Chapter 9: New Attitude

16 2 0
                                    

Katelyn's POV

     Lumipas ang isang linggo tuluyan na ngang nilipat ako sa THE GREAT TEAM. Dun ko din nalaman na iba iba pala ang mga ugali ng mga kasama ko.

     Sa isang linggong dumaan. Dun ko nalaman na ang kababatakong si Nicholas ay nagbago na nang ugali.

     "GOOD MORNING!" Sigaw ni Abby.

     Habang ako tulog mantika nanaman at di na naman alam kung anong oras na.

     "Ano bayan! Bakit ba lagi nalang akong nalalate!" Sabi ko.

     Kaya naman pagkatapos magayos at !ag drive papuntang work. Magkasalubong pa ang dalawa kong kilay.

     "Bruce Lee! Musta? Late ka nanaman? Anyare?" Tanong ni Jackie sakin.

     "Hayss.. Lagi nalang akong nalalate sa trabaho bat ganun? Ano ba gagawin ko? Baka mapagalitan na ko ni Boss nito.

     At speaking of Boss nagulat ako dahil mabilis na lumapit si Boss sakin at biglang sinabing...

     "Hoy Miss kulot ang buhok! Ano late ka nanaman! Ayusin mo nga ang trabaho mo! Hindi ka namin binabayaran dito para lang malate ka! Ano ba pangalan mo!?" Galit na sigaw sakin ni Boss.

     Hindi ko masabi ng maayos ang pangalan ko dahil baka malamanya na ako nga talaga si Katelyn na kababata niya

     Kaya ang ginawa niya mabilis niyang kinuha ang I.D. ko para makita ang pangalan ko.

     Kitang kita ko ang pagkagulat ni Boss nang tignan niya ang pangalan ko.

     Hindi maipinta ang mukha ni Boss dahil sa akin. Hindi ko maisip kung bakit lagi nalang siyang galit at lagi pa kong sinisigawan tuwing may nagagawa akong mali.

     Ilang saglit pa bumalik narin kami sa trabaho at bigla nalang akong iniwasan ni Boss nung pagkatingin niya sa pangalan ko.

     Sinubukan kong kunin ang kamay niya para kausapin siya pero baka mapahiya o mapagalitan pa ko.

     Kaya naman umupo nalang ako at nagfocus nalang sa gagawin ko.

     Habang inaayos ko yung mga papeles. Biglang may inanounce si Miss Trixie. Siya ang sunod na namamahala sa THE GREAT TEAM.

     "Ok guys kailangan ni Boss ng makakasama para ipagdrive siya papuntang baguio. May immemeet siya para sa company. Hindi pwedeng hindi siya makaabot dun dahil napaka importante nun ok? Sino ang volunteer na sasama."

     Hindi nalang ako umimik dahil si Boss pa ang makakasama ko.

     Nagulat ako at biglang lumapit nanaman sakin si Jackie.

     "Huh! Bruce Lee! Butas ata yung tela ng damit mo sa bandang kilikile." Turo ni Jackie sakin.

     Ako naman na tutungaw tungaw tinignan naman pero di ko namalayan na nakataas na pala ang kaliwang kamay ko.

     "Maam! Volunteer daw po si Katelyn! Tignan niyo."

     Naloko nanaman ako ni Jackie at makakasama ko pa si Boss. Urg... Kagigil!

     "Bat mo naman ginawa yun Jackie!" Sabay hampas ko kay Jackie pagkatapos ko tanungin yun.

     "Hahaha ayos lang yan Bruce Lee!" Naglike pa yung dalawang kamay niya.

     Kaya naman ako hindi na nakapalag at ako pa ang nakasama ni Boss sa biyahe.

     "Ok Katelyn galingan mo ahh Good Luck!" Bati naman sakin ni Maam Trixie.

     Lumipas ang ilang oras at kailangan na nanaming umalis ni Boss.

     Pagkasakay ko sa kotse hinihintay ko lang ang pagsakay ni Boss.

     Maya maya pa at dumating na si Boss. Binuksan ang pinto at sabay upo.

     Ilang saglit pa biglang nagulat si Boss.

     "Huh! Bat ikaw ang kasama ko!?" Tanong niya sakin.

     "Katelyn po Boss at your service!" Sabay ngiti sa kanya.

     "Hayss! Bahala na nga bilisan mo diyan at mag drive kana!" Pasigaw pa niyang sabi sakin.

     Ako naman sumunod agad at binuksan ang power ng kotse sabay andar na.

     Napaka tahimik na ng paandarin ko na yung kotse. Hindi man lang kami magkausap ni Boss dahil busy siya sa pagbabasa ng cellphone niya.

     Naiisip ko na parang ang corny na ng sitwasyon namin kaya sinubukan ko siyang kausapin.

     "Uhm... Boss sarap pala dito noh? Mahangin at wala pang pollution."

     "Tumahimik ka nalang diyan at mag drive." Habang nakatutok parin siya sa cellphone niya.

     Ilang saglit pa kinausap ko ulit siya.

     "Boss tignan mo oh ang ganda ng ulap. Mahilig talaga ko sa mga ulap. Ikaw Boss? San ka mahilig?"

     "Hays ang kulit mo! Mag drive ka na nga lang diyan."
 
     "Ok Boss." Sabay tahimik nalang ako.

     Patuloy lang kaming umaandar at nahimik parin ng sitwasyon namin.

     Nagsalita ulit ako at nagtanong.

     "Boss sa left or sa pa straight tayo?"

     Hindi nagsasalita si Boss dahil busy parin sa cellphone niya.

     Kaya naman ako dumeretso nalang sa daan.

     Ilang oras na ang lumipas at biglang may napansing kakaiba si Boss at tumingin tingin siya sa paligid at biglang....

   

     Itutuloy......
    
    

You're The BossWhere stories live. Discover now