Chapter 20: Together with my Big Boss

41 2 3
                                    

Hindi matutumbasan ang sayang nararamdaman nilang dalawa.

Mula sa simula, hindi mo labis maintindihan ang halos roller coaster nilang kwento.

Kasiyahan? Lahat naman siguro ng tao gusto 'yan.

"Nicholas! Ito na 'yung mga paper report galing kay Jackie." iniabot naman nito sa kaniyang boss ang mga papeles.

"Ilagay mo lang diyan." akma lalabas na ito pero pinigil siya nito.

Kinuha niya ang parang remote control ng bintana at in-off ito. Ngayon tanging silang dalawa na lamang nakakakita sa kanila.

Hinablot ni Nicholas sa Kate at kinulong sa kaniyang bisig.

"T-teka lang." hindi ito makawala sa bisig ng kanyang boss.

"Please... let me do this. Kahit ilang second lang." marihing bulong nito.

"Miss mo ko?"

"Yes." sinuklian niya ng yakap rin ito sa sinabi niya.

"Miss din kita eh." ngayon. Mahigpit na nilang yakap ang isa't-isa. Kulang nalang ay lagyang ng glue ang dalawa para hindi na maghiwalay pa.

Matapos ang ilang minuto ay kumawala na sila sa pagkakayakap.

"Yan. Ok na ako. Gising na ulit ako." ngumiti ito.

"Ako na pala ang charger mo ngayon?"

"Hindi lang ngayon, lagi!"

"Yiiieeeh! Ang sweet naman pala. Haha. Sige na, balik na ako sa trabaho."

"Sige." lumabas na ito ng may ngiti sa kaniyang labi.

Napansin naman ito ng ilan niyang mga katrabaho.

"Pssst." tawag niya dito.

"Bakit?" nakangiti pa rin nitong tanong.

"Bakit ka nakangiti?" naguluhan pa ito sa tanong ng kasama.

"H-huh? Ako ? Nakangiti?"

"Oo ikaw. Nakangiti. Kung hindi kita kilala isipin ko nang baliw ka."

"Mas baliw ka Jackie. Haha." hinampas nito ang hawak na magazine sa ulo ni Kate.

"Masakit 'yun ah."

"Psh. Magtrabaho ka nalang diyan. Bawasan ang kasiyahan sa katawan." hindi na nito pinansin ang huling sinabi ng kasama.

Binalewala niya lang sinabi nito at nagpatuloy sa pagtatrabaho ng nakangiti pa rin.

Pagdating ng uwian ay nauna na ito sa may parking lot. Hinihintay ang kaniyang boss.

Tumingin ito sa relo niya.

"Anong oras na... bakit ang tagal naman nun?"

Ilang sandali pa ay dumating na si boss niya na may ngiti rin sa labi.

"Let's go."

"Let's go na talaga. Ang tagal mo eh."

Sumakay na sila sa sasakyan at pinaandar na ang sasakyan.

Dumiretso sila sa bahay ng mga magulang ni Kate. Hindi nito inaasahan na dito sila didiretso ang akala nito ay sa bahay nila ni Abby.

"Suprised?" nakangising tanong nito.

"Not that really."

Naunang bumaba si Nicho at inalalayang lumabas si Kate.

Nakakapit ito sa braso ni Nicho at sabay nang pumasok sa bahay.

Pagpasok nila ay may nakahandang napakaraming pagkain.

"WOoooow! Anong meron?" tanong ni Kate.

Nagkatinginan naman ang dalawang magulang nito.

"CONGARATSSS!" sigaw nilang lahat.

"W-what?" gulat na tanong nito. "A-anong suprise ?"

"Alam na naming kayo na." masiglang sabi ng Mama niya.

"H-huh ? Kami?" tumingin ito sa nakangiting si Nicho. "Ano daw?"

"Di ba tayo na?" nakangiti nitong sabi.

"Anong tayo na ? Hindi mo panga ako nililigawan eh!" sigaw nito.

kumalas na ito sa pagkakakapit sa dalaga at umupo na sa hapagkainan.

"Kainan na!"

Gaano ka saya ang kumain sa hapagkainan kasama ang pamilya ng taong mahal mo?

'Yan ang paulit-ulit nitong tanong sa sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya makapaniwala na ang dating pinapangarap niya lang na scenario sa buhay niya ay ngayo'y may kulay na.

"Hmm... ngayon po. Hinihingi ko na po ang kamay ng anak niyo..." panimula nito.

Naktingin lamang ang lahat dito. "Gusto ko pong sabihin sa inyo na mahal na mahal ko po ang anak niyo. Hinding-hindi ko po sasaktan ang mahal niyong prinsesa." hinalikan nito ang kamay ng dalaga. Hindi pa rin matanggal sa mukha niya ang ngiti sa labi.

"Sige. Basta iingatn mo siya ha? Wag na wag mong sasaktan ang prinsesa namin."

"OPO SIR!" tumindig pa ito.

Ito ang pinaka masayang araw sa kanilang buhay. Pinakamasayang araw na hindi kailanman malilimutan.

Paano mo ba masasabing may ending ang isang istorya? Kapag naging sila na ng dalwang bida? Para sa akin hindi. Hindi mag tatapos ang kanilang istorya hangga't hindi pa ito pahintulutan ng Ama.

'Til death do us part. I love you... My Big Boss.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're The BossWhere stories live. Discover now