Katelyn's POV
Pagkauwi ko nang bahay ay dumiretso ako agad sa kusina upang uminom ng tubig.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang ayoko kong maniwala na matapos ang ilang taong paghihintayo ko, finally, andito na ulit siya.
Tumingin ako sa orasan. 11:30 na. Pumasok ako sa kwarto ni Abby upang tignan kung andun ba siya. Pagbukas ko ay walang Abby ang tumambad sa akin.
Narinig ko ang ringtone ng cellphone niya. May tumatawag.
Teka, naiwan niya.
Sinagot ko ito.
"Hello?"
"Hello ? Abby? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"
"Wala dito si Abby, kaibigan niya 'to. Mamaya ka nalang ulit tumawag."
"Ah, ganun ba. Sige, pakisabi tumawag ako, bye."
Binaba na nito ang tawag.
Nang ibalik ko na ito sa table ay nahulog ito sa may trash can niya.
Nakita ko ang mga pilas ng papel dito.
Kelan pa siya natutong sumulat ?
Pinulot ko isa-isa ang lahat ng ito at pinagsama-sama.
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa oras na binabasa ko 'to. Onting ayos nalang, matatapos ko na.
Nang mabuo ko na ito ay agad ko itong binasa.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para tumayo agad sa kinatatayuan kong upuan at mabilis na tumakbo papunta sa lugar na maaring niyang puntahan.
Nasan ka na... Abby.
Dear Nicholas,
Paano ko ba 'to sisimulan? Hindi ko alam kung paano ba ako hihingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan. Mahirap akong patawarin dahil, after all, niloko kita. Sasabihin ko naman sayo dapat agad eh. Pinangunahan lang ako ng takot. Takot na baka magalit ka. Takot na baka kamuhiaan mo ako. Takot na baka... layuan mo ako.
Sa tagal na nakasama kita. Sa tagal din na magkasama tayong dalawa, hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ang loob ko. Nakakatawa ba masyado ? Sorry ah. Hindi ko masabi ang lahat ng ito dahil nga sa bukod na mahina ang loob ko. Natatakot din ako.
Sana maging masaya kayo ng kaibigan ko. Alam kong matagal mo nang gustong makasam ang totoong Katelyn. Salamat din at sa maikling panahon ay nakilala kita. Nakasama kita. Nagustuhan kita.
Nagmamahal,
Abby
Takbo ako ng takbo hanggang saan ko kayanin. Pinuntahan ko na ang lahat ng pwede niyang puntahan. Bukod sa isa, sa may garden.
Nakahinga na ako ng maluwag ng makita ko siyang naka-upo sa may bench. Umiiyak.
Hindi ko na ito nilapitan pa. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Pano 'yan... gusto niya si Nicholas... pero... gusto ko rin siya.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
Bakit ako umiiyak ? Hindi dapat ako umiiyak. Huwag. Huwag mo siyang iyakan.
Bumalik na ako sa bahay at dumiretso sa higaan at tinulog nalang ang lahat.
YOU ARE READING
You're The Boss
FanfictionKakayanin mo parin bang magtiis kung sobra na? Tatanggapin mo pa rin ba siya kahit ano pang maging itsura niya? Paano mo iintindihin ang bagay na dating malinaw pero ngayon ay malabo na?kung ikaw ang nasa kalagayan ni Katelyn, magagawa mo bang sabih...