti naming dalawa. Kambal na anak na lalaking masayahin at mabait.

Ang wedding dress na iginuhit ‘ko, tulad ng lahat ng minsan ‘ko nang naiguhit, ay mayroong palamuting makinang na tulad ng mga bituing nakikita ‘ko ngayon. Balot ang balat ‘ko na sumisimbolo sa pagprotekta sa akin ni Em sa lahat ng oras, tanging balikat lamang ang makikita ng mga tao upang sumabay sa pagiging moderno ng mundo. Ang belong kapares nito’y sobrang haba na sisimbolo sa itatagal ng relasyon naming dalawa bilang magkasintahan.

Ang groom’s suit naman ay sopistikada’t mamahalin sa unang tingin pa lang, tulad ng lalaking magsusuot nito. Isang itim na coat na mayroong isang bituing disenyo sa bulsang nakaposisyon sa kaliwang dibdib, simbolo ng posisyon ‘ko sa puso niya bilang nag-iisa niyang bituin. Ang panloob naman nito’y puti lamang, na tulad ng wedding gown, ay puno ng makikinang na palamuting sisimbolo rin sa bituing nagbuklod sa aming dalawa.

Muli akong tumingin sa kalangitan. Naisip ‘kong hindi lang ako binubuklod ng langit na ito sa aking pamilya, ngunit pati na rin sa lalaking minsang nakasabay ‘kong tanawin ang langit na ito at tumingin sa mga bituin.

Tatlong taon, Em. Tatlong taon kitang nakasama at inibig, at patuloy na iniibig. Sapat nga ba ang tatlong buwan para sabihin ‘ko sa harap ng lahat ng taong hindi na kita mahal? Para sabihin sa mundong naka-move on na ako? Para ipakita sa’yo kung sino ang pinakawalan mo? Gusto ‘kong umiyak, pero sa tingin ‘ko wala na rin namang pagbabago sa pakiramdam ‘ko dahil araw araw na rin naman akong umiiyak ng dahil sa’yo.

HoroscopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon