Nicholas's POV
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung ano ang gagawin ko.
Miss na miss na kita... Katelyn.
Napaluha na ako ng wala sa oras, bakit sa simula palang... hindi ko na agad napansin. Bakit hindi ko agad nalaman ang totoo. Bakit...
Sana hindi pa huli ang lahat.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.
Sinagot naman niya ito. Salamat.
"H-hello? Hello boss?"
"I m-miss you Kate..." napapahagulgol na ako sa iyak. "Miss na miss na kita."
"Teka lang boss, nagkita naman tayo kanina ah."
"Miss na miss kita." wala akong ibang masabi kundi ang salitang 'miss'. "Pwede ka ba ngayon? let's meet at park."
Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng sasakyan at dumiretso na doon.
Pagkarating na pagkarating ko doon ay agad kong hinahanap ito. Hindi ko pa man siya makita ay gusto ko na agad siyang hagkan at ikulong sa 'king mga bisig.
Nang di kalayuan sa kinatatayuan ko... nakita ko na rin siya, sa wakas. Taong ilang taon kong hinintay. Taong ilang panahon ang lumipas at ngayon ko nalamang muling nakita. Taong pilit kong tinataboy... na lubos kong pinagsisisihan.
Katelyn's POV
Hindi ko na pinatapos sa sasabihin ni Jackie at agad ko na siyang iniwan. Labag man sa loob kong iwan 'to, mas nanaig ang pagmamahal sa taong matagal ko ng gusto.
Hindi sa ayaw ko siya, kundi hanggang kaibigan lang talaga. Puro siya kalokohan pero, totoo siya sa sarili niya.
Nang sabihin niya na magkita kami sa park ay agad akong tumakbo papunta roon.
Nakarating na ako roon pero wala pa siya. Inikot ko na ang lugar malapit sa may fountain, wala pa rin akong nakikkitang kahit na anino man lang ng isang Nicholas Rutherford.
"N-nasan ka na..." nilalamig na ako sa kinatatayuan ko.
"Katelyn..." agad kong nilingon ang taong nagsabi ng pangalan ko.
Siya... 'yung taong matagal ko ng pinapangarap. Taong ang tagal ng panahon na ginugol bago pa ako makilala. Ang tagal bago niya marealized na ako 'yung taong minsan din sa buhay niya ay ginusto niya.
Nagulat ako nang bigla akong niyakap nito. Sinuklian ko din ang yakap nito.
Sana... ganito nalang palagi.
"Na-miss kita..." bulong nito.
Kumalas na ako sa pagkakayakap dito.
"Miss na miss din kita." ngumiti ako dito. "Teka, p-panong---"
"Nalaman kong nagsinungaling sa akin si Kate--- este Abby."
Nag-alala ako ng bahagya sa kaniya. Wala namang ginawa sa kaniya si Nicholas diba?
"A-anong ginawa mo sa kaniya para malaman mo?"
"Pwede bang 'wag muna natin pag-usapan 'yan?" ngumiti muli ito. "Na-miss talaga kita eh."
Kitang kita sa ngiti nito ang tuwa't galak na nararamdaman. Ganon din naman ako.
Hawak kamay kaming naglalakad dito sa may park.
"Nicholas... alam mo na ba ang dahilan ng lahat?"
"Hindi pa. Kung sasabihin mo. Oo malalaman ko na." tumingin ito sa magkahawak naming kamay. "Nang malaman kong iba ang tunay niyang pangalan. Na-isip kaagad kita. Hindi ko na siya pinagpaliwanag pa at tumakbo na ako papunta sa 'yo."
"Ganun ba."
"Oo."
"Ganito kasi 'yan... Ako ang may pasimuno nang lahat..." nahihiya kong sabi. "Hindi ko alam ang magiging reaksiyon mo kung makikita mong pangit ang itsura ko. Napagdesisyunan kong magpanggap nalamang si Abby na maging ako. Natatakot kasi ako na baka kapag nalaman mong pangit ang itsura ko... iwan mo ako."
"Ah... Ganito nalang, let's not regret everything, ok?"
Medyo nag loading pa ako sa sinabi niya.
"O-ok... let's not regret e-everything."
Nag-apir kaming dalawa.
Ang saya... sobrang saya ko.
Matapos naming maglakad-lakad ay hinatid na niya ako sa bahay.
YOU ARE READING
You're The Boss
FanfictionKakayanin mo parin bang magtiis kung sobra na? Tatanggapin mo pa rin ba siya kahit ano pang maging itsura niya? Paano mo iintindihin ang bagay na dating malinaw pero ngayon ay malabo na?kung ikaw ang nasa kalagayan ni Katelyn, magagawa mo bang sabih...