Nakakainis yung jeep na nasakyan ‘ko kanina! Kung kailan ka naman naghahabol ng oras saka ito hihinto sa bawat kanto! Nag-aabang ng pasahero kahit puno at masikip na sa loob ng jeep. Apat pa dyan kabilaan lang! Nanlaki ang mga mata ‘ko sa narinig ‘ko at tumingin sa magkabilang dulo ng jeep. Napabuntung-hininga na lamang ako at nagkibit balikat. Parang posible ‘ko nang masaulado ang bawat kanto ng E Rod. Hindi na talaga ako sasakay ng jeep na byaheng Cubao-España.
Pero di naglaon nagenjoy na ako sa paghihintay ng pasahero. Earphones on, hello imaginary world. Yung feel na feel ‘ko, akala ‘ko taping ito ng music video ‘ko. Nakarelate na rin kasi ako sa nararamdaman ni manong driver. Sa mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ginagawa niya ngayon. Yung tipong humaharurot ka na sa gusto mong puntahan pero sa isang iglap bigla kang pepreno at maghihintay kasi may inaabangan kang maghabol sayo - ang mga pasahero.
Ako kaya? Araw araw naman akong pumepreno sa pagtakbo para tumingin pabalik, ngunit wala namang naghahabol sa akin. Lalo’t lalo pa, hindi man lang ako tinignan ng taong inaabangan ‘kong hahabulin ako. Minsan dadayain ‘ko na ang sarili ko, maglalakad ng pabalik ng mga limang hakbang kapag walang nakatingin pero wala pa rin. Mas tatagalan ‘ko ang paghinto at magdadahilang nagpapahinga lang ako, pero sa ikalawang pagkakataon sadyang wala pa rin. Di tuloy ako makarating sa endpoint ng byahe ‘ko - ang pag mo-move on.
Lagi akong pumupunta sa dati naming tagpuan, uupo sa parehong upuan at pipikit. Lalanghapin ang parehong hangin na dating pumapalibot sa amin at isasabuhay muli ang namatay na naming pag-ibig. Titingin sa malayo at papaganahin ang imahinasyon. Babalikan ang lahat ng masasayang oras na wala kaming inaalala kundi ang pag-ibig namin sa isa't isa. Walang ibang sagabal, walang ibang dapat pag-tuunan ng pansin. Aabutin ng oras oras kasama ng aking sketchpad na puro pirma at luha ‘ko lang ang laman. Blanko, walang ni isang larawan. Parang ako, wala ni isang ngiti.
Day 50, meron na akong sampung bakod sa wall of moving on ‘ko. Should I rejoice because I’m almost done? Or should I grieve dahil nakikipaglokohan lang ako sa sarili ‘ko? Malapit na ang ikalawang buwan. I'm just giving myself three months para maging normal ulit. Bumalik sa sarili ko at magising sa katotohanang totoong wala na kami.
Day 1-5: Araw araw akong umiiyak ng walang dahilan. Fresh pa kasi lahat ng sakit at hindi ko masisisi ang sarili ko kasi binigay ko naman talaga lahat. Sabi nga ng kaklase ko noon, he who loves less always win. Kasi hindi sila gaanong masasaktan, mas mabilis silang makaka get over sa mga pangyayari, mas mabilis ka nilang mapapalitan at magkakaroon ng bagong mundong iikutan. So contrasting the idea, kung sinong mas nagmamahal siya ang laging talo. Ang laging nasasaktan sa mga ala-ala, ang hindi ka mapalitan at hindi ka makatapak sa panibagong mundong dapat nitong ikutan. Bakit nga ba kasi kailangang may mas magmahal pa? Kung maaari namang pareho lang kayong takot na mawala ang isa’t isa sa sobrang pagmamahal? Ang sarap sa isang relasyon na parehas kayong clingy. Na hinahanap ng mga kamay niyo ang kapareho nitong kamay sa tuwing mawawala ang pagkakadaiti nito.Sorry to sensationalize the term pero para sa akin masarap talaga sa puso ang ganoong pakiraman. I submit. Hands up. Suko na.
Day 6-10: Walang pagbabago, ganoon pa rin. Ang pagkakaiba lang, mas gusto ‘ko nang kimkimin sa sarili ‘ko ang lahat ng sakit at mas gusto ‘kong mapag-isa. Hindi tulad noong mismong araw na iyon na gustong ‘kong samahan ako ng lahat ng kaibigan ‘ko ng sa ganoon ay may masabihan ako ng lahat ng sakit na naranasan ‘ko kay Em. Makalipas ng limang araw nasabi ‘ko sa sarili ‘kong isang kalokohan kung isisiwalat ‘ko sa mundo ang naganap. Bakit? Dahil hindi naman nila kami matutulungan. Nangyari na.
Day 10-15: Wala na akong ganang mag-aral. Wala na akong ganang gumuhit ng plates. Wala na akong ganang pumunta ng school. Dahil kadikit ng pagpasok ko sa eskwelahan araw-araw ay ang posibilidad na magkrus ang landas naming dalawa. At alam ‘ko sa sarili na hindi pa ako handa sa posibilidad na ‘yun. Wala pa akong sapat na lakas ng tuhod upang manatiling nakatayo ‘kung sakaling makikita ‘ko siya. Hindi pa ako handa sa mga posibleng maging pag-uusap, sa mga posibleng deadmahan na maganap. O sa lahat ng posibilidad na ididikit kay Em. Hindi pa ako handa. Ayoko muna. Ayoko na.

BINABASA MO ANG
Horoscope
Любовные романыKailan ang birthday mo? So your zodiac sign is? Okay! Compatible with... Iaasa mo nga ba sa mga bituin ang iyong buhay pag-ibig? Ihalintulad sa pagkakahanay nila ang bawat pangyayari sa iyong kapalaran? Danica Estrella, isang fine arts student na so...