End of convo.
Start of a new one.
“Danica!”
Narinig ko ang boses mula sa isang pamilyar na kotseng nakapila sa kahabaan ng kalsadang tatahak sa sakayan ng jeep pauwi sa amin. Isang itim na kotseng nakakasilaw sa kinang at may apat na bilog sa unahan na nangangahulugan ng hindi birong presyo nito. Apat na bilog ng kotseng naghahatid at sumusundo sa akin parito’t pabalik sa bahay at sa university. Maging ang plaka ng kotse ay sobrang pamilyar. MLI 520. Pamilyar dahil sadyang inilaan para sa kanya ang numero ng plakang ipinaayos pa ng mga magulang niya. Ang simula ng bawat pangalan niya. MLI, Maerc Loiss Itaino. At ang buwan at araw ng kapanganakan niya. 520, May 20th. Oo, tama. Ang kotse nga ni Em.
What now, Em? Ihahatid mo na naman ba ako sa panibagong mundong nanamnamin ko? Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya sa akin.Lutang na naman at ito na naman ang amnesia state ‘ko, kicking into my cells.
“Ihahatid na kita, Danica. Just like the old times. Okay lang ba?”
I don’t know what happened but once again I find myself walking toward his car. Parang kinaladlad akong kusa ng mga paa ‘ko patungo sa isang bagay na alam ‘kong hindi tama. Sa isang bagay na alam kong magdudulot ng sakit. Ayos lang, sanay na ako. Ilang buwan na rin akong nasasaktan. Ayos lang talaga ‘to. Ihahatid lang naman niya ako pauwi. No more no less. Just the normal routine noong kami pang dalawa. The only difference, the big difference, is that kalas na kami sa pagkakatali sa isa’t isa.
Naamoy na naman ang car freshener ni Em. Hindi na ako komportable. Hindi tulad noon na nakakatulog pa ako sa kotse niya sa tuwing maaamoy ko ang amoy na ito, sabayan pa ng tugtog na malumanay at di ko na mamamalayang hinehele na pala ako ng tinig na naririnig ‘ko at ng amoy na umaaligid sa aking ilong. Pero hindi na ngayon and I don’t find it amusing. Sumisikip ang dibdib ‘ko sa presensya ng amoy na ‘to. Na tila kailangan ko ng oxygen tank upang makahingang muli ng matino. Na parang hiniram ‘ko lang kung kanino ang bagang ginagamit ‘ko ngayon upang mairaos ang paghinga at ngayo’y binabawi na niya ito. Hindi na rin ako mapapikit dahil hindi ‘ko malaman kung ano ba ang uunahin ‘ko, ang paghinga ba o ang paglimot sa mga ala-ala. Inhale. Exhale.
Hindi tulad ng normal na paraan ng pagmamaneho ni Em, ngayon ay binabagalan niya ang bawat kambyo niya sa manibela nito. Noon ay humahampas pakalati ang metrong nagsasabi kung gaano kami kabilis tumakbo, ngaon ay hindi man lang maabot ng kamay ng metro ang unang bitang na tila nakatingkayad na batang hindi maabot ang lalagyan ng candy niya. Nakakapagtaka. Kailan pa natuto magmaneho ng mabagal si Em? Napakibit balikat na lamang ako at hindi na pinansin pa ang nakakapanibagong si Em.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Tinatanaw mula sa loob ng mamahaling sasakyan ni Em ang bawat daanan namin, ang mga gusaling araw araw ‘ko naman dinadaanan patungong eskwelahan at pabalik ng bahay. Ang bawat kanto na saulado ‘ko na. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Gusto ‘ko na lang makauwi na ng mapasok ‘ko nang muli ang sarili ‘kong mundo na exclusive lang na nilikha para sa akin. Intruders are not allowed.
Nagulat na lang ako nang mag-iba ang itsura ng mga gusaling dumadaan sa bintana ng kanyang sasakyan.
Teka. Nag-iba ng daan si Em?
Hindi ‘ko na namalayan ang mga nangyari. Wala na ako sa wisyo kaya hindi na ako nakagawa ng bayolenteng reaksyon noong patangka pa lamang niyang gawin ito. Ano na naman kalokohan ito, Em? Saan mo na naman ako dadalhin? Pakiusap. Tantanan mo ang lahat ng plano mong saktan ako. Ayoko nang maging parte ka ng mundo ‘ko. Ayoko nang maging bahagi tayo ng mundo ng isa’t isa. Kasi Em sobrang sakit na. Gusto ‘ko nang isigaw ngayon sa harapan mo ang lahat ng bigat sa puso ‘ko. Ngunit kibit balikat ‘kong inipit ang tinig ‘ko hanggang sa maramdaman ‘ko na lang ang mga luhang namumuo sa gilid ng aking mga talukap. Ipinasok kong agad pabalik ang mga luha at lumingon ako sa aking kaliwa. Napatingin ako sa kanya upang alamin kung nakikita ba niya ang nagbabadyang pag-ayos ng luha. Saktong pagtingin ko’y bigla siyang nagsalita upang sagutin ang lahat ng papausbong na katanungan sa isipan ‘ko.

BINABASA MO ANG
Horoscope
RomanceKailan ang birthday mo? So your zodiac sign is? Okay! Compatible with... Iaasa mo nga ba sa mga bituin ang iyong buhay pag-ibig? Ihalintulad sa pagkakahanay nila ang bawat pangyayari sa iyong kapalaran? Danica Estrella, isang fine arts student na so...