"Don't ever do that again, Hope. You scared the shit out of me."
His words echoed in my mind. Kanina pa paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga katagang iyon.
"Eeeehhhhhhh." I giggled. Kinikilig ako, sobra.
Ang saya ko lang ngayon. Una, dahil nalaman kong pinsan niya pala si Janine. Second, nag-aalala pala talaga siya sa akin. Oh my gosh!
Nakahiga na ako ngayon, pero di pa ako makatulog. Nakaka-insomnia ba ang kilig? Di ako pinapatulog, eh. Okay, ang corny ko na.
Nakikipagtitigan ako sa kisame nang biglang tumunog yung phone ko. I checked the mesaage.
Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko ng nakitang si Blake ang nag-text.
Blake:
'Hope?'I typed a reply:
'Hmm?'I was startled when my phone rings. Blake is calling. I hurriedly answered the call and put the phone on my ears.
"You're still awake?" He asked.
Hindi ko mapigilang mapangiti. His husky voice is so freaking sexy.
"Yep. Eh, ikaw, bakit gising ka pa?"
"Di ako makatulog, eh. Baka iniisip mo ako?" He chuckled after that.
Uminit yung tenga ko dahil sa sinabi niya. Posible ba yun? Hindi ba talaga siya makatulog dahil iniisip ko siya?
"Ano? Ang kapal mo, ah. Bakit naman kita iisipin?"
He laughed at what I said.
"Wala. Sinusubukan ko lang, akala ko kasi pareho tayong di makatulog dahil pareho nating iniisip ang isa't-isa."
Bahagya kong inilayo ang phone sa tenga ko at ngumiti na parang baliw. I covered my face with the pillow and giggled like a fool.
I cleared my throat before answering him.
"Hindi no. Asa ka pa. Kung may iniisip man ako, lesson natin yun. Ang dami kayang upcoming quizzes."
"Talaga? Tsk, sayang naman. Akala ko iniisip mo din ako, eh." He said from the other line.
Really? Pakiramdam ko, quotang-quota na ako sa kilig ngayong araw. All thanks to Blake.
"Heh, wag ka nga." Enebenemenyen. Penekekeleg me nemen eke eh.
Seriously, I've never done this things dati. Yung may katawagan, mga ganun. Ang tamad ko lang mag-entertain ng calls dati. But look at me right now.
"Pero seryoso, bakit di ka pa natutulog, Hope?"
"Di lang ako makatulog. Ang lakas kasing humilik ni Shaira." We both laughed at what I just said.
Shaira and I share the same room. Mula noon, magkasama na kami sa iisang kwarto. Nasanay na ako sa paghihilik niya dahil madalas mauna siyang matulog noon.
"Why don't you drink some milk para makatulog ka? We have early class tomorrow."
What he suggested is tempting. Pero parang ayaw kong magtimpla ng gatas. If I will do so, mapuputol na yung tawagan namin.
Ang I don't like that. I like hearing his voice, his laughters, and even his breathing.
"Okay. So, ibababa ko na yung tawag, ah? Magtitimpla na ako ng gatas."
BINABASA MO ANG
Dreamed Love Story
أدب المراهقينIt's all about the love story I've always dreamed. Can this be real?