25. Bothered

59 23 1
                                    

"Do you really have to play that hard? Friendly game lang naman 'yon?" Pinagsasabihan ko si Blake habang hinihintay ang nurse na kumukuha ng mga gamot.

Sobra akong nag-aalala sa kanya dahil sa nangyari kanina. But I can't help to think about Shaira. Galit siya sa akin, or maybe nagtatampo. But I really hope it's the latter.

"Stop it, baby. I'm okay. Di ko naman ginusto yung nangyari, it's part of the game. Hindi naman ako gaanong nasaktan."

"Hindi gaano? Kaya pala dumugo yung ilong mo, tapos napahiga ka pa. Hindi pala gaano, eh." Dahil sa sobrang pagkainis, malakas kong hinampas ang braso niya. Napangiwi siya sa sakit.

"Aray. Mas lalo yatang sumakit ang katawan ko. Naks naman Hope, ramdam na ramdam ko yung concern mo." Sarcastic niyang wika, but he smiled after.

"Akala ko ba hindi masakit?" Mataray kong tanong sabay hampas ulit ng bahagya.

Before I could hit him again, he catched my hand. Ikinulong niya ang mga kamay ko sa mainit niyang palad.

"Ngayon pa lang, battered na ako, hindi pa tayo. Pano pala kapag girlfriend na kita? Baka ma-ospital na ako niyan." Nakangiting sabi ni Blake, may halong biro ang tono.

"Edi wag mong ligawan. Sadista pala, edi wag mong girlfriend-in," sabi ko sa isang napipikang tono, but deep inside, kinikilig ako ng slight, haha.

"Ayy, wala namang ganyanan. Gusto ko nga yung nananakit ka. Isa sa mga privilege ko yun kapag naging boyfriend mo na ako. Alam mo na, para ramdam na ramdam talaga kita." Nakangising sabi niya.

Bahagyang pumula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman, hinampas ko siya sa braso. Without me realizing it, mukhang masyadong napalakas ang paghampas ko sa kanya. Dumaing si Blake sa sakit, and I guess natamaan yung part ng braso niya na may galos.

"I'm sorry. I'm sorry, Blake. I didn't realize na napalakas pala yung paghampas ko." Natataranta kong wika habang hinahaplos ang parte ng braso niyang sumasakit.

"It's okay. Alam ko namang mabigat ang kamay mo. Dumoble pa yata yung sakit." Mas lalo siyang napangiwi nung nahawakan ko pa yung galos niya.

"Oh my gosh! I'm so sorry. Is there anything I could do to ease the pain?" Nag-aalala kong wika.

He devilishly smiled at me and pointed on his cheeks. What? Gusto niyang sampalin ko siya? I voiced out the question on my head.

"You want me to slap you?" Naguguluhan kong tanong. Di ko ma-gets yung logic niya. Kapag ba sumakit ang pisngi niya, mababawasan ba ang sakit ng braso niya?

Napatawa siya sa tanong ko. Inulit niyang tinuro ang pisngi niya saka nag-pout. Wait, bakit ang cute niya? Nangunot ang noo ko dahil sa inakto niya. He pouted his lips again, iniumang niya ang pisngi niya sa akin, at itinuro pa ako.

Nung na-gets ko yung ibig niyang sabihin, agad pumula ang mga pisngi ko. He wants me to kiss him on the cheek? Asa pa siya.

"Oy, w-wag kang a-ano, Blake." Nagkakandautal kong sabi sa kanya.

"Sa cheeks lang naman. Ang sakit lang talaga ng katawan ko, baby. I know, just a single kiss from you, mawawala lahat ng sakit. Just like magic."

And just like that, I leaned to kiss him on the cheek. Sabagay, sa pisngi lang naman. Isa pa, I'm partly responsible for his pain, so I must help in easing it right? Yeah right, makahanap lang ng rason para sa kalandian. But before my lips can touch his cheek, the nurse entered the room.

Agad kong nilayo ang mukha ko sa mukha niya. Does she really have to enter the room and be a witness to that embarassing moment?

Ngiting-ngiti ang nurse habang nakatingin sa amin. May mga dala siyang bulak, alcohol, betadine at mga tablets. Pain-reliever yata.

"Miss?"

"Mendoza po." Magalang kong sagot sa nurse.

"Hija, pwede bang ikaw na muna ang gumamot dito sa boyfriend mo? I still need to tend dun sa isang estudyanteng nawalan ng malay. I'm really sorry, but can you do that?" Nakalabing wika ng nurse. Of course I could. Mas kailangan siya ng isa pang estudyante.

"Yes, Miss, I could but-"

"Thank you, Miss Mendoza. Thank you for understanding. Take care of your boyfriend." Bago pa ako makasagot, dali-dali na siyang umalis para pumunta sa kabilang kwarto.

Gusto ko sanang itama yung sinabi niyang boyfriend ko si Blake. But she didn't gave me a chance. Nung tumingin ako kay Blake, ang lapad ng ngiti niya.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Paangil kong wika.

"Ang sarap pakinggang tawagin akong boyfriend mo. At mas lalong masarap sa pakiramdam nung hindi mo itinama."

"Hoy, hindi ah. FYI, itatama ko na sana yung maling akala niya, but she didn't give me a chance to speak. At hep, wag ka ng sumagot."

Napapangiti na lang siya at napapasipol habang tinitingnan akong ginagamot ang sugat at mga galos niya. Bawat magsasalita siya, dinidiinan ko ang paglalapat ng bulak kaya agad din siyang napapatahimik.

Nang matapos kong linisin ang sugat niya, agad ko na siyang pinainom ng gamot.

"Can you walk now or kailangan mo pang magpahinga?" Tanong ko sa kanya. I was torn between staying with Blake and going home to explain to Shaira.

"Kaya ko naman, but can we stay a bit longer? Medyo nananakit pa yung paa ko." Marahan niyang sabi, tila tinitimbang ang ekspresyon ko. "But if you want, we can go now."

"Mamaya na. Baka lumala pa yang kondisyon mo."

"Is it about Shaira?" Nananantiyang tanong niya.

"Yeah. Nagalit yata 'yun. But don't worry, that's normal on friendship. Madadaan naman yun sa usapan." Nakangiti kong wika sa kanya.

"Is it about us? Hindi niya alam na nanliligaw ako sa'yo?"

"Sort of. Hindi ko kasi nasabi, and it's been a week already." Malungkot kong sabi.

"I'll explain it to her. Ako dapat yung magsabi sa kanya. I should have asked permission from her also. She's not just your bestfriend, she's your sister."

Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi niya. But I don't want him to get involved. Problema namin ni Shaira to, kasalanan ko, kaya ako dapat ang umayos.

"It's okay. It's my mistake. I should correct it."

"No, it's not. It's about us. Please let me Hope. Let me help you in times of trouble. Hayaan mo akong tulungan ka sa mga problema mo, kahit pa hindi ako sangkot." Marahan niyang sabi habang marahang hinahaplos-haplos ang kamay ko. "Para saan pa yung pagiging future boyfriend ko di ba?" Nakangisi niyang wika.

Oh, Blake. He never really ceases to amaze me. Nakakahanap talaga siya ng paraan para mapangiti ako kahit sa anong sitwasyon.

Dreamed Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon