Chapter 10: Road Trip

17 2 0
                                    

Nicholas's POV

     "Huh! Teka san ka dumaan? Ibang tong dinadaanan natin!"
Tanong ko kay Katelyn.
    
     "Huh? Nag straight po ko Boss wala naman po kayong sinabi ehh."

     "Uurrgg! Anong ginawa mo?" Nanggigil pa ko sa inis.

     "Teka nga! Kanina pa ko nagtatanong sa inyo kung left or right ba tayo di kayo namamansin!"

     "Hayss... Pano yan! Kapag di ko nakausap yung puountahan natin babaksak tayo!" Sabay hampas ako sa muhka ko.

     Ilang segundo lang nagkaroon ako ng idea.

     "Katelyn may alam akong shortcut dito lumiko ka." With matching turo pa ko ng kamay paliko.

     Sabay liko naman si Katelyn.

     Ilang oras pa ang dumating bigla pang nagtraffic sa shortcut na dinaan namin.

     Nawalan na kami ng pagasa pero nagulat ako sa ginawa ni Katelyn.

     Tumitingin siya kung gaano kalayo ang traffic at maya maya lumabas siya sa pintuan ng kotse na may halong pagmamadali pa. Ilang saglit pa bigla siyang lumapit at kinausap yung nagtitinda ng cloud 9.

     Mamaya bigla siyang bumalik at hinatak ako papalabas ng kotse.

     "Boss! Tara bilis!"

     "Huh? Teka anong gagawin ko." Tanong ko.

     "Basta halika na."

     Hinatak na ko ni Katelyn sa motor at pinaupo. Kinausap niya pa yung driver.

     "Kuya! Paki dala sa baguio si Boss ah?" Sabay bayad siya sa driver.

     Nagulat ako sa naisip ni Katelyn. Pinasakay niya ko ng motor para hindi ako malate sa meeting namin at hindi ako matraffic sa daan.

Katelyn's POV

     "Hayss... Natapos din ang paghihirap ko. Kainis na Boss yan."

     Ilang oras pa kong nakababad sa traffic at pagkadating ko sa baguio saktong naguwian na sila Boss.

     "Oh! Boss natapos na kayo? Sakto pala ang pagdating ko?"
    
     Bigla akong iniwasan ni Boss.

     "Teka Boss! Anong nangyare?" Tanong ko.

     "Ano ba Katelyn! Huwag kangang makulit! Kung hindi tayo umabot dun! Babasak tayo!" Sigaw niya sakin.

     "Teka nga! Boss nagtanong ako sayo ng paulit ulit! Ang sabi ko kung mag sstraight ako o kakaliwa! Eh anong ginawa mo! Busy ka sa cellphone mo at hindi mo man lang ako pinansin! Tapos ako sisisihin mo!"

     Natahimik si Boss matapos kong sabihin yun sa kanya.

     Sabay sakay siya sa kotse.

     "Ano! Sasabay kaba?" Tanong niya.

     "Hindi na magtataxi nalang ako."

     Hindi ko lubos maiisip kung bakit ganun nalang ang nangyari sa ugali niya.

    

     Pagbalik ko sa office...

     "Oh? Katelyn? Bakit di mo kasabay si Boss? Nauna pa siya sayo?" Tanong ni Maam.

     "Ahh... Wala po yun pinauna ko na po kasi siya." Sagot ko naman.

     Habang nagpapahinga muna ko sa office. Ginulo nanaman ako ni Jackie. Siya yung lalaking laging nagpapasaya ng araw ko.

     Inilapit nanaman niya yung upuan niya sa desk ko.

     "Bruce Lee! Kamusta naman yung byahe niyo? Masaya ba?"

     "Masaya? Yung byahe? No way! Walang naging masaya sa byahe namin."

     Sabay ngiti nanaman sakin si Jackie. "Bruce Lee libre kita mamaya dinner tayo? Tanong niya sakin.

     "Huh? Talaga ba? Ikaw manglilibre? May lagnat kaba? Naku baka malala na yan."

     "Hays wala kong lagnat Bruce Lee. Libre nga kita ayaw mo ba? Sige bala ka." Sabay walk out si Jackie.

     "Ay eto na eto na sige na payag na ko."

     "Okay! Hintayin kita mamaya ah? Bye bye!" Tuwang tuwa naman si Jackie.

     Ako naman ngumiti nalang at bumalik na ulit sa trabaho.

    

     Gabi na at hinihintay ko nalang lumabas si Jackie.

     Ilang minuto lang may kumalabit sakin sa likod

     "Hoy Miss! Huwag kang sisigaw kung hindi may mangyayareng hindi maganda sayo."

     Kabang kaba na ko dahil nakatutok na sakin yung baril niya sa likod.

     "Humarap ka dito!" Sabi ng holdaper habang nakatutok parin yung baril niya sakin.

     Kaya naman ako dahan dahang humarap. Nilagay yung dalawang kamay ko sa ulo ko at tumingin sa holdaper.

     "What the!" Sigaw ko sa holdaper.

You're The BossWhere stories live. Discover now