Habang naglalakad pauwi, inaalalayan kong maglakad si Blake. Nakasampay yung braso niya sa balikat ko, but he is not putting his weight on it. Arte din kasi ng isang ito, which is gusto ko naman.
Nakaakbay siya sa akin, habang ako naman, tini-text si Justin. I'm asking him if Shaira is already home. When he replied yes, agad akong napangiti. Thank god hindi siya galit. When Shaira gets mad, hindi niya gustong makita ang rason ng galit niya, she would avoid it.
Seeing her going home kahit na alam niyang uuwi din ako, it means hindi siya galit.
"Who are you texting, Hope?" Malambing na tanong ni Blake.
"It's Justin. Tinatanong ko kung nakauwi na si Shaira. He said yes and sinamahan daw niya si Shaira sa boarding house."
Nang makarating sa apartment, I was a bit hesitant to open the door. Nahihiya ako kay Shaira. I've made a mistake to her.
Blake opened the door at agad ko siyang pinandilatan. Naghahanda pa yung tao eh.
Nung makapasok, agad kong nakita si Shaira na nakaupo sa sofa, katabi ni Justin, habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Umiiyak ba siya?
Both Blake and Justin left us. Hindi ko na alam kung saan sila pumunta. Probably giving some privacy to talk.
I hastily approached her and rubbed her back. Parang gusto ko ding umiyak. Nagi-guilty na ako masyado.
"Best, I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya, nawaglit lang talaga sa isip ko yun. It doesn't mean you're not important to me. Sobrang mahalaga ka sa akin, alam mo yun. You are not just my best friend, you're my sister. Please, forgive me. I don't really intend to keep it a secret from you. I'm sorry. I really am. Best, pansinin mo naman ako, oh." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
Nung tumingin siya sa akin, masyado akong nagulat. Mamasa-masa ang mata niya sa mga mumunting luha.
"Kukunin ka na ba ni Blake sa akin?" Maluha-luhang tanong niya.
Seriously?! Sa dinami-dami ng mga pinagsasabi at pagda-drama ko sa kanya, yun lang ang sasabihin niya?!
"What?!" Di ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.
"Kapg naging kayo ba, iiwan mo na ako? Mawawalan ka na ng oras lara sa akin? Sa kanya ka na magsasabi ng problema, ng lahat. Mawawalan na ako ng silbi, may makakasama ka ng iba, eh." Pahikbi-hikbing wika niya.
Di ko napigilang mapatawa ng bahagya dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Seriously, Shy? Naiisip mo talaga ang mga yan?" Nangingiting tanong ko sa kanya.
Napakagat-labi siya bago sumagot. "Eh kasi, mula noon, tayo lang dalawa ang magkakasama, ngayon may Blake ka na."
"You're unbelievable, Shy. How could you possibly think of that? It won't happen." Hinawakan ko ang mga kamay niya at pinagsalikop iyon.
"Really?" She sounded like a child asking for an assurance.
"Of course. Kahit ano pang mangyari, bestfriends parin tayo. Kahit magka-boyfriend ka pa," sabay tingin ko kay Justin na bahagyang kita mula sa kusina.
"O kahit ikaw ang magka-boyfriend?" Sabi niya sabay tingin din kay Blake.
Iniwas ko ang tingin ko kay Shaira at bahagyang yumuko.
"Wag ka nga. Hindi pa naman ngayon," nakatungong wika ko.
"Wag ka nang mahiya. Alam ko namang darating din ang time na yun. Basta, promise me, walang iwanan ha?"
"Promise." Kahit ganito na kami katanda, we still do pinky swear. Nakaugalian na eh, kaya mahirap ng baguhin.
"I love you, best." She said and hugged me tight.
"I love you, too, Shy." Nakangiti kong sabi habang nakayakap parin sa kanya.
Nakarinig kami ng mga tikhim kaya napalingon kami sa pintuan patungong kusina. There stans Blake and Justin, parehong nakapaloob ang isang kamay sa bulsa ng pantalon, habang nakasandal sa magkabilang hamba ng pintuan.
"Nakakaselos namang yang yakapan niyo. Pwedeng pasali?" Nakangising wika ni Blake habang pasalit-salit kaming tinitingnan ni Shaira.
Inirapan siya ni Shaira sabay harap kay Justin. Agad siyang lumapit dito at nangingiting humawak sa braso nito.
"I'm already fine."
"Really? Okay na kayo? No harm done?" Nangingiting tanong ni Justin sa kanya pero may halong lambing ang boses niya. From here, I can really see how much he adore Shaira. Bahagya pa niyang pinisil ang ilong ni Shaira dahilan kung bakit napa-pout ito.
When I looked at Blake, relief is all over his face. Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Since the two of you are alreay okay, let's eat dinner. Nagluto na kami ni Justin ng hapunan." Nakangiting sabi ni Blake saka marahan akong hinatak papuntang kusina.
Habang kumakain ng hapunan, nag-aasaran lang sina Justin at Blake. Nag-decide din silang manuod muna ng movie bago umuwi.
Habang pumipili si Shaira kung anong magandang panuorin, naghuhugas naman ako ng plato sa kusina.
Malapit na akong matapos sa ginagawa ko ng maramdaman kong may tao sa likuran. Agad akong lumingon at nakita ko ang matamang pagtitig ni Blake sa akin.
"What are you doing here? Dun ka na sa sala, susunod naman ako agad."
"No, sabay na tayo." He advanced toward me at tumayo sa likod ko. "Let me help," sabi niya sabay kuha sa platong hawak ko at iniumang iyon sa gripo.
"No need, Blake. Ako na dito, kaya ko na." Pamimilit ko sa kanya.
"Hayaan mo na akong tulungan ka," he firmly said. Hinayaan ko na lang siya at salit-salit kaming nagbabanlaw ng mga gamit.
We remained silent for a minute while doing the dishes. Nang nilingon ko siya, sobrang seryoso niya sa paghuhugas, parang hindi maiistorbo.
Nung matapos na niyang ilagay ang huling hinuhugasan sa kabinet, agad ko siyang sinabuyan ng kaunting tubig. Nagulat siya sa ginawa ko kaya bahagya siyang natigilan.
Nang makabawi mula sa pagkabigla, agad din siyang gumanti. He splashed water on me, medyo mas marami kesa sa isinaboy ko sa kanya.
We continue on playing like that at napatigil lang kami ng marinig namin ang hagikgik ni Shaira. Agad ding umubo-ubo si Justin kung bakit tuluyan na kaming napatigil.
"Malapit ng matapos ang movie at lahat, di pa kayo natapos dito. Nag-alala na ako kaya bumalik kami dito dahil baka nalunod na kayo sa bula, yun pala, nalunod sa dagat ng ka-sweetan." Nakangising litanya ni Shaira.
Napangiti na lang kaming tatlo ni Blake at agad ng sinundan si Shaira papuntang sala.
Ang saya ko lang ngayon. Bati na kami ni Shaira!
BINABASA MO ANG
Dreamed Love Story
Teen FictionIt's all about the love story I've always dreamed. Can this be real?