Same shit.
Daily routine. Gigising ng late tapos magmamadali papasok ng school. Ito ang everyday haggardness na kailangan kong makasanayan, mula nang maghiwalay kami ni Em. Mapupuyat ako gabi-gabi kakaisip sa mga nangyari at kung gaano kabilis ang lahat. Babalik sa mga pictures na nabuo namin sa tagal ng panahong lagi kaming magkasama. Mga sweet nothings. Sweet echos. Pero ngayon, bittersweet bullshit na lang. Wala na talagang permanente sa mundong ito.
Lahat ng dumarating sa iyo sulitin mo na, kasi wala kang kasiguraduhan kung kailan dudulas sa kamay mo ang akala mong sa iyo na.
Nanaginip na naman ako kagabi, hawak hawak ko na naman 'yung dyaryo. Nasa same page na naman ako. Binabasa ang horoscope na babago daw ng buhay pag-ibig ko. Ang dalas naman nito ngayon, at nakakapagtakang laging si Hernan ang nakikita ko sa panaginip ko matapos kong basahin ang kunwaring bagong dyaryong tangan tangan ko.
Pisces: Matatagpuan mo ang iyong magiging kasintahan sa isang lugar na may sandamukal na bulaklak. May nag-iisang puting kulay sa gitna ng karagatan ng mga pula. Magiging maligaya ang iyong buhay pag-ibig oras na makita mo ang bulaklak na hudyat ng iyong papausbong na pag-ibig.
Papausbong na pag-ibig. Parang halaman. Sana nga ganoon lang kadali ang kalimutan ang lahat at anihing muli ang kasiyahang matagal mo nang hinihintay na mamunga. Na matapos ang maikling paghihintay at pagdidilig gamit ang luha'y muling mahanap ang matamis na pag-ibig na hinahanap hanap. Na sa pamamagitan ng kaunting sinag ng pag-asa'y makuhang ngumiti muli kasama ng bagong lalaking magsisilbing pataba ng halamang metapora ng puso ko, nang hindi na ako malanta sa kakaasa sa mga artifical na kasiyahan nito. Kailan nga ba? Kailan ba mawawala sa sirkulasyon ko ang first love ko?
First love never dies. Sinulat ko na rin yan sa planner ko matagal na matagal na ang nakakaraan. Marami ring nabiktima na katagang yan. Katagang nakakalinlang. Katagang nagpapaasa. Katagang nagpapatikim ng hopia sa lahat ng umiibig, in assorted flavors. Merong hopiang friendzone, hopiang basted, hopiang pahabol, at mukhang marami pang flavors na maiimbento as technology advance more and more.
Akala ko noon simple lang ang umibig, mas simple pa palang madapa sa harap ng maraming tao at mapahiya. Mas mabilis mag-move on. Tumayo ka lang at sumigaw na "kaya niyo yon!?", tapos solve ka na. Mas madaling kalimutan kasi halos tatawanan mo na lang ang nangyari. Pang throwback thursday ang mga ganoong galawan kapag sakaling napicture-an. Winner! Habang tinatawanan ko ang mga kalokohan sa utak ko, napaisip ako ng malalim at nawala ang ngiti sa mga labi buhat sa kaninang kalokohan ko. Bakit nga kaya hindi kayang tawanan ng tao ang isang heartbreak?
Wala naman akong planong gawing komplikado ang buhay ko. Sino nga bang may gusto? Lahat tayo nangangarap ng isang normal at masayang buhay, maaliwalas na sitwasyon sa buhay natin, maayos na trabaho, at ng walang hassle na lovelife. Ngayon nakikita kong isa na sa mga major problems ng kabataan ang lovelife nila. Nakakarelate naman ako dahil sa bigtime na first hand experience ko. Laging sasabihin ng mga matatanda na pagaaral muna bago ang lovelife. Madali naman daw hanapin ang pagibig. Hmp! If I know naging teenage problems niyo din ang mga pinoproblema namin ngayon.
Madali nga bang hanapin ang pagibig? Bakit ganoon, kapag akala mong right time and person na, hindi pa pala? Akala mo happy ending na, yun pala tadhana mismo ang magiging wicked witch para sirain maigi ang fairy tale na pinapangarap mo. Lahat tayo, kung sino ang nagmamahal sa atin ngayon, hinihiling na sana sila na talaga hanggang sa huli. Pero kadalasan hindi binibigay sayo hanggang hindi ka nadadala sa pag-ibig. Hanggang sa hintayin mo na lang ang panahon na mapagod ka. Kung may dumating man, salamat. Pero kung wala, parang halos wala ka nang pakialam.
Sabi nila, mistakes are meant to make you learn. Parang sa bisekleta, hindi ka matututo hanggang hindi ka natutumba. Hindi pwedeng walang remembrance na pasa o peklat sa binti. Isang sakripisyo sa matagal tagal na pakinabang mo sa skill na makukuha mo. Madaling sabihin diba, learn from your mistakes. Pero bakit paulit ulit? Ito, ang paulit ulit na heartbreak ko. Ni hindi naman ako natututo. Siguro oras na lang talaga ang magsasabi kung kailan ko matututunan magmove on.

BINABASA MO ANG
Horoscope
RomansaKailan ang birthday mo? So your zodiac sign is? Okay! Compatible with... Iaasa mo nga ba sa mga bituin ang iyong buhay pag-ibig? Ihalintulad sa pagkakahanay nila ang bawat pangyayari sa iyong kapalaran? Danica Estrella, isang fine arts student na so...