"Hoy, umagang-umaga, yung ngisi mo talaga best nakakakilabot."
I smiled even wider at her. Agad namang umismid si Shaira.
"Ano ba ang nakain mo kagabi at ang hyper mo ngayon? Naninibago na ako sayo, ah."
"Wala no. Praning ka lang talaga."
"Ako pa ang praning? Ikaw kamu, kasi kanina ka pa ngisi ng ngisi diyan. Nakakatakot ka na."
Napabunghalit ako ng tawa dahil sa sinabi niya.
"May masama ba sa pagiging masaya?" Nakalabi kong tanong.
"Sa pagiging masaya, wala. Pero ikaw ... nevermind." Maarte niyang sabi sabay tikwas ng mga daliri. "Mukhang alam ko na yata kung bakit ang saya mo." She smiled evilly at me.
At ako namang si guilty, agad-agad ding uminit yung mukha.
"Sabagay, kung ako din yung nasa lugar mo, kikiligin din ako ng bonggang-bongga." She winked at me, and laughed her ass out.
My face heated more. Pakiramdam ko, nagmumukha na akong kamatis ngayon. Ang galing talagang mambuska ng isang ito.
"Sige na, bilisan mo na diyan, para makapunta na tayo ng school at makita mo na ang prince charming mo." She grinned at me.
"Oo na. Pinapadali mo ako dahil gusto mo nang makita si Justin." I sarcastically told her.
Kitang-kita ko kung paano bumilog ang mga mata niya at bahagyang pumula ang kanyang mga pisngi.
I laughed at her reaction. Kita mo tong babaeng to, ang galing mambuska ng iba, pero ang dali ring mamula kapag siya naman ang inilagay sa hot seat.
Now, it's my turn to shower her with questions. Siya naman yata yung na-speechless, eh.
"So, what's the real score between you and Justin? May payakap-yakap pa siya sayo nung nakaraang gabi, ah."
I grinned when I saw her blushed even more.
"Pero in fairness naman sa kanya best, ang protective niya sayo, ha? So ano na?"
Sadness crossed her eyes. Sandali lang iyon dahil agad ding napalitan ng kislap ang mga mata niya.
"Zero." She emphasized the word by showing me her encircled fingers, forming a letter 'O'.
"Zero, as in, love?" I grinned widely at her.
Pinandilatan niya ako.
"Zero, as in zero. Zero, as in wala. May mga nalalaman ka pang love-love diyan." Napaismid siya dahil sa tinuran niya. "Eh kayo ba bi Blake, anong score?"
"We're friends." Agaran kong sagot sa kanya.
"Friends?! Really?!"
"Yes. May masama ba dun?"
"Wala naman, pero hindi ba nagpaparamdam si Blake sa'yo?"
"Wala, no. Friends lang kami. Swear." Pero kinikilig ako sa kanya. Okay lang naman yun di 'ba?
"Manhid talaga nito." Shaira mumbled.
"Ano yun?" I asked her.
"Wala. Sabi ko, ang ganda natin kaya bilisan na natin para di tayo ma-late, tsk."
Natapos yung breakfast namin na nagkukulitan pa rin.
"Anong subject mo ngayon?" She asked.
"History." Agaran kong sagot.
BINABASA MO ANG
Dreamed Love Story
Teen FictionIt's all about the love story I've always dreamed. Can this be real?