Nakatulog pala ko sa haba ng oras na wala sila. Napahiya ako ng kunti.
"Ohh? Katelyn anong ginagawa mo diyan?" Tanong nilang lahat.
"Ahh... Hinahanap ko lang yung candy ko nahulog kasi ehh." Napakamot nalang ako sa ulo sa sobrang hiya.
Pero dahil sa ilang oras kaming magkasama ni Boss nakita niya talagang nakatulog na ko.
Kaya bigla akong nilapitan ni Boss at sabay sabi...
"Kung pwede ayusin mo trabaho mo ok? Ayoko ng tamad!" Hindi tuloy ako nakagalaw at nabigla ako sa ugaling inasta ni Boss o Taba.
Kaya nanahimik nalang ako at inayos na ang mga papel na dapat ayusin.
Naisip ko lang kung bakit ganun na ang nangyare kay Taba at hindi na siya ang dating Nicholas na nakilala.
Jackie's POV
Tinulak ko yung upuan ko mapunta kay Katelyn na tawag ko ay Bruce Lee dahil sa belt niya.
"Oh! Bruce lee! Musta na! Hahaha balita ko nakatulog ka daw sa office ah?"
"Ano!? Pano mo nalaman! Kumalat na sa office?" Natataranta si Katelyn ng sinabi ko yun.
"Hahaha! Ikaw talaga tulog ka agad ah."
Nanahimik nalang si Katelyn sa sobrang hiya at nag focus nalang sa ginagawa habang ako kinukulit parin siya haha.
Ilang oras din ang lumipas kinulit ko nanaman si Katelyn.
"Bruce Lee! Libre mo ko mamaya? Yieh! Yieh! Lilibre na ko niyan."
"Tigilan mo nga ko Jackie kulit nitong lalaking to." Sigaw ni Katelyn sakin.
"Sige bala ka... Sasabihin ko nalang sa kanila na natulog ka talaga kanina. Hihihi!"
"Huh! Hindi pa nila alam? Kala ko alam nila! Teka! Pano mo nalamn yan!?"
"Hahaha! Hindi kaya ko sumama sa kanila nakabantay lang ako sa dulo." Sabay ngiti ako kay Katelyn.
"Ayaw mo ba? Sige sabihin ko nalang sa kanila. Bye! bye!"
Bigla akong hinawakan ni Katelyn sa kamay at pinigilan ako.
"Sandali lang! Eto na ilan ba gusto mo?" Labas sa ilong niya yung sinabi niya.
"Hahaha yan ang gusto ko sayo Bruce Lee ehh."
Kaya pagkatapos naming magtrabaho nilibre nga ko ni Katelyn.
"Eto na ah! Ano ba gusto mo?" Tanong niya habang napakamot sa ulo.
"Uhm... Isang soup, isang softdrinks at dalawang burger ok na yun Bruce Lee.
Napanganga nalang si Katelyn sakin. Ako naman nginitian ko nalang siya. At nang kumakain na kami may naitanong siya sakin.
"Uhm... Jackie bakit di man lang kita napansin nun?" Tanong ni Katelyn habang nagtataka.
"Ahhh gusto mo ba talagang malaman?"
"Oo dali na!"
"Wala talaga ko dun." Sabay ngiti at titig kay Katelyn.
"Ano! Hindi nga? Akala ko totoo ngang nandun ka! Kainis ka! Bwuset!" Sigaw ni Katelyn pero hindi naman galit.
"Hahaha! Yan gusto ko sayo Bruce Lee eh matapang. Sarap nito ahh." Sabay tawa kay Katelyn
Naging intsik tuloy yung mukha ni Katelyn ng sinabi ko yun at nagtampo pa sakin.
Ilang minuto lang kinausap na rin niya ko at umuwi na rin kami.
Habang naglalakad pauwi nagkwentuhan muna kami ni Katelyn tungkol sa mga buhay namin.
"Uhm... Bakit ba lagi mo nalang ako kinukulit Jackie?" Unang tanong ni Katelyn sakin.
Ako tumawa nalang. "Naaalala ko kasi sayo yung Little Sister ko makulit din kasi siya at kapag lagi ko siyang kinukulit ang harot harot niya."
"Ahh.. Nasan na ba siya ngayon?"
"Wala na siya ehh nasa tahimik na lugar na siya."
"Ay! Ganun ba sorry hindi ko alam." Nagpeace pa siya sakin ng sinabi niya ang sorry.
"Hays hayaan muna ayos lang yun. Kalimutan nalang natin yun." Sabay ngiti kay Katelyn.
"Ahh alam ko na. Sige ako nalang Little Sister mo."
"Talaga!? Hahaha yeahey! Apir!" Sabay taas ng kamay si Katelyn at nag apir nga pero iniwas ko yung kamay ko. HAHAHA!
"Oh! Nandito na pala tayo. Dito lang ang bahay namin."
"Ahh... Dito pala kayo Bruce Lee." Sabay tingin sa bahay nila.
At nagpaalam na nga ko kay Katelyn para umuwi. Nag paalam na rin siya at bago siya pumasok sa bahay nila. Hinintay niya muna kong makaalis ng ligtas.
YOU ARE READING
You're The Boss
FanfictionKakayanin mo parin bang magtiis kung sobra na? Tatanggapin mo pa rin ba siya kahit ano pang maging itsura niya? Paano mo iintindihin ang bagay na dating malinaw pero ngayon ay malabo na?kung ikaw ang nasa kalagayan ni Katelyn, magagawa mo bang sabih...