Chapter 1:Promise

44 2 0
                                    


Umaga nun ng biglang "GOOD MORNING!"

     Nalalag ako sa kama at muntik pang mabagok yung likod ng ulo ko nang bigla kong ginising ni Abby. "Ang aga pa! Ng gigising ka agad!"

     "Ang sakit nun ah! Ang agang pambungad sa umaga bwusit! Aray sumakit pa ulo ko! Tapos sumakit pa pati yung likod ko. Matapos nun bigla nalang akong may naalala."

     "Ui Abby naalala mo paba noong bata pa tayo? Yung lalaki na lagi kong tinutulungan dahil ang taba niya? Ano na kayang nangyari sa kanya?"

     Sumagot naman agad si Abby "Ay! Oo! Yung batang lalaki na mahilig kumain tapos laging naaasar ng iba nating mga kaklase! HAHAHA! ano na kaya nangyare sa kanya?" Sabay tanong din ni Abby. Sabay takbo ako sa banyo para mag toothbrush. Actually nag-unahan pa kami ni Abby papuntang banyo. HAHAHA! Pero always ako laging nauuna kay Abby.

     "Napaka mo tlaga, Katelyn!"
   
     "HAHAHA! Kanina ka pa gising di kapa pumunta dito!"

     "Tse! Syempre ginising muna kita!"

     "Wow! Salamat mahal mo talaga ko eh."

     "Tse! Dami mong alam!"

     "Malamang! Ano kaba matagal na tayong magkasama dito nahawa lang ako sayo!"
    
     Yan ang lagi naming ginagawa ni Abby kung hindi pasya magigising hindi rin ako magigising at kundi pa ko babangon di payan pupunta ng banyo.

     Ow! Before ko makalimutan ako nga pala yung dating studyante na maganda at pinagaagawan ng mga lalaki pero noon payun at ngayon pinagaagawan nalang ng mga lamok. Ang tunay ko nga palang pangalan ay Katelyn Kim. Pero sanay ako sa tawag na Katelyn. Naiinis ako kapag tinatawag nila akong Kim kasi parang panglalaki yung pangalan nayun ehh. Kaya dahil dun lagi nalang ako tinatawag ni Abby na Kim.alam niya kasing ayoko ng tinatawag akong ganun.

      "Tsk. Kim! Nangangamoy na dito ah! Tagal mo naman dyan!" Naririnig ko siya sa pinto.

      "Sandali lang! O.A mo naman hindi nga ko nagaano dito sasabihin mo nangangamoy na!"

      Matapos non naalala ko nanaman yung pinaguusapan namin ni Abby kanina yung matabang lalaki na laging nabubully at inaasar. Eto na nga yun.

      Nangyare yun noong elementary palang kami. Ang pangalan niya pala ay Nicholas Rutherford. Pero ang tawag ko talaga sa kanya ay Taba.

      Isang araw nagkakilala kami ni Taba sa school magkaklase kasi kami. Nakikita ko kasi siya palagi na binubully at walang friends kaya naawa ko sa kanya.

      "Hoy! Tigilan niyo nga siya!" Sabi ko habang pinapaalis ko yung mga nangaasar sa kanya.

      "Ayos kalang ba? Ako nga pala si Katelyn Kim."

      "Amm, ako nga pala si Nicholas Rutherford."

      "Bago kalang ba dito?"

      "Oo, may kailangan kasi gawin si Daddy sa work niya dito sa pilipinas kaya inilipat niya din ako dito."

      "Yung Mommy mo wala ba siya?"

      "Wala na siya. Patay na ang Mommy ko."

      "Ay! Sorry tinanong ko pa."

      At yun dun na kami nagkakilala. Marami kaming pagkakasundo ni Taba kaya mabilis agad kaming naging close sa isa't isa.matapos nun isang araw may nangyare sa kanya. Uwian na namin yun ng biglang napansin kong hindi mapalagay si Taba at bigla siyang bumaba sa sinasakyan naming school bus.

       "Mommy! Mommy!" Sigaw ni Taba pagkababa namin sa school bus.

       "Taba! Ayos kalang? Sabay tanong ko habang nanginginig na siya. Lamig na lamig siya at lagi niyang sinasabi na " Mommy! Mommy!" Ayaw niya paring tumigil sa kakasigaw at biglang bumuhas ang ulan nun. Naghati kami sa jacket na dala ko para di kami mabasa ng ulan. Pero hindi parin siya tumitigil. Kaya biglang sabi ko.

       "Huwag ka nang magalala! Nandito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan! Hayaan mong ako ang maging PROTECTOR mo!"

       Nang sinabi ko yun sa kanya biglang tumigil ang manginginig niya at tumigil narin siya sa kakasigaw ng "Mommy! Mommy!"

       Matapos ang araw na yun naging PROTECTOR na ko ni Taba. ako ang lagi niyang kasama araw-araw at ako ang nagbibigay sa kanya ng lakas para magkaron siya at maramdaman niya na may kaibigan siyang laging proprotekta sa kanya.

       Isang taon na noon at higschool student na kami ni Taba ng  nabalitaan kong aalis na daw ng bansa ang bestfriend kong si Taba.

       "Nabalitaan mo na ba Katelyn? Aalis na daw ng bansa si Nicholas ah?" Sabi ng mga classmates ko.
 
       "Ha! Wala naman sinasabi sakin si Taba ah?"

       "Sabi nila natapos na daw yung trabaho ng Daddy niya dito kaya aalis na sila ng bansa.

       Nanahimik nalang ako at naghintay na maguwian na para makausap si Taba dahil absent siya ng panahon na yun.

       Pagtapos ng klase dali dali akong tumakbo papunta sa bahay nila Taba para malaman kung totoo ba ang balita.

       "Taba! Taba!" Lumabas si Taba sa bahay nila.

       "Totoo ba?! Na aalis kana at iiwan mo na ko dito?" Nasabi ko yun habang unti-unting pumapatak ang mga luha sa mata ko.

       "Totoo Katelyn! Pasigaw na sabi ni Taba.

       "Bakit di mo man lang sinabi sakin! Para nalamn ko kaagad!"

       "Sorry Katelyn. Ginawa ko yun para masanay ka na  namawala na agad ako. Hayaan mo lagi naman akong magpapadala sayo ng mga sulat."

       Matapos ang isang linngo nag paalam na sakin si Taba at nangakong babalik siya at hahanapin niya ulit ako. Simula nun lagi nalang kaming nagsusulatan at nabubully nanamn siya dun. Ako naman ay tinuloy parin ang pagiging protector kay Taba. Kapag may problema siya sinusulatan ko siya ng magagandang gawin para makalimutan niya ang mga problem niya at maging masaya siya sa buhay niya.

       "Hoy! Kim! Bilisan mo na malalate kana sa pag aapply mo!

       " Oo! Eto na po miss Abby!"

       Magaaply na ko ng trabaho at ayos na ayos na ko ng biglang malapit ng tumama ang ulo ko sa sahig at nagtalsikan pati ang mga papel na hawak ko para sa aapplyan ko."Hayst. Malas naman!"

You're The BossWhere stories live. Discover now