Seven

77 3 4
                                    

Hindi sapat ang mga salitang butterflies in my stomach para ipaliwanag ang nararamdaman kong kaligayahan. Sa sarili kong pananaw, pakiramdam ko zoo ang naglalaro sa kaloob-looban ko ngayon. Hindi sapat na sabihin kong masaya ako. Sa sarili kong pananaw, gustong gusto kong isigaw ang lahat ng masasayang saloobin ko. Hindi sapat na may I love you at I miss you. Sa sarili kong pananaw, nakikita ko na yung konsepto ng forever sa harapan ko.

Isa yan sa mga pananaw na kahit kailanman hindi na sasagi sa isip ko. Ang dating zoo na inaalagaan ko, inabandona na ng mga hayop at tila bumalik na silang lahat sa kaimbunturan ng gubat. Ang dating pagsigaw ko ng kasiyahan sa buong mundo, tila pinagot ang mga litid ko at hindi ko magawang makaimik. At ang konsepto ko ng forever, biglang naging malabo na tila nasabugan ako ng fog machine sa isang giyera ng mga bandido o terorista ang isang magulong bansa dahil halos hindi ko na makita ang dating pananaw kong yon. Wala naman kasing forever. Wala naman talagang forever. Nagising lang siguro ako sa katotohanan.

Nalalagas na ang mga dahon ng narra tree at nagsasabog ng mga dilaw nitong bulaklak sa sangkalupaan. Natutuyot na ang mga pananim sa bukid. Nagsisialisan na ang mga ibon at lumilipat ng tirahan. Nagmimigrate ang mga Pilipino papunta sa ibang bansa. Walang nagtatagal, lahat nagbabago. Ang mga lalaki, nagiging babae na rin. Tulad ng pagiging lalaki ng kababaihan. Hindi ko na pwedeng panghawakan ngayon ang mga katagang "I will stay as I am" at “I will be here always”, dahil lahat nang iyon ay pampalubag loob lamang mula sa mga taong may masamang balak sa inosente mong puso – ang saktan ka ng paulit-ulit at walang katapusan. Isang malaking kalokohan.

Marami akong kaibigang nagsabi sa akin na kaya ako, tayo, nasaktan ay para matuto. Sinabi nila sa aking just move forward at susunod na raw ang lahat. Talikuran ko na raw ang mga nananakit sa aking mga ala-ala at simulang gumawa ng panibagong kabanata ng buhay ko. Hindi lang nila alam kung gaano ko kagusto ang ideya nila! Hindi nila alam na gusto ko rin ng masayang simula at ng masayang pagpapatuloy. Hindi nila alam na gustuhin ko man ay hindi ko magawa. Wala naman kasing tao ang natulog lang tapos pagkagising niya ay nakamove-on na siya. Lahat tayo dumadaan sa proseso ng pagiging bitter. Lahat tayo dumadaan sa iwasan, hindi pagpapansinan. Ang mga taong hindi naging bitter, may dalawang posibleng bagay lang: sadyang hindi sila nagmahal, o hindi talaga sila nagmahal. Dahil baligtarin namn natin ang mundo, ang break up ay break up. At walang nababaling hindi nakakasakit.

Pero ganyan talaga ang buhay. Ganyan talaga ang lovelife. Sabi nga sa isang kanta ng babaeng na-broken hearted na isang music icon na ngayon: Love is patient, love is selfless, love is hopeful, love is kind. Love is jealous, love is selfish, love is hopeless, love is blind. I find this statement true. True dahil babaguhin mismo ng pag-ibig ang pananaw mo dito. Pag-ibig mismo ang sisira ng magandang imahe niya sa isipan mo. Ang ironic diba? Wala namang tao na sisira sa sarili niya sa harap ng iba diba? Ngunit ganyan katapang ang pag-ibig. It bluntly divulges itself into an act that might destroy its credibility to a hopeless romantic. How cruel. Ang talino ng diskarte niya. Habang positibo ang paningin ng mga tao sa pag-ibig, aasinta siya ng mahinang puso at sana papasakitan, nang sa gayon ay maintriga ang iba pang puso at subukan kung bakit nga ba masakit ang magmahal. Nagiging viral ang pag-ibig hindi ba? Kaya nga siguro viral, kasi magdudulot ito ng sakit tulad ng isang literal na bacteria. Bacteria na magsisimula sa balat sa pamamagitan ng kilig. Tatagos sa mga muscle hanggang tuluyan nang ma-penetrate ang pinakatago at pinakasensotobong parte ng katawan mo, ang puso.

I started to draw the human anatomy, out of nowhere habang naglalaro sa makitid kong isip ang mga bagay na 'to. Makitid? Hindi rin siguro. Marahil pinalawak na ng karanasan at ng lahat ng sakit ang dating walang ka-alam alam na ako. Karanasang humubog sa kung sino ako ngayon, kung paano ako tumayo at magsalita, kung paano ako ngumiti sa harap ng maraming tao, kung paano ko ipinapakita ang masigla at puno ng kulay kong buhay. Kasama na rin kung paano ako malugmok at kainin ng kalungkutan, kung paano ako umiyak kapag walang nakatingin, at higit sa lahat, kung paano ko itinatago sa mga tao ang mga piraso ng basag kong puso.

Nakaupo lang ako sa upuang nagsilbi kong comfort zone sa eskwelahan. Kapiling ng mga sandalan ng upuang naging tigasalo ng mabibigat na pinapasan ng mga balikat ko, ng lamesang pinapatungan ko ng lahat ng mga dalahin ‘kong sakit, at ang sketch pad kong handang madusingan tanggapin lang ang lahat ng laman ng ngayon ay malawak ngunit walang laman kong utak. Patuloy lang ako sa pagguhit, 'di alintana ang malakas na hanging naghuhudyat sa nagbabadyang buhos ng ulan. Deadma na sa ulan, dahil hindi pa man naguumpisa ang pagluha ng ulan ay binabaha na ang puso kong kanina pa himahagulgol.

Ang galing naman talaga ng katawan ng tao, ano? Siguro, kaya itinago sa kaloob looban natin ang puso natin ay para maprotektahan ito sa sakit. Kaya ihinarang ang ribcage ay upang mas mapatatag ang proteksyon nito, at kaya malapit ito sa mga baga natin ay para samahan ito sa pagbubuntong hininga nang hindi naman ito mapag-isa. Kaya ito napapaligiran ng malalakas na bahagi ng katawan natin dahil ito ang pinakamahina. Ngunit minsan sadyang tayo rin ang dahilan ng kahinaan ng puso natin. Hinahayaan nating nakabukas ang ribcage, naka-off ang mga baga, at wala sa depensa ang mga muscle kaya may mga anti-bodies na nakakalapit dito. Kaya may mga taong nakakapanakit sa atin. At one point or another, hinayaan pa rin natin sila. Hindi tayo naging maingat.

Patuloy akong gumuhit upang matapos ang human anatomy sa sketch pad ko. Mas maitim ang puso kung ikukumpara sa lahat ng bahagi ng katawang iginuhit ko. Tila walang liwanag na sumisilip sa pusong ito. Kasing dilim ng mga ulap na sisidlan ng ulan. Ulang pumapatak na sa sangkalupaan. Ang lupang unti-unting nababasa. Ang basa kong mga talukap na nag-uumpisa na namang mapuno ng luha. Ang luha kong walang tigil sa pag-agos noon. Ang agos ng mga ala-ala sa utak ko. Ang utak na nagiging dahilan nga ng lahat ng kasamaan ng tao. Ang mga taong magtatakbuhan dahil sa ulan. Ang ulang hindi ko maramdaman. Ang pakiramdam kong sobrang manhid na.

Tumayo ako. Naglakad patungo sa gate ng university, kasabay ng lahat ng mga estudyanteng nagmamadaling umuwi at ayaw maabutan ng ulan. Alas tres y media na ng hapon, oras na ayokong nakikita sa relos ko. Inialis ko ang aking mga mata sa makinang  nagbibigay sa akin ng oras sa bawat tingin. Ayos lang yan, Danica. Isang minuto lang yan. Isang minutong pagbabalik ng mga ala-ala. Isang minuto bawat araw na ibabalik ka sa masalimuot mong paalam sa taong minsan ay naging mundo mo. Isang minuto kang dadalhin sa bago mong mundo. Isang mundong madilim. Mundong ikaw lang ang nakakaalam. Namnamin mo lang ang sakit. Namnamin mo lang hanggang sa hindi mo na maramdaman. O hanggang sa hindi mo na mawari ang pagkakaiba ng alas tres y media sa iba pang pigura sa orasan. Alas kwatro, alas singko, lahat sila pare-pareho na lang. Dahil sa ngayon, ang lahat ng oras ay masakit. Sobrang sakit.

Alas tres trenta y uno na. Lumampas na ang isang minuto ko. Bumilis na ang galaw ng mga tao sa paligid. Ibinalik na ako sa mundo ng lahat. Ang mundong mabilis. Danica, gising! Bilisan mo ang paglalakad. Umuwi ka na at magmukmok sa nalalabing oras ng araw na ito. Ibalik mo ang pakiramdam ng alas tres y media. Ituring mo ang bawat oras bilang alas tres y media. Mabuhay ka sa isang minuto lang at kalimutan ang lahat. Swipe your ID at the gate and enter your own orld again. End of convo.

HoroscopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon