Habang nakaupo at naghihintay sa park ilang minuto lang tumawag na sakin si Taba."Hello Katelyn? Pasensya na sa paghihintay. Maayos na ang lahat makakapunta na ko diyan. Nagkaroon kasi dito ng banggaan kaya nagkaroon tuloy ng traffic."
"Ah ganun ba sige hintayin nalang kita." Sagot ko na may tuwa sa mukha dahil akala ko kung ano ng nangyare sa kanya.
"Sige tawagan nalang kita ulit mamaya kapag malapit na ko."
"Sige magiingat ka."
Matapos tumawag ni Taba bumili muna ko ng ice cream para naman malamigan yung paghihintay ko. Ilang oras na kong naghihintay sa kanya ehh.
Ilang saglit lang habang kumakain na ko ng ice cream. Biglang nagring ulit ang cell phone ko.
*Ring* *Ring*
"Hello Kim! Musta na? Anong nangyare? Nagkita na kayo?" Tanong ni Abby habang tuwang tuwa.
"Buang! Wala pa nga eh. Natraffic daw siya dahil may nagkabanggaan daw."
"Ahhh sige na tatawag nalang ulit ako mamaya balitaan mo ko ah! HAHAHA!"
"HAHAHA! Oo na! Maskinikilig kapa sakin eh."
Ilang minuto lang di ko namalayang ubos na pala yung kinakain kong ice cream. Kasabay pa nito ang pagtawag ni Taba sakin.
"Hello Katelyn? Nandito na ko nasan kana?" Tanong ni Taba.
"HAH! AHM ANO! JWU!" Nagulat ako bigla dahil hindi pa pala ko ready ng mga panahong yun.
"HUH? Ayos kalang ba Katelyn?"
"Hah? Ahm oo namanam! HAHAHA! Ano nabigla lang kasi ako."
"HAHAHA! Ganun ba? Nasan kana ba ngayon? Para mapuntahan na kita."
"Ahm nandito ko sa may bandang fountain. Ganda nga ng mga ulap dito ehh."
"Ahh sige puntahan na kita diyan ah stay kalang." Habang patakbo na siyang pumunta dito dahil narinig ko ang pagbilis ng tunog ng sapatos niya sa phone.
Habang nakatayo sa park sinubukan ko ding maghanap kay Taba para magkita na kami kaagad.
Ilang sagkit pa...
"Taba! Musta kana? Sabi na nga ba ikaw yan ehh tignan mo oh! Mataba ka parin HAHAHA! tapos may hawak kakanamang pagkain. Pati buhok mo oh kulot parin.HAHAHA!"
"Huh? Miss ayos kalang? Di kita kilala? Nangiistorbo kapa kumakain ako dito!"
"Hah!? Ay sorry po kala ko po kayo yung kaibigan sorry po."
Napahiya ako ng konti. Di ko akalaing di pala siya yun dahil mataba at kulot parin ang Nicholas na nakilala ko.
Ilang saglit pa kinausap ulit ako ni Taba.
"Hello Katelyn? Nandyan kapa ba nandito na ko?" Tanong niya sakin.
"Ay! Sorry nasan kana ba? Habang hiyang hiya parin ako sa nangyare kanina.
"HAHAHA! Pano ba tayo magkikita?"
"Ahm? Hhmm Alam ko na! Ano ba suot mo? Para malaman ko kung ano itsura mo?" Sa talino ko naiisip ko agad yun. HAHAHA!
"AY! Oo nga noh! Ahm naka black na pantalon ako, black na tshirt din, tapos naka white na sapatos. Ay wait may ilaw tong sapatos ko papailawin ko lang para makita mo agad. Nakablack na headphone din ako at naka black na relo.
"Ahh! Sandali titignan ko lang."
Mabilis akong nagmasid masid sa park at sa di inaasang pangayare. Pagkalingon ko biglang humarap sakin ang nakablack na pantalon, black na t-shirt, white na sapatos na umiilaw at black na headphone at relo.
Sa mabilis na pangyayareng yon biglang tumigil ang lahat.
"Hello Katelyn? Ayun! Nakita narin kita!"
Naglakad ng dahan dahan papunta sakin ang isang lalaking matangkad, macho, gwapo, maputi, at lalong lalo na lalaking kamukha ni Song Joong-ki.
Di ko inakalang ang dati kong kaibigan na mataba at kulot na si Nicholas ay isa na ngayong macho at gwapong lalaking nakita ko!
Ilang hakbang nalang ay nasa harap ko na ang kaibigan kong naging protector ako. Kasabay pa nito ang pagtulo ng laway ko.
Ilang saglit pa...
"Katelyn!" Biglang nangyare ang kinakatakutan kong manghyari! Pangyayarenh di ko inaasahan at pangyayareng naitanong na sakin ni Abby na baka mangyare na nangyare na nga!
"Katelyn! Musta na! Ahh! Maganda ka parin ngayon ahh"
"Huh!? Wait di ako si Katelyn. Tigilan mo nga ko!"
Nagulat si Taba sa nangyare dahil akala niya ako parin ang babaeng kilala niya na maganda, sexy, at maputi.
"Huh? Katelyn nasan kaba?" Tanong ni Taba habang napahiya ng konti.
Di ko inaasahang hindi pala ako ang babaeng tinitigan at nilapitan ni Taba.
Bigla akong nilagpasan ni Taba dahil ang babaeng tinitignan niya pala ay yung babaeng nasa likuran ko na maganda at may hawak ding phone.
Biglang sumakit ang puso ko! Para bang tinusok ng karayom na napaka sakit! Di ko lubos maisip na ganun pala talaga ang mangyayare.
Kaya habang naguusap pa sila Taba bigla akong tumakbo at nagdago sa kanya.
Tinawagan ko nalang si Abby para matulungan niya ko sa napakasakit na problema na nangyare sa gabing ito.
*Ring* *Ring*
"Hello Abby! HUHUHU! ABBY! Tulungan mo naman ako! Ang sakit Bie! Napaka sakit hindi ko alam na mangyayare nga ang natanong mo sa sakin noong magkatabi pa tayo sa higaan ng gabing yun!"
"Huh! Anong nangyare? Magkwento ka! Sandali lang pupunta ko diyan! Hintayin mo ko ha! Sandali lang ako basta magisip ka muna ng mga bagay na masasaya wag mo munang alalahanin yung nangyare sayo ngayon ok? Hintayin mo lang ako!"
Kaya naman hinintay ko nalang si Abby para makapag usap kami sa mga nangyari.
YOU ARE READING
You're The Boss
FanficKakayanin mo parin bang magtiis kung sobra na? Tatanggapin mo pa rin ba siya kahit ano pang maging itsura niya? Paano mo iintindihin ang bagay na dating malinaw pero ngayon ay malabo na?kung ikaw ang nasa kalagayan ni Katelyn, magagawa mo bang sabih...